Kumurba ang tipid na ngiti sa mga labi ni Hades nang sulyapan niya si Proserpina. Nasa backseat sila ng kanyang bagong sasakyan. It’s a heavily tinted, Carpathian Grey, Land Rover. Nakadekwatro siya at nakaupo sa tabi niya ang dalaga na nakatanaw sa labas ng bintana. Kahit hindi nito sabihin ay nararamdaman niyang natetensyon ito. Kahit na nakapatong ang kamay nito sa ibabaw ng tuhod ay hindi naman matigil-tigil ang paggalaw ng mga daliri ni Pina. Patik nang patik iyon sa tuhod nito. Ginagap niya ang kamay ng dalaga. “What are you so worried about, kitten?” Napatingin ito sa kanya, sabay buga ng hangin. “Ang lakas lang ng t***k ng puso ko. Parang hindi ako makahinga.” Ikiniling niya ang ulo. He recalled the time when his heart was beating impossibly fast, too. That was the time when he