Nanigas ang likod ni Proserpina nang hindi umimik si Hades at wala siyang may narinig ni isang kataga mula rito. Nabalot sila sa nakabibinging katahimikan. Her heart ached in her chest, and she felt like it was going to explode. Kinakabahan siya at malakas na malakas ang pagpintig ng kanyang puso. Noong magkarelasyon sila ni Alessandro ay hindi tumibok nang ganito kasidhi ang puso niya. Kahit gusto pa niyang manatiling nakakulong sa mga bisig ng Mafia Boss ay pinilit niya ang sariling unti-unting kumalas sa pagkakayapos niya rito, at iniyuko ang ulo. Hindi niya alam kung paano ito tititigan sa mga mata gayung ipinagtapat na niya rito ang tunay na nilalaman ng puso niya. Dahil hindi na niya iyon kayang itago pa. Kapag nasisilayan niya ang mukha ni Hades ay tumatahip ang dibdib niya. Matiti