Mabigat ang mga talukap ni Proserpina nang idilat niya ang mga mata kinabukasan. Unang-una niyang ginawa ay ang kapain ang espasyo sa kanyang tabi. Malamig ang kubrekama sa bahaging iyon at walang bakas ng katiting na init. Ibig sabihin ay hindi natulog doon si Hades. Mag-isa siyang natulog. Nagsikip ang dibdib niya at humapdi ang kanyang lalamunan. Inilingap niya ang tingin sa kabuuan ng malawak na silid-tulugan. Madilim ang kuwarto ni Hades at wala ni isang bintana ang silid. Iyong kapag nakulong ka sa kuwartong iyon ay hindi mo na magagawang tukuyin ang kaibahan ng araw sa gabi, at baka hindi man lang lumagos sa balat mo ang liwanag mula sa labas. Matagal na niyang napuna na halos walang bintana ang kabuuan ng Mansiyon de Crassus, kaya nakapagtatakang kung gaano kadilim ang mansiyon