Warning: This chapter contains graphic s*x scenes and adult language intended for mature readers only. Not suitable for young readers or sensitive minds. _____ Maghahatinggabi na nang makauwi si Hades ng Mansiyon de Crassus. Tahimik na sa labas ng mansiyon na niyayapos ng dilim at natatanglawan lamang ng kaunti at mapusyaw na liwanag mula sa bilog na buwan. Wala ring maririnig na ingay sa mga pasilyo. Gising pa rin naman at alerto ang mga nagbabantay sa bawat sulok ng mansiyon na nagyuyuko ng ulo sa tuwing napapadaan siya sa tabi ng mga ito. Binalingan niya ang lalaking nakabantay sa harapan ng kanyang silid kung saan niya iniwan si Proserpina. “Kumain na ba siya?” “Opo, Boss, tapos na po.” Tumango siya, at hindi niya namalayan ang pag-angat ng sulok ng mga labi niya dahil lang sa isi