Hindi mapigilan ni Proserpina ang sarili na tingalain ang mukha ni Hades, habang magkaagapay silang naglalakad sa mahaba at tahimik na pasilyo ng Mansiyon de Crassus. Next to her, he stood so tall and as sturdy as an oak. Hindi madaling tibagin at hindi basta-basta na lang matitinag. He wore his ouroboros mask on his face, and he was all dressed in black from head to toe. Naroon ang paggalang at respeto ng mga miyembro ng Kratos na nakakasalubong nila para sa Boss ng Mafia. Kung hindi niya kilala si Hades ay pihadong mangingilag din siya rito. Because he had a very strong self-possession, and his presence was so intimidating that it could swallow you whole. Batay sa kanyang obserbasyon ay hindi talaga ito ang klase ng taong madaling lapitan dahil parang may mataas na pader ang nakapalibo