“Ano’ng klase ng bulaklak ba ang dinala mo?” Hades shot the Underboss a lazy stare, a way of telling Lukas that he knew exactly what kind of flower he sent her, because there was no way Lukas would send someone a proper flower. Hindi ganoon gumana ang utak ng kapatid niya. Lumapad ang pagkakangisi ng lalaki. “Alam mo na, eh!” Humithit ito sa sinindihang sigarilyo. “Nangolekta ako ng pera sa puneraryang may pagkakautang sa grupo natin. Sinabihan ko lang naman ang nag-aayos doon na kailangan ko ng bulaklak, at iyon nga ang ibinigay sa akin.” He sneered, and put out his cigarette on the ashtray. “Maganda naman ang pagkakagawa. Mapili lang talaga si Olivia. Pasalamat nga siya naisipan ko pang dalhan siya ng bulaklak, eh.” Napailing na lang si Hades, walang emosyon ang kanyang mukha at ibinal