“That was so cheap, you know.” Marahas na napalingap si Proserpina sa pinanggalingan ng boses. Nalingunan niya ang babaeng palaging naghahangad na mapansin ni Hades. Ito rin ang parehong babaeng nagdapa-dapaan sa harapan ng CEO. Pero ngayon ay siya ang kinakausap nito at pinupukol ng matalim at puno ng pagkasuyang titig. Hinayon siya nito ng tingin mula ulo pababa at pumalatak na tila ba isa siyang mababang uri ng tao. “Ang lakas din ng loob mong magpapansin sa CEO ng Vasileía. Sino ka ba sa tingin mo? Kung sa tingin mo ay may pag-asa kang makuha ang interes at atensyon ni Mr. Credenza, ay nagkakamali ka. Nahihibang ka na kung iniisip mong papatol sa kagaya mong napakabata ang isang kagaya ni Mr. Helios Credenza na kilala sa buong mundo at hinahangaan ng lahat.” Hindi siya nakapagsalit