Napatda si Proserpina nang pagpasok niya ng banyo ng kompanya ay naroroon ang babaeng pumilipit sa palapulsuhan niya. Lumingon ito sa kanya mula sa pagkakatitig nito sa sariling repleksyon sa malaking salamin. Tumaas agad ang maninipis nitong mga kilay nang makilala siya, kasabay ng pag-angat ng isang sulok ng mapupula nitong mga labi upang iguhit ang nang-uuyam na ngisi. “Ang liit naman ng mundo para sa ating dalawa. Isipin mo, ang laki ng Vasileía, pero lagi tayong pinagtatagpo,” anito. Sumuri sa kabuuan niya ang matatalim nitong mga titig na tila sinusukat ang buong pagkatao niya. Imbes na magkomento ay nagpakawala lang siya ng mababang tikhim at pumasok na sa isa sa mga bakanteng cubicles. “Hindi ko alam na tumatanggap pala ng mga babaeng mababang uri ang departamento ng HR,” parini