Hinubad ni Proserpina ang Company ID at inilapag sa lamesa ng kanyang bisor. “Ito na po ang ID ko, Boss.” Hawak ang sinulatan niyang papel kung saan niya isinalaysay ang kanyang panig sa nangyaring insidente ay tumingin sa mukha niya ang bisor, nakasungaw sa mga labi nito ang payak at alanganing ngiti. “Pasensya ka na, Proserpina. I can never go against the direct order of our CEO.” She gave her supervisor a reassuring smile. “Okay lang ho talaga ako. Huwag ho kayong mag-alala.” “I will send you the invitation for the Administrative Hearing once we have finalized the schedule.” Tumango siya at tahimik ng lumabas ng opisina. “It was fun getting to know you, even though it was just for a brief period of time,” salubong sa kanya ni Sania pagkalabas na pagkalabas niya ng opisina ng HR. Na