Napaliyad si Proserpina nang maramdaman ang paglapat ng masarap na sensasyon sa ibabang parte ng kanyang katawan na pilit na gumigising sa nahihimbing niyang diwa. Alam niyang nakatulog siya sa mga bisig ni Hades kanina at hindi pa sapat ang pahinga niya kaya ayaw pa niyang imulat ang mga mata. Inaantok siya at mula ulo pababa ay ramdam niya ang ibayong pagod na dulot ng walang kapagurang pag-angkin ng Mafia Boss sa kanyang katawan. Buong araw na silang nagkulong sa silid nito at nagpapahatid lang ito ng pagkain ’pagkat buong araw siya nitong nilalambing at ayaw paalisin ng kama. Tuwing may kakatok sa pinto ay nagtatalukbong agad siya ng kumot dahil nahihiya siya sa isiping alam ng mga ito kung ano ang ginagawa nila ni Hades sa loob ng kuwarto at kung bakit hindi sila lumalabas. Ang pagka