“Wake up, kitten.” Nagising si Proserpina sa mainit na tinig na iyon na pabulong ang ginagawang pagsambit sa pangalan niya malapit sa kanyang tainga. Pumaypay ang mainit nitong hininga sa bahaging iyon at nanginig ang kanyang katawan. Si Hades... Katabi niya pa rin ito. Nakahiga siya patalikod sa lalaki. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata at napangiti nang makitang nakayapos pa rin sa baywang niya ang isang kamay ng binata. Inabot niya ang kamay nito at dinala sa tapat ng dibdib niya, mahigpit iyong niyapos. That made him chuckle adorably. Tinamnan nito ng halik ang sentido niya. “That's cute, kitten. I could say it's an invitation to another round of bliss. Tempting, but I need to head home,” anas nito, dinampian ng halik ang batok niya. “Huwag kang titingin dito. Ayoko pang isuo