Nakailang hikab na si Proserpina habang pumipindot sa tipaan ng laptop. May mga pinapatos sa kanya si Helios na draft ng mga memo na kailangang i-publish sa online tool ng kompanya. Bago pa siya dumating sa penthouse ay tumawag na sa kanya si Helios at nagsabing may meeting ito sa labas. Binigyan naman na siya ng key card ng boss niya sa penthouse nito at malaya siyang nakakapasok doon. Maliban kay Ms. Tadeo na Executive Assistant ng CEO, na naiintindihan na niya ngayon kung bakit nasa kay Helios Credenza ang katapatan nito kaysa sa umuupong CEO ng Vasileía, ay wala ng ibang may nakakaalam pa na nagtatrabaho siya bilang Personal Assistant ng may-ari. Siyempre nga naman kapag maraming nakaalam na direkta siyang nagtatrabaho sa misteryosong may-ari ng Vasileía ay baka dumugin siya ng m