CALI Nagkayayaan kami ni Rico na magbisikleta muna sa labas para magpapawis. Niyaya niya ako at pumayag ako since wala naman akong ginagawa sa bahay. Nabuburyo lang din naman ako kaya sumama na ako. Palagi kaming nagkakarera sa pagbibisekleta. Minsan nga nakakarating na kami sa malalayong lugar. "Uhm Cal may ipapakilala ako sayo si Mary Rose taga kabilang barangay lang siya maganda at sexy." sabi niya "Type mo? nililigawan mo ba?" Tanong ko. "Hindi, sayo ko nga ipapakilala eh baka matipuhan mo. Di ba yun ang hanap mo maganda at sexy?" Sagot niya. "Naku wag na dala na ako sa mga pinapakilala mo sakin. Pass muna ako ayoko munang mabasted broken hearted pa nga ako eh kakabasted lang sakin ni Monica tapos may ire-reto ka na namang bago. Kung hindi lang kita tropa mapapagkamalan kitang bug