bc

A STRANGE AFFAIR

book_age18+
8.2K
FOLLOW
25.2K
READ
submissive
confident
drama
gxg
female lead
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Si Clariza Mallari o kilala bilang Cali ay may pusong lalaki na umibig sa kapwa niya babae. Kilala siya sa kanilang lugar dahil halos lahat ng magagandang dilag ay kanyang natitipuhan. Ngunit wala man lang ni isa ang sa kanya'y nagparamdam ng pag-ibig na inasam.

Hanggang sa nakilala niya si Heide Alegre ang babaeng nagbigay at naglaan sa kanya ng oras at atensyon. Nahulog ang loob nila sa isa't-isa na kailanman ay hindi niya naisip na mangyayari pa. Dahil halos lahat ng babaeng niligawan niya noon ay binasted at iniiwasan siya.

Tutol ang lahat sa kanilang pag-iibigan lalo na ang kanyang ama dahil mali raw ang umibig sa parehong kasarian at kasalanan ito sa panginoon. Kinutya sila ng karamihan kasi salot raw sa lipunan ang kanilang pagmamahalan.

Ngunit sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ay ipinaglaban pa rin nila ang kanilang bawal na pag-iibigan dahil nangako sila sa isa't-isa na walang makakasira ng kanilang pag-ibig kailanman at magiging sila hanggang sa dulo ng walang hanggan. Kahit sino pa man ang humadlang dahil ang tunay na pag-ibig ay may paninindigan.

Pero saan nga ba sila dadalhin ng kanilang kapalaran kung ayaw sa kanila ng sambayanan? Paano nila sisimulan ang buhay na magkasama kung ang lahat ay tutol sa kanilang pagmamahalan? Kaya ba nilang panindigan na ang pag-ibig ay pangkalahatan at hindi basehan ang kasarian sa dalawang pusong nag-iibigan?

Mapapatunayan kaya nila sa lipunan na ang pagmamahal ay walang pinipiling kasarian?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
CALI "Tay wag po parang awa niyo na po, wala na po akong ibang mapupuntahan pa." Pagsusumamo ko kay tatay dahil kinuha niya ang mga damit ko at isa-isang itinapon sa labas. "Lumayas ka rito sa pamamahay ko wala akong anak na tomboy! wala akong anak na salot!" Nanggagalaiti niyang singhal sa akin. Pinagsusuntok at pinagmumura niya ako kanina ng maabutan niyang nagyayakapan kami ni Kristine sa kwarto. Kino-comfort ako ni Kristine kaya ganun ang eksenang nadatnan niya. Nakita ni Kristine yon kung paano ako tratuhin ng sarili kong ama. Pinauwi ko muna si ito dahil ayokong madamay siya sa galit ni tatay dahil gumagamit ito ng kamay na bakal lalo na kapag galit. Wala siyang sinisino at isa yun sa mga dahilan kung bakit kami iniwan ni nanay. Palagi siyang nambubugbog. "Pero tay kayo na lang ho ang pamilya ko rito. Ilang beses ko po bang sasabihin sa inyo na kaibigan ko lang po si kristine at wala kaming relasyon." umiiyak ako dahil sa bugbog na inabot ko sa kanya. Pero sanay na ang katawan ko sa mga pambubogbog niya sa akin "Kaibigan ha? Talaga ba clariza? eh, ano ang mga kumakalat diyan sa labas na balita tungkol sayo? Pinopormahan mo si ganito nililigawan mo si ganyan at ngayon si Kristine naman daw ang binibiktima mo. Hindi ka ba nahihiya ha? Puro kahihiyan na lang ang dinadala mo rito kaya mabuti pang lumayas ka na!" bulyaw niya. "Gusto ko lang naman pong magkaroon ng kaibigan tay yung may magmamahal sa'kin. Pagmamahal na hindi niyo ho kayang ibigay sa akin." Sagot ko sa kanya. Natigilan siya sa sinabi ko. "aba't sumasagot ka pa ha!" At kasabay nun ay isang malakas na sampal pa sa pisngi ang inabot ko. Para akong nakakita ng mga kumikislap na bituin ng tumama ang mga kamay niya sa pisngi ko. Ang sakit! "Sige tay patayin niyo na lang po ako tutal wala naman po akong silbi sa inyo di ba? Sakit sa ulo at pabigat lang ang tingin niyo sakin. Ni hindi niyo nga ako itinuturing na anak." Sagot ko sa kanya nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha ko. "Paano kita ituturing na anak ha? Hindi ko nga alam kung anak ba talaga kita!" Sagot nito. "Ahh, kaya po pala ganun niyo na lang ako alipustahin? Bakit niyo pa po ako binuhay tay? Dapat noong simula pa lang pinaampom niyo na ako ni nanny o di kaya tinapon sa ilog edi sana wala kayong problema ngayon." sinagot ko na siya dahil sumusubra na siya. "Bakit hindi mo itanong sa nanay mo? Dumating siya rito na buntis sayo kahit hindi pa kami nagsasama at sa tingin mo paniniwalaan ko siya?" Paano ko itatanong kay nanay pitong taon pa lang ako ay iniwan na niya kami. Iniwan niya ako kay tatay pero sabi niya babalikan niya ako kapag nakaipon na siya sa Batangas. "Oh ba't natahimik ka ata? Hindi ka makasagot no kasi ayaw rin sayo ng nanay mo kaya nga niya tayo iniwan di ba?" Tanong niya. "Hindi tay, hindi po ito tungkol sa'kin, iniwan tayo ni nanay para maghanap ng trabaho, para mabuhay tayo dahil ayaw mong panindigan ang  pagiging padre de pamilya mo. Palagi na lang kayong nasa sabungan, uuwi kayo ng lasing, inaaway niyo pa si nanay kapag hindi kayo nahahainan ng pagkain. Paano kayo hahainan wala naman kayong binibigay na pera sa kanya para pambili ng bigas at ulam. Nangangalakal na nga lang kami para makakain tayo kahit ang pag-aaral ko ay natigil na." Mahaba kong litanya kahit pasinok-sinok na ang boses ko. Gusto kong isumbat sa kanya ang lahat ng pagmamaltrato niya sa'kin lahat ng pasakit na dinanas ko sa kanya. Oo tomboy ako pero hindi ko naman siguro deserve na ipagtabuyan , kutyain at insultuhin. Ang gusto ko lang makahanap ng totoong kaibigan at kay kristine ko yun natagpuan pero dahil sa mga chismosa naming kapitbahay at pakialamera ay kung anu-ano ang sinasabi kay tatay. Sinisiraan ako kaya lalo pang nagagalit sa'kin ang ama ko. "Ano pang tinutunganga mo diyan layas at huwag na huwag ka ng babalik pa! Ano ha gusto mo pa bang kaladkarin kita palabas?" bulyaw nito. Wala na akong nagawa pa pinulot ko isa-isa ang mga damit kong nagkalat sa kung saan-saan. Kumuha ako ng sako bag at doon inilagay. Ni wala akong matinong bag na malalagyan ng gamit ko. Umalis ako ng bahay na walang wala. Walang pera at hindi ko alam kung saan ako tutuloy ngayon. Naalala ko si Kristine kinuha ko ang lumang model ng cellphone ko na keypad at tinext siya. Kinapalan ko na ang mukha ko. Nagbabakasakali lang. Me:  Tin pwede bang diyan muna ako sa inyo? Tin: Ha? bakit? Me: Pinalayas ako ni tatay. Tin: Ano? Bakit niya ginawa yon?Naku Cali pasensya ka na pero hndi pwede rito sa bahay masikip na kami dito alam mo naman na dito nakatira ang pamilya ng ate ko. Me: Ganun ba sige. Salamat na lang. Tin: Sorry Cali. Asan ka na ngayon? Tinanong niya ako pero hindi na ako nagreply pa. Akala ko tutulungan niya ako dahil magkaibigan kami pero mali ako. Saan na ako ngayon pupunta? May isang tao pa akong naisip lapitan si Tiyang Carmen dati siyang kaibigan ng nanay ko baka may alam siya kung saan ko hahanapin si nanay. Lalakarin ko lang papunta sa kanila dahil wala akong pamasahe titiisin ko na lang ang sakit ng katawan ko dahil sa bugbog na inabot ko. Nasa kabilang bayan pa ang bahay nila. Madalas akong sinasama ni nanay noon tuwing lalayas siya kapag nag-aaway sila ni tatay dahil binubugbog siya nito. Ang sakit na ng mga paa ko sa kakalakad at ngawit na rin ang balikat ko sa sako bag na bitbit kahit hindi naman kabigatan ngunit hindi ko na iyon ininda. Ang importante ay makarating ako doon. " Tao po! Tao po! Tiyang Carmen nariyan po ba kayo?" Sigaw ko mula sa labas ng gate nila. Bumukas ang pinto at lumabas si Tiyang Carmen. "Oh, Clariza ba't naparito ka? Napano ka bakit mugto yang mga mata mo at ang dami mong pasa? At ano yang dala mo?" Sunod-sunod niyan tanong. Hindi ko siya nasagot dahil naiiyak na naman ako. "Siya pumasok ka muna sa loob." Sumunod ako sa kanya. "Salamat ho tiyang." Sagot ko. "Napaano ka nga o ito tubig uminom ka muna." Sumalin siya ng tubig sa baso. "Pinalayas ho kasi ako ni tatay tiyang." "Ano? Bakit anong kasalanan mo at umabot sa ganito?" Tanong niya. "Hindi niya ho matanggap na ganito ako na tomboy ako dahil kahihiyan lang daw po ang dala ko sa kanya." Pagpapaliwanag ko. "Naku yang tatay mo talaga hindi na nagbago, kahit kailan talaga hindi na naawa sayo ang bata-bata mo pa. Ilang taon" Sagot niya. "17 pa lang po ako tiyang. Kaya po ako narito para humingi ng tulong sa inyo gusto kong hanapin si nanay sa maynila." sabi ko. "Napakalayo ng maynila Cali at mahal ang pamasahi mula rito sa Antique. Isa pa hindi mo kayang pumunta ron mag-isa." Dugtong niya. "Pero alam niyo po ba kung saan si nanay sa Batangas?" Tanong ko ulit. "Sa pagkakaalam ko nasa Sto. Tomas, Batangas siya. Nagtatrabaho siya doon bilang factory worker. Saglit kukunin ko ang cellphone ko, heto ang numero niya." Sabi niya at inabot sakin ang papel na may numerong nakasulat. Kinuha ko yung number ni nanay. Sto. Tomas, Batangas?.Malayo nga pero buo na ang desisyon ko. Pupunta ako doon at hahanapin si nanay bahala na. "Uhm, Tiyang pwede po ba ako magpalipas ng gabi rito? Ngayong gabi lang po bukas na bukas po ay aalis ako agad." Sabi ko. "Oh, sige pero saan ka pupunta bukas?" Tinanong niya ako. "Maghahanap ho ng trabaho Tiyang." Pagsisinungaling ko dahil sigurado akong pipigilan niya ako dahil nga malayo ang Batangas. "Ganun ba, oh siya kumain ka na muna para makapagpahinga ka na." Sagot niya. Kinabukasan ay madaling araw akong umalis nag-iwan lang ako ng sulat kay tiyang Carmen na umalis na ako. Lumakad ako papuntang Terminal ng bus. Kahit wala akong pera ay makikipagsapalaran ako hindi na ako umutang kay tiyang Carmen dahil alam kong kapos rin sila sa buhay may pinapaaral siyang anak na nangungupahan pa dahil malayo ang paaralan nito. Hindi pa man ako nakakarating ng terminal ay may dumaang bus na may nakasabit na Batangas. Dali-dali ko iyong pinara hindi na ako nagdalawang-isip pa. Pumara ito ang bus at pinasakay ako. Bahala na sakin ang diyos.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Andriano's Fat Baby

read
44.1K
bc

UNDERCOVER BOSS: TRISTAN The Logistic Tycoon

read
223.4K
bc

One Night, One Pleasure | R18

read
136.4K
bc

Law of Love (Buenaventura Series #1)

read
40.6K
bc

My Bodyguard, My Lover

read
19.2K
bc

Game of Love (Buenaventura Series #3)

read
31.2K
bc

NINONG III

read
389.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook