CHAPTER 2

1107 Words
CALI Sumakay ako ng bus na walang pera at sako bag lang ang dala mga damit ko lang ang laman nito. Pinagtitinginan ako ng mga tao para bang may nakakahawa akong sakit. Umupo ako sa pinakadulong upuan. Ang sarap sa pakiramdam ng aircon parang napawi saglit ang pagod ko sa kakalakad. Sumandal ako at natulog muna kailangan ko ng pahinga at lakas para sa susuungin kong buhay pagdating sa batangas. Iidlip muna ako. "Lito saan ka ba nanggaling kanina ka pa namin hinihintay ng anak mo, hindi pa nakapagluto at walang pambili ng bigas." Bungad ni nanay ng dumating si tatay. "Ano ba magda pati ba naman yan ako pa ang mamomroblema? Wala ka namang ginagawa rito sa bahay ah bakit hindi ikaw ang maghanap ng makakain niyo." Sagot ni tatay. Lasing na naman ito. "Maysakit ako Lito hindi pa kaya ng katawan ko ang mangalakal para may pambili tayo ng pagkain. Pag gumaling ako babalik ako sa pangangalakal para may pera tayo." Sagot ni nanay. Naaawa kong tiningnan si nanay. Sa murang isip ay gusto kong makatulong kay nanay kaya nagpresinta ako. "Nay ako na lang po ang mangangalakal bukas baka lumala pa po ang sakit nyo.." Sagot ko. "Oh yun naman pala, e. Dapat matagal mo ng ginawa yan Clariza para may silbi ka naman rito." Pasigaw na sabi ni tatay. Hindi ko na lang pinansin. "Tay pahingi muna ng pera bibili ako ng bigas para makapagsaing na ako at makakain tayo." Sabi ko na lang sa kanya. "Wala akong pera dito dapat naghanap na kayo kanina hindi yung sakin niyo pa iaasa." pasinok-sinok na sigaw ni tatay. "Lito inubos mo na naman ang pera mo sa alak? Hindi ka man lang nagtira para sa pangkain natin. Ano na ngayon ang kakainin natin? Maliit na nga lang ang kinikita mo sa construction winawaldas mo pa sa walang kwenta mong bisyo." Paiyak na sabi sa kanya. "Pwede ba Magda huwag mo nga akong pakialaman." Sigaw ni tatay kay nanay. "Ano na ngayon ang kakainin natin Lito? Alam yun lang ang inaasahan natin para mabuhay." "Hindi ko na yon problema Magda kayo ang maghanap ng pera para makakain kayo. Ba't ayaw mong patigilin sa pag-aaral yang anak mong totomboy-tomboy para may silbi siya gastos lang yang eskwela niya." "Pero Lito kailangan yun ng anak mo pra hindi siya matulad sayo." Sagot ni nanay sa kanya. "Aba't sumasa..." Naputol ang sasabihin ni tatay ng may kumatok sa pinto. May babaeng tumatawag kay sa kanya. "Lito nandiyan ka ba?" Boses ng babaeng nasa labas. Tumayo si nanay at binuksan ang pintuan. "Sino ba yan?" Tanong ni nanay at binuksan ang pinto. "Hi po, nandiyan  ba si Lito nay? Naiwan niya ho kasi ang cellphone niya sa bahay, heto po oh." Sabi ng babae kay nanay. Nagulat si nanay sa sinabi ng babae. Nilingon ko si tatay at nabigla rin ang mukha nito. "Diday ikaw pala yan Magda k-kunin mo nga ang cellphone ko." Utos niya kay nanay. "Sano ang babaeng to Lito? Anong ibig sabihin nito?" "Ah girlfriend niya po ako nay." Sagot ng babae "Girlfriend?! Hoy ineng asawa ako ni Lito kaya wag mo akong matawag-tawag na nanay dahil hindi kita kaano-ano! Hindi mo ba muna inalam ang background ni Lito bago mo landiin ha?! May anak na kami kaya kung pwede layuan mo ang asawa ko!" Galit na sigaw ni nanay. Nagulat ang babae sa nalaman at walang pasabing tumalikod ito at umalis. Hindi na nakuha ni tatay ang cellphone. "Diday ang cell..." Isang malakas na sampal ang inabot ni tatay mula sa mga kamay ni nanay. "Hayop ka Lito kaya pala nauubos agad ang pera mo dahil kung hindi sa bisyo mo ay sa mga babae mo lang napupunta! Hayop ka talaga!" Naiiyak na sabi ni nanay at pinaghahampas niya si tatay sa dibdib halos hindi na alintana ang sakit nito. "Tumigil ka Magda, sino ba ang gaganahan sayo amoy grasa ka ni hindi ka marunong mag-ayos ng sarili kaya ka napapagkamalang ina ko. Hindi mo ba nakikita ang sarili mo ha?! Singhal sa kanya ni tatay at tinulak niya ito. Tumama ang ulo ni nanay sa kanto ng mesa. Natumba siya sa sahig at nawalan ng malay. "Nay! nay! Gising tay si nanay tulungan niyo po." Sigaw ko tatay na umiiyak at nagmamakaawa. Pero tinalikuran niya lang kami at pumasok sa kwarto. "Sir." Naalimpungan ako sa pagkalabit sakin ng konduktor ng bus, ginigising niya ako. Hayss! Kahit sa pag-idlip ko ay hinahabol pa rin ako ng mga masasakit at mapait na nakaraan ko lalo na kay tatay kung paano niya kami api-apihin ni nanay. Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ang konduktor sa harap ko at may hawak ng ticket at inabot sakin. "Ah sir heto po yung ticket niyo mamaya ko kayo babalikan." Sabi niya. Kinuha ko ang ticket sa kanya at sumandal ulit. Tinawag niya akong sir buti hindi niya ako nakilala bilang babae. Panlalaki ang gupit ko at panlalaki rin ang damit. Ang tanong nga lang kung paano ko babayaran ang pamasahe? Ni pambili nga ng pagkain wala ako tinitis ko lang ang gutom ko. Nagbaon lang ako ng tubig mula kina tiyang Carmen nilagay ko sa 1.5 plastic bottle ng coke. Tumigil muna saglit ang bu para pababain ang mga pasahero. "Oh baba muna kayo para kumain at magbanyo malayo-layo pa ang ating byahe." Sigaw ng konduktor. Nagbabaan ang mga tao at may napansin akong isang babae hindi ito bumaba dahil may baby siyang kasama. Napansin kong kumakain siya ng kanyang baon napapalunok na lang ako ng laway habang tinitingnan ko siya. Hindi na rin ako bumaba tutal wala naman akong kakainin iinom na lang ako ng tubig. Hanggang sa ang inalok niya ako. "Kuya kain ho kayo hindi ho namin mauubos ito mapapanis lang kapag hindi nakain." Alok niya sakin sabay abot ng kanin na nakabalot sa plastic at isang nilagang itlog. "Uhm, Sigurado po ba kayo tita baka kailangan niyo pang kainin to mamaya?" Tanong ko sa kanya. "Hindi na ho sa mindoro lang ang baba namin ng anak ko kaya kainin niyo na po iyan mukhang wala po kayong baon." Sagot nito. "Ah ganun po ba, maraming salamat po tita ah tamang-tama wala po akong  baon. Tumango lang ito at tumalikod para padedehin ang anak. Kumain ako ng tahimik at nagpasalamat dahil kahit papabano'y may taong mabubuting kalooban. Kaya hindi ako nawawalan ng pag-asa magkikita rin kami ni nanay. Nagsibalikan na ulit ang mga pasahero. Tumakbo na ulit ang bus. Naisip ko pagdating sa batangas makikitawag na lang ako para tawagan ang numerong binigay ni nanay dahil wala akong load. Hindi ko mapigilan ang maexcite dahil pakiramdam ko malapit ko ng makita si nanay. Sobrang miss na miss ko na siya at gusto ko na siyang mayakap. "Nay hintayin mo ako malapit na ako sayo." Usal ko at umidlip ulit. Sana paggising ko ay nasa batangas na ako. Sana! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD