BOLCT-16 Marinel Pareho kaming napalumbaba ni Enzo. Kanina pa kami review nang review matapos naming magmeryenda. "I'm bored looking at the books but not at you," hirit pa nito. Ngiti lang ang itinugon ko. Sobrang sweet niya yata ngayon. "Puro ka kalokohan," kumento ko na lamang. "Kailan ba ang early exam natin?" tanong nito. Kinuha ko ang memo pad ko. "Sa sabado na pero ang sabi ililipat daw nila sa lunes. Kailangan nating pumasa para makasabay tayo sa mga magtatapos sa sa september," sagot ko. Napanguso ito. "Wala bang kodigo?" Ngali-ngali ko itong binatukan ng mahina. "Puro ka kalokohan. Mag-aral na nga tayo." Buong araw kaming nag-review at parang napiga ang utak ko sa dami ba naman ng kailangang pag-aralan. Pero para kay Enzo, parang minamani niya lang ang review namin. Ang