BOLCT-17 Marinel NAPATAYO naman bigla itong si Andy pagkapasok ni Enzo sa kuwarto. "Mauna na ako Nel, may pasok pa ako," paalam nito. Napatango ako bilang pagtugon. Kumaripas ito nang takbo palabas. Napailing na lamang ako at iniligpit na rin ang mga pinagkainan namin. Napatitig ako sa kuwartong pinasukan ni Enzo. Nag-aalala talaga ako sa kanya at hindi ko alam kung tungkol saan ang pag-aalala kong ito. Mukha siyang pagod pero hindi niya pinahahalata sa akin iyon. Napabuntong-hininga na lang ako at sinimulan ko nang maglinis. Nilibot ko pa ang aking paningin sa kabuuan ng condo niya. Sobrang linis ng sahig. Nagwawalis pa ba sila rito? Iyong kalat naman na sinasabi ni Enzo sa kusina ay konting hugasin lang naman. Nanliit ako sa aking sarili. Talagang ipinapakita sa akin na mas nakakaang