BOLCT-15 Marinel GUSTO ko na ang huwag pang malayo sa kanya. Gusto ko makasama na lang siya araw-araw. Makita ko siyang katabi ko palagi. "Hoy!" pukaw ni Veronica sa akin. "Ano!? Panira ka ng moment!" inis kong sagot. "Sus! Kulang na lang umapoy 'yang si Enzo sa kakatitig mo," nakahalukipkip nitong asar sa akin. Nasa kotse pa kasi si Enzo at Andy, naglalabas ng mga gamit namin ni Nica. Kauuwi lang namin galing Baguio at aminado akong masaya sa kabila ng mga nangyari. "Masaya lang ako," sagot ko at ibinalik ang atensiyon ko kay Enzo. "Wow! Iyon 'yon eh! Parang walang nangyari ah? Iyong me paiyak-iyak ka," asar niya. "Ha-ha-ha!" plastik kong tawa. "Masaya ako kasi na-realized niya ring ako ang mahal niya at hindi ang pinsan ko," ani ko. "Hindi ka ba nagtataka?" makahulugan nitong