BOLCT-14

920 Words

BOLCT-14 Marinel NAALIMPUNGATAN ako dahil sa malakas na pagkatok sa pinto ng kuwartong okupado ko. "Nel! Lumabas ka riyan!" Napakunot-noo ako dahil sa narinig ko. Ano na naman kaya ang problema nitong magaling kong pinsan! Lumapit ako agad sa pinto para buksan ito. "Ano–" Napahawak ako agad sa pisngi ko dahil sa sampal na natanggap ko mula sa kanya. "Malandi ka!" paratang nito sa akin. "Hindi ako malandi!" matapang na sagot ko. "Talaga lang huh!? Sinira mo ang pag-asang maging kami ulit! Anong klaseng pinsan ka!" Para yatang sasabog na ako dahil sa mga paratang niya. "Ako pa ngayon ang mali? Sino ba ang nagsinungaling sa atin? Sino ba ang palaging tumutulak sa kanya palayo! Sino ba ang pinagmukha siyang tanga at pinaasa! Hindi ba't ikaw lahat ang may gawa niyon. Kaya huwag mo ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD