BOLCT-2
Marinel
WALA sa katinuan akong napatango. Diyos ko po! Totoo ba talaga 'to?
"Gaga!" sabi bigla ni Veronica sa akin sabay batok.
"Ano ba!" angal ko.
"Aba! Kilala kita. Sa malayo pa lang ako, 'yang utak mo lipad hanggang planetang yekok! Tapos 'yang habbit mo nang pagtakip ng mukha at pagpadyak ng paa e may ginawa kang katangahan ano o kaya naman kinikilig ka?!" mahabang litanya niya.
Best friend ko nga talaga siya.
"Mamaya ko na kuwe-kuwento sa 'yo. Bakit ka ba nandito?" pag-iiba ko nang usapan.
"Ito 'yong lunch mo," sagot niya sabay abot sa akin ng paper bag.
"Ang bait!" puri ko pa.
"Gaga! May bayad 'yan! Oh... My... Gee! Diyan ka na! I've spotted hot Papa!" bigla niyang sabi at kumaripas na nang lakad.
Ang landi talaga! Tsk! Magkatabi lang kasi 'tong university na pinapasukan ko at ang ospital na pinagtatrabahuan ni Veronica. Kaya nga anytime ay puwede niya akong dalawin dito sa school.
"Hey? Are you okay?" untag sa akin bigla ng adones na 'to.
"Adones! Ay! Ha? Ah? Oo naman," nauutal kong sagot.
"Here."
Inabot niya sa akin 'yong coke in can at chicken sandwich. Ay ang bait niya!
"Salamat," naiilang ko pang sabi.
"You are welcome. Next time, mag-iingat ka na, okay? I am not there to catch you again," nakangiti niyang sabi. Heaven!
"Sorry pala kanina," nahihiya ko pang sabi at 'di makatingin ng diretso sa kanya.
"Oh? So rude I am. By the way, I'm Enzo... Calvin Enzo Villaraza. And you are?" pakilala niya habang inilalahad ang kanang kamay sa akin. Nahihiya naman akong inabot iyon at nakipagkamay.
"Marinel.... Marinel Gomez Magtalas," sagot ko.
"Nice name," aniya pa at nginitian ako ulit. Lord naman! Ito na ba 'yong grasya? Ang sarap naman papakin!
Bigla naman akong tinawag ng pinsan kong si ate Moana. Nitong nakaraang buwan ko lang nalaman kay nanay Carmen na may kamag-anak pa pala ako at 'yon nga, sila ate Moana. Okay naman ang pakikitungo nila sa akin kaya ayos na rin. At least may kakilala akong kamag-anak. Kapatid ng Daddy ni ate Moana ang nanay ko.
"Nel!" Kumaway ako.
Papalapit si ate sa puwesto ko at parang nagbago ang aura niya nang makita si Enzo. Napagawi rin ako ng tingin kay Enzo. Malungkot ang mga mata niya. Magkakilala ba silang dalawa?
"Nel! Tara sa klase," yaya ni ate Moana sa akin.
"Po? Mamaya pa klase ko, ate. Sabay kami ni Enzo," sagot ko.
Napakunot-noo naman si ate Moana.
"Ganoon ba? Sige, una na ako," aniya tapos umalis na.
Ni hindi man lang niya tinapunan ng kahit konting tingin si Enzo. Nang tuluyan nang makalayo si ate Moana sa amin ay agad kong binalingan si Enzo. Malungkot ang aura niya.
"Ayos ka lang ba?" untag ko rito.
Hindi niya ako sinagot, bagkus ay tanong din ang ibinalik niya.
"Kaano-ano mo siya?"
"Ah? Pinsan ko si ate Moana," sagot ko.
Tumayo naman siya bigla.
"I have to go. See you tomorrow Marinel," he said.
Wala akong nagawa kundi ang tumango na lamang. Sa itsura niya, mukhang may kung anong bagay ang nag-uugnay sa kanilang dalawa. Hindi ko lang matantsa kung ano iyon.
Napamasid ako sa hawak kong pagkain na bigay niya. Ang gentleman niya at mukhang mabait pa. Sinalo niya rin lahat ng kaguwapuhan na blessings ni Lord. Walang pa ano't pa'y sinimulan ko na lang kainin 'yong bigay niya. Sayang din naman kasi, ang mahal kaya nito. Can't afford ko pa man din ang mga pagkain sa canteen kaya nga nagbabaon ako lagi ng snack ko at pantanghalian. Kibit-balikat akong napasulyap sa relo kong mumurahin. Libre kaya 'tong pa-raffle sa supermarket noong isang linggo at saktong ako ang nanalo.
"Patay! Late na naman ako!" naisambit ko at nagkukumahog na tumakbo papunta ng classroom.
Saktong pagkaabot ko ay kung minamalas ka nga naman, nakasalubong ko pa ang professor namin.
"Ms. Magtalas, late ka na naman ulit," puna niya pa habang nakasulyap sa relo niya sa kaliwang braso.
Napatungo ako ng wala sa oras para humingi ng dispensa.
"May tinatapos lang po Prof," sagot ko.
"Ayos lang, kung ikaw ba naman ay laging late at ikukumpara sa grades mo aba'y ayos lang," nakangiti niya pang sabi at umuna nang pumasok sa laboratory.
Napangiwi na lamang ako. Oo, aaminin ko, medyo matalino raw ako, 'yon ang sabi nila. Ngek, halos dumugo nga ilong ko sa kaka-aral e. Sa santong tsambahan siguro kaya malalaki 'yong marka ko.
Pumasok na ako sa loob at inilapag ang mga gamit ko sa maliit na mesang naka-assign sa amin. May kumalabit naman sa akin bigla kaya pahapyaw akong napabaling din ng tingin sa gilid ko. Siya 'yong kaibigan ni Enzo kanina na aksidenteng nakabangga sa akin.
"Have you seen Enzo?" Napatango ako.
"Sabi niya see you tomorrow daw," sagot ko naman.
Sumama naman bigla 'yong aura niya. Guwapo sana, suplado naman!
"What the hell are you doing!? Have you forgotten that we're having an exam today!" biglaang pagtaas ng boses ni....
Sino nga ba siya ulit? Oh tama! Andy... Mukhang kausap niya si Enzo sa kabilang linya. Bigla namang may tumapik sa balikat ko. Gulat at tulala akong napatingin sa kanya.
"Loko ka dude! Mababaog ako sa kakasermon sa 'yo." Narinig ko pang litanya ni Andy sa likuran ko.
"Hey Nel? Are you okay?" Ang guwapo niya talaga kapag nakangiti! Diyos ko po! Mapipigtasan ako ng strap nito e!
"Nel?" untag niya ulit sa akin.
"Huh? Ah oo!" natataranta ko pang sagot at agad na napabuklat sa libro ko. Ang gaga! Bakit ba ako natataranta kapag nandiyan siya.
"Kindly pass the test books to your seatmates. I'll leave you guys and come back later. I hope you guys still remembered your past lesson last year. This is just a review but it still can reflect to your grades today. So see you later," mahabang paliwanag ng professor namin.
Napabuklat ako agad sa test booklet. Madali lang naman pala. Parts of the human body and uses and how it goes lang naman. May mga given words din na kailangan ng definition. Sinimulan ko nang sagutan lahat hanggang sa nangalahati na ako nang bigla naman akong kalabitin ni Andy. Nagtataka akong napalingon sa kanya. Ngumuso naman siya at para bang itinuturo niya si Enzo na nasa tabi ko lang. Pahapyaw kong binalingan si Enzo. Busy ito sa kalalaro ng lapis niya at wala man lang ni isang sagot ang makikita sa test book niya. Para bang ang lalim ng iniisip niya. Napasulyap ako sa relo ko. Malapit nang matapos ang oras namin. Agad kong tinapos na sagutan ang test book ko at pasimpleng hinablot 'yong test book ni Enzo saka ipinalit muna 'yong akin. Gulat naman siyang napatingin sa akin pero nginitian ko lang siya. Sinimulan ko nang sagutan lahat hanggang sa matapos ko ito. Sakto namang tumunog 'yong bell at pinagkukuha na rin 'yong test books namin.
"Why did you do that?" tanong sa akin ni Enzo.
"Kasi kahit naman pumasok ka pa, wala rin namang pumapasok sa utak mo," sagot ko at kinuha na ang mga gamit ko.
"Just say thank you dude," ani pa ni Andy.
"Thanks," alanganin niya pang sabi sa akin.
Tumango lang ako at nagmadali nang umalis. May pasok pa kasi ako sa coffee shoppe.
Calvin Enzo
"NEL!" I called but she was too far now.
"She's gone dude." Andy tap my shoulder. Napahilot na lang ako sa sintido ko.
"You really owed her. Patay ka talaga sa parents mo kapag bumagsak ka bro," Andy said.
"Dapat 'di niya ginawa 'yon. It is really my fault," sagot ko.
"And to tell you something, pinsan niya si Ms. World. What a coincedence nga naman."
"I know. Magkasama kami ni Nel kanina no'ng tinawag siya ni Moana," sagot ko. We sat down on the empty bench.
"I have a nice idea since you really need this. Humingi ka kaya ng tulong sa kanya para magkabalikan kayo ni Ms. World," Andy suggested. Napakunot-noo ako.
"Is it going to be work?" I hesitately said.
"Why don't you give it a try dude? But? One more thing, labas na ako riyan kung ano man ang mangyayari. Ilang beses na kitang pinayuhan to stop this craziness of yours pero dahil sa matalik kitang kaibigan e susuportahan kita. One thing for sure, it is really up to you," mahaba niyang litanya.
Napasimangot na lamang ako.
"I'll think about it first."
Would it be okay? Well, I should try to do it than do nothing. Tumayo na ako.
"Oh? Saan ka na naman pupunta?" Andy asked me.
"To Nel, I want to apologize and maybe I will take your advice," I answered.
"Tss! Ewan ko sa 'yo! Nasa tapat siya ng condo unit na tinitirhan mo nagtatrabaho. I saw her there kahapon nang magkape ako roon." Tinapik ko siya sa balikat.
"You're really my savior bro," I said at sumakay na agad sa kotse ko.
"Ewan ko sa 'yo," nakabusangot niyang sabi.
I just shrug my shoulders and headed way back home. Nang makarating ako sa home place ko, itinigil ko 'yong kotse ko at napatanaw sa katapat na coffee shoppe. I saw Marinel entertain some customers. So she work hard? What a tough girl. Nag-park muna ako sa kotse ko saka ako tumawid sa kabilang lane. I really need to apologize to her formally. Walang-wala talaga ako sa utak ko kanina. All the time I was just only thinking of what should I do para balikan ako ni Moana. It's just so happen din na magpinsan pala silang dalawa ni Marinel. Siguro kailangan kong subukan 'yong payo ni Andy sa akin.
Pumasok na ako sa coffee shoppe at naghanap ng bakanteng mesa. All eyes are looking at me, especially girls. Hindi ko na lang sila pinansin at matamang nagmasid kay Nel. Mukhang hindi niya pa ako napapansin dahil sa sobrang abala niya. Lumapit naman sa akin 'yong isang kasamahan niya. I just smirked the way she showed some intimacy on me. Talagang inayos niya pa ng konti ang damit niya at sadyang tinanggal ang pagkakabutones para lang makita ko ang hinaharap niya. Dumukwang naman siya ng konti habang panay ang punas sa mesang occupied ko kahit wala namang dumi.
"May I take your order, sir Enzo?" I grinned.
"I'd like Marinel to take my order, please?" I said.
Napataas naman siya ng kilay at padabog na umalis sa harapan ko. Nel was holding a tray nang bigla na lang siyang binangga ng kasamahan niya. I immediately stood up and helped her.
"Nako, sir! 'Wag na po… Enzo!?" gulat niyang sambit nang makita ako. Ngumiti lang ako sa kanya.
"Nel! Pambihirang bata naman 'to oh!" galit na bungad sa amin ng isang may edad na lalaki.
Tumayo ako at hinarap 'yong manager ni Nel.
"I'll pay the damage," I said.
Gulat naman ito nang makita ako.
"Sir!? Nako, sir Calvin 'wag na po." I shrug.
"I'll pay it Mang Elton and I insisted," I said again.
Nag-aalangan pa siyang napatango na lamang. Nel was stunned for awhile. I just smiled at her. I forgot to tell you guys, regular customer ako dito and my cousin owned this coffee shoppe. Hinapit ko siya sa baywang at bumulong.
"I'll wait you right after your shift." I winked at her at dumiretso na sa counter.
I ordered a mocha latte and grab some magazines at bumalik nang upo sa mesa ko kanina. Witch is my favorite spot where I can see all the customers here in coffee shoppe. Sounds too boring but nah! I am cool with it.