BOLCT-3
Marinel
"HABA ng hair! Nag-rejoice ka ba girl! Haba ng hair! E-palmolive natural!" asar sa akin ng mga katrabaho ko.
"Tigilan niyo nga ako sa kakaasar diyan," inis kong sita sa mga katrabaho ko.
Panay din naman ang irap sa akin ni Aira.
"Grabe ah! Bagong salta pero nakabingwit agad! Talagang si sir Calvin pa," pagpaparinig ni Aira sa akin at agad na lumabas ng kitchen.
Napapikit na lang ako ng mariin para pigilan ang inis ko. Bagong lipat lang kasi ako sa branch na 'to. Grabe siya kung magbentang. Hindi ko naman kasalanan 'yon a! Padabog akong lumabas ng kitchen at kumuha ulit ng mga order. Gulat man ako at walang ka-ide-idea ay pinanatili ko lang na kalmado ang kilos ko kahit na medyo nakaiilang sa pakiramdam na may nakamasid sa akin. Panay din ang pasimpleng asar sa akin ng mga kasamahan ko. Si Aira rin, panay ang masid sa akin. Napapairap din at napapaismid sa tuwing napapansin niyang sumusulyap sa akin si Enzo. Napapaisip tuloy ako kung bakit kailangan niya pa akong hintayin. Binayaran niya pa 'yong damage na nangyari kanina. Kung tutuusin ay kasalanan iyon ni Aira dahil sinadya naman niya talagang banggain ako. At impossible ring maniwala si Manager kung magsusumbong naman ako sa maling inasal ni Aira sa akin. Napabuntong-hininga na lamang ako. Balita ko sa mga kasamahan ko ay regular na customer daw si Enzo dito at bukod pa roon, pagmamay-ari ito ng pinsan niya. Kung ganoon ay nabibilang siya sa mayamang pamilya. Kotse niya pa lang na Porsche, malamang ay milyon din ang presyo nito.
NAPASULYAP ako sa relo ko at napaunat ng katawan.
"Ay kapagod!" reklamo ng mga katrabaho ko.
"Una na ako ha," paalam ko at hinubad na 'yong apron kong suot.
"Ingat ka Marinel!" sabay nilang sabi sa akin maliban na lang kay Aira na isang wagas na irap ang ibinigay sa akin.
Hindi ko na lang siya pinansin. Animo'y parang kinikilig pa ang mga kasamahan ko. Napailing na lang ako at kinuha ang mga gamit ko sa locker. Nang matapos ako ay agad na akong lumabas ng shop.
"Nel?"
"Ah!" gulat kong tili habang sapo ang dibdib ko.
Pakiramdam ko'y lumabas yata ang kaluluwa ko sa tindi ng gulat.
"God! I am so sorry if I scared you," may pag-aalala sa tono niya pang paumanhin sa akin.
Napasandal ako sa pader dahil nanghihina rin ang mga binti ko.
"May balak ka bang patayin ako ng maaga?" tanong ko sa kanya.
Pinagkukuha naman niya ang mga gamit ko na nagkalat sa aking paanan.
"I am so sorry Nel," malungkot niya pang sabi.
Naman e! 'Yang mukhang iyan? Tatanggihan ko? Ano ako, diyosa? Tsk!
"Okay na, buhay pa pala ako. Salamat," sagot ko at kinuha ang mga gamit kong hawak niya.
"Ang akala ko’y umalis ka na kanina," sabi ko pa.
Hindi ko na kasi siya nakita kanina.
"Nag-fresh'in up lang saglit," nakangiti niyang sagot.
Napatango na lang ako.
"May sasabihin ka pa?" tanong ko ulit.
Ayaw ko mang maging magaspang pero hindi ko talaga matanto kung ano ang sadya niya sa akin. Inagaw naman niya 'yong mga dala kong gamit at hinila na ako. Para namang tinambol ang pagpintig ng puso ko dahil sa biglaan niyang paghawak sa kamay ko. Sinubukan kong kumawala sa hawak niya pero laking gulat ko nang bigla niyang padaanin ang mga daliri niya sa bawat pagitan din ng mga daliri ko. Kung kanina ay hawak lang, ngayon ay holding hands na! Pesti! Para akong naistatwa sa ginawa niya at pakiramdam ko ay tagaktak ang pawis ko kahit malakas naman ang simoy ng hangin. Pansin ko ring umiinit ang magkabila kong pisngi. Ang laking epekto sa akin ang simpleng paghawak niya lang, holding hands pa kaya. Ni hindi ko man lang magawang umimik at hinayaang magpatianod na lang sa kanya.
Bahagya naman niya akong nilingon at binigyan ako ng isang matamis na ngiti. Ang sarap mong halikan! Ang tanga Nel! Psh! Kung ano-ano tuloy ang pumapasok sa kukute ko.
"Enzo saan ba tayo pupunta?" alanganin kong tanong sa kanya.
Patawid naman kasi kami sa kabilang kalsada. At mukhang sa kanya itong kotseng Chevrolet sports car dahil dito mismo kami huminto kung saan ito naka-park. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayang pumasok sa kotse. Foots spa! Sing bango niya 'yong kotse o sumatutal 'yong pabango niya ay siya ring pabango ng kotse.
"Enzo?" untag ko ulit.
"Hmm? Relax. Trust me, it will be fun," sagot niya pa.
Putik! Kinakabahan na nga ako, paano ako magre-relax. Ikinabit naman niya 'yong seat belt ko kaya amoy na amoy ko siya ngayon. Nakakabangag ang amoy niya. Para siyang...
"Strawberry," wala sa huwisyo kong sambit.
Narinig kong napatawa ng mahina si Enzo.
"What's with strawberry?"
"Strawberry?" ulit ko pa.
Ugh! Ang gaga! Nel mag-isip ka ng dahilan!
"Huh? Strawberry? Ah... Oo! Tama... Naiwan ko sa kaibigan ko 'y-yong strawberry. Baka ano... Nakain na nila 'yon," nauutal kong sagot habang napapakamot sa ulo ko.
"Alright, I'll buy you. Stop worrying, okay?" Napatango na lang ako. Napapadyak ako ng mahina at napatakip ng mukha. Nakakahiya!
ILANG oras na biyahe ay nakaraos din ako sa sobrang tensyon. Pinagpapawisan ako, pati na singit ko dahil sa sobrang kaba! Foots spa! Nakakailang kaya sa part ko itong ganito. Kung tutuusin ay pareho kaming estranghero sa isa't isa kaya nagkakahiyaan pa. O talagang ako lang ang nahihiya sa aming dalawa. Sa isang fancy hotel naman niya ako dinala. Para akong tuod na 'di man lang magkamayaw sa pagkapa ng mga nangyayari.
"Hurry up, Nel," lingon sa akin ni Enzo.
"Ha?"
Hindi niya ako sinagot bagkus ay hinawakan na lamang ulit ang kamay ko at agad na pumasok sa elevator. Hindi ko mapigilan ang pagkalabog ng puso ko. Hotel? Elevator? Anong susunod? Kuwarto!? Oh hindi!
Bumukas naman ang elevator at bumungad sa akin ang isang fancy restaurant. Tanga Nel! Kung ano iniisip mo! At first time kong makatuntong sa ganito ka garang hotel at makakain sa mahal na restaurant.
"You look pale," puna pa sa akin ni Enzo.
Umiling-iling ako. Ikaw kaya dalhin dito na walang pasabi. Malamang mamumutla ako.
Matipid na lamang akong ngumiti. Umupo na kami sa bakanteng mesa. Si Enzo na rin ang nag-order ng pagkain namin.
"Para saan ba ang mga 'to?" naguguluhan kong tanong.
May dinukot naman ito sa bulsa niya at iniabot sa akin. Aanhin ko naman itong phone niya.
"Read the text, please."
Sinunod ko naman ang sinabi niya. Nagulat ako sa nabasa ko.
"So? Let me explain first before you say anything. First, I've waited you right after your work because I really wanted to talk to you. I mean, to say a formal thank you for what you did at the laboratory."
Tangina! Napapakagat-labi ako ng mariin, 'yong tipong 'di halata. Nakakatunaw ang mga titig niya o ang mas tamang sabihin ay nakakahalina ang bawat kibot ng mga labi niya habang sa akin lamang nakatuon ang mapupungay niyang mga mata na kulay brown kung sa malapitan mo titingnan.
"And I wanted to treat you too, to celebrate because you got it perfect the exam and I do too and that's because of you."
Lumabi naman siya. Putek! Napapalunok ako ng wala sa oras sa ginagawang pagbasa niya sa kanyang labi.
"Nel? Are you listening?" untag niya sa akin bigla.
Napatikhim ako at napainom ng tubig.
"Ah? Oo at wala 'yon," sagot ko na lamang.
Ngumiti naman siya ng sobrang lapad.
"Really? Well, that's great. Let's eat." Tumango lang ako.
Naman Nel! Nasa earth ka nga pero utak mo hanggang universe. Kasalanan ko bang may adones sa harap ko. Tsk!
Calvin Enzo
PINAGBUKSAN ko siya ng pinto at inalalayang makababa ng kotse.
"See you at the school, Marinel. I really enjoy the night with you," I said.
And again she stammered.
"Ha? O-oo! S-salamat..."
She's too pretty and cute.
"See you tomorrow," nakangiti kong sabi at sumakay na sa kotse ko.
I did enjoyed being with her kahit na medyo tahimik siya at naiilang. How about Ms. World? Singit ng utak ko. Napabuntong-hininga ako. Andy was right, makakatulong nga siguro si Nel sa akin pero nagbago ang isip ko. Mas mabuting sariling sikap ko ang makuha ulit si Moana kaysa ang magpatulong sa iba.
When I came home, I opened some root beer in can and sat down on my couch. I flipped my phone.
"Babe," I said.
"Busy ako and stop calling me that thing!" Moana ended up my phone call and left me hanging.
What the hell!? Bakit ba ganoon na lang katindi ang galit niya sa akin. Ni hindi ko nga alam kung bakit hiniwalayan niya ako bigla. That was my only thoughts that maybe it was just because of that rumors. Pero ang totoo? I don't even f*****g know!
Tumunog naman 'yong phone ko and as I look up, it was Marinel. Kinuha ko kasi 'yong phone number niya kanina at ibinigay ko rin 'yong number ko sa kanya.
"Ahm... Salamat nga pala kanina, Enzo. Goodnight," Nel's text.
I replied a call. Nakailang ring pa bago niya sinagot ang tawag ko.
"Hey Nel?" I said.
"Napatawag ka?" I grinned.
"I just want to say goodnight too."
Rinig ko naman na may biglang tumili at panay ang pagsita ni Nel.
"Who's that?" I curiously asked.
"Kaibigan kong baliw. Sige Enzo, salamat ulit ha. Night," then she hung up.
Napapangiti na lang akong napatitig sa phone ko.
"I guess, I should move right now," I mumbled.
"YAHOO! Tol gising na!"
Napatakip ako ng unan sa mukha ko.
"Go away Andy!" Sinipa ko siya pababa ng kama ko.
"Anak ng tinapa tol! Akala mo naman masarap mahulog sa sahig," inis niyang sabi at humiga sa tabi ko.
I was still half asleep.
"Nakita ko si Ms. World kanina na nagjo-jogging sa park tol," Andy said.
Napabangon ako sa sinabi niya. Andy used to call Moana that kind of endearment call dahil parang kay Moana lang daw umiikot ang mundo ko.
"f**k! My head," I said habang sapo ang ulo ko.
"Hangover na naman."
Hinampas ko ng unan si Andy kaya napaupo naman siya ulit.
"Next time, magpapalit na ako ng passcode," inis kong sabi.
"Magtatanong pa rin ako sa agency," nakangisi niya pang sagot sa akin. Tsk!
"Nagjo-jogging pa ba siya?" tanong ko.
"Nasa gym na 'yon tol and to the flowers you've told me, naipadala ko na," sagot niya at inagaw ang unan sa akin.
"Tol, kumusta lakad mo kagabi kay Ms. Universe huh?" Kumiskislap pa ang mga mata niyang tanong sa akin.
"Ms. Universe? Sino na naman 'yan," kunot-noo kong tanong.
"Aba! Sino pa nga ba ang may pang Ms. Universe ang ganda. Katawan pa lang, pati na 'yong tindig at porma kahit sobrang simple lang niya. Mapapa-oh-my-ka-sa-sarap! Marinel Gomez Magtalas tol!" nakangisi niya pang ani.
Aba't! Binatukan ko siya.
"Tarando! Subukan mong isama si Nel sa listahan mo. Ibibitay kita patiwarik!" inis kong banta sa kanya at tumayo na.
Itinaas naman niya ang dalawang kamay na para bang sumusuko sa mga awtoridad.
"I swear Master, 'di ko siya type. As in!" natatawa niya pang sabi. Napatawa na lang din ako.
"Go suits your self to order some breakfast," utos ko.
"Yes! The spicy lobster!" natutuwa niya pang sambit saka patakbong lumabas ng kuwarto ko.
Sobrang kulit niya talaga pero kung wala si Andy sa tabi ko, I will be a loner and kept missing them, specially my buddy. I shrug and headed to take a bath. Matapos kong magbihis ay lumabas na ako. Andy do the indian sit on my sofa bed at nilalantakan 'yong pagkaing ini-order niya habang nanonood ng Cartoon Network. Umupo lang ako sa tapat niya at napangiwi.
"Ikaw lang ang kilala kong playboy na mahilig sa ganyan. Cartoon Network kid!" natatawa kong asar sa kanya.
Napanguso naman siya.
"That's why I love you too bro!" taas-babang kilay niyang sagot sa akin nang nakangisi. Napailing lang ako.
"Iyong pinayo ko sa 'yo? Hindi mo na gagawin?" tanong niya.
Tumango-tango ako.
"Gusto ko 'yong may sariling sikap ako."
Pumalakpak naman siya bigla.
"You're the man bro!"
Tsk!
"TOL! Alis na ako," paalam sa akin ni Andy.
"Don't forget the flowers everyday," pahabol ko pa. Andy saluted at me.
"Syempre naman," nakangisi niya pang sagot at tuluyan nang lumabas ng condo ko. Tumunog naman bigla iyong phone ko. And as I've seen, it was Marinel.
"Veronica! Pambihira naman oh! Umuwi ka na nga! Na-in love ka lang, ayaw mo nang umuwi! Iyong upa sa bahay! Bakit dinala mo kasi 'yong pera! Pambihira naman oh! Napalayas ako ng wala sa oras! Umuwi ka na!" text niya.
I frowned and immediately grab my car keys at lumabas ng condo ko. Ni hindi ko na naisipang magpalit ng damit. I just don't know why I am doing this, the fact that we don't really have this 'connections' pero she needs my help.