BOLCT-1
Marinel
"AH!" tili ko.
"Miss are you okay?" pukaw niya sa akin.
Napabangon ako sa pagkakadapa ko. Dakilang tanga Marie! Nabangga niya kasi ako.
"Miss?" balik pa niyang untag sa akin.
Inayos ko 'yong sarili ko at pinagpagan ang damit ko na puno ng buhangin. Napaangat naman ako ng tingin sa kanya pagkatapos.
"Okay lang... Abs! Esti ako," sagot ko sabay todo iling habang pinagliliwaliw ang mga mata ko sa ganda ng view.
Ang tanga! Mali! Ang ganda talaga ng view!
"Miss, are you sure?" nag-aalala niya pang tanong ulit.
Napapanganga ako habang umiiling. Putakte! Ang macho!
"Sorry about that. I got to go," paalam niya pa.
Wala sa katinuan naman akong napatango. Pinagmamasdan ko lang siya na naglalakad papuntang dagat para mag-surf boarding. Grabe! Hindi lang siya macho, sporty man pa.
"Gaga!" Biglang batok sa akin ng kaibigan ko.
"Ay! Makabatok naman 'to!" angal ko habang napapakamot sa parte ng aking ulo kung saan niya binatukan.
"Kung sino-sino 'yang pinagmamasdan mo. Dapat 'yong mga bata ang inaatupag mo."
Napangiwi ako sa litanya niya. Nakapamaywang akong humarap sa kanya. Tinuro ko 'yong lalaking nakabangga sa akin kanina.
"Iyon ang tinitingnan ko," sabi ko pa ulit.
Bigla naman siyang namula. Napailing na lang ako. May pasita-sita pa siyang nalalaman. Inirapan ko na lang siya at bumalik na sa event hall ng hotel dito sa resort. May seminar kasi akong dinaluhan, at the same time naman ay nagvo-volunteer din ako sa orphanage.
"Ate nurse!" tawag sa akin ng mga bata.
Nagkataon din kasing may field trip ang mga batang 'to kaya 'di na ako nagdalawang-isip pa na samahan sila. Nagkataon din naman kasing pareho lang ang lugar na pupuntahan namin. Tutal din naman kasi ay tapos na ang seminar na dinaluhan ko.
"Oh? Gusto niyo ba ng candies?" nakangiti kong alok sa kanila.
Agad naman silang nagsitakbuhan palapit sa akin. Inabot ko 'yong bag ko at kinuha ang isang supot ng candy at ibinigay sa kanila. Nagsisitalon naman sila sa tuwa.
"Marie?" tawag sa akin ni Sister Carmen.
Napayakap ako agad sa kanya. Siya ang itinuring kong ina simula nang lumaki ako sa Angels Orphanage. Nasa twenty-one years old na ako ngayon. Maaga akong bumukod sa ampunan at natutong mamuhay ng mag-isa. Mahirap mang tanggapin na wala akong kinagisnang magulang pero dahil na rin kay Sister Carmen ay medyo naibsan ang pangungulila ko. Umupo kami ni Sister Carmen sa bakanteng cottage.
"Kumusta ka na anak?" malumanay na tanong nito sa akin habang banayad na hinahaplos ang buhok ko.
"Maayos po ako ‘nay. Heto, nagsisikap na makatapos ng pag-aaral," nakangiti kong sagot.
"Manghang-mangha ako sa katibayan ng loob mo anak. Ang trabaho mo, kumusta naman?"
"Maayos naman ho, ‘nay. Alam niyo naman pong scholar ako, 'di ba? Kaya 'yong suweldo ko sa coffee shoppe ay sapat na sa pang-araw-araw na gastusin ko. May ibinibigay din naman po na allowance ang scholarship program. At dahil 'yon sa lahat ng tulong niyo," maluha-luha kong sagot.
"Sadyang mabait lang si Maggie at ang asawa niyang kay pagkaguwapo na nilalang." Napatawa ako sa itinuran ni Nanay.
"Seryoso po, ‘nay? Nanay talaga puro biro." Umiling-iling naman siya.
"Aba batang 'to oh. Kapag naka-graduate ka aba'y dadalo ang bagong founder ng orphanage. Kailangan mo rin ng perma ng mag-asawang 'yon para sa clearance. Aba'y kapag dumating ang araw na iyon. 'Wag na 'wag kang mamumula sa harapan ng asawa ni Maggie."
Napatawa ako ulit.
"Bakit naman ho, ‘nay?" Napanguso naman siya.
"Aba? Huwag mo akong tawanan. Kay guwapo ng asawa niya. Mabait naman ang batang 'yon, kay gaspang lang ng ugali kapag kinalaban mo o kaya naman ay pagdating na sa asawa niya. Nako!" Napangiwi ako.
Kahinaan ko pa naman 'yong mabait na, may itsura pa.
"Nanay talaga!" nakasimangot kong wika.
Napatawa naman siya.
"Ipinagmamalaki kita anak." Maluha-luha akong yumakap kay Nanay.
"Salamat, Nanay. Kung wala kayo, wala rin po ako sa kinalalagyan ko ngayon," matapat kong ani.
"Oh siya sige. Mauuna na kami ng mga bata anak," paalam sa akin ni Nanay.
"Ingat ho kayo pauwi ng Maynila ‘nay. Baka mamayang hapon pa ho ang uwi ko," sabi ko pa habang inaalalayan siyang bumalik sa hotel.
"Mag-ingat ka sa pag-uwi mo anak."
Tumango naman ako. Pagkarating sa hotel, agad akong tumulong sa pagbitbit ng mga gamit ng mga bata para maisakay sa sasakyan.
"Bye!" masayang paalam ko.
Masisigla naman din silang tumugon at kumaway sa akin.
Mag-isa akong bumalik sa tinutuluyan ko.
"Hoy!"
Napatalon ako sa gulat.
"Gaga ka! Kanina ka pa ha!" inis kong sambit sabay hampas kay Veronica.
Best friend ko, siya rin ang bumatok sa akin kanina.
"Gaga! Ano'ng pangalan ng macho na 'yon."
Napangiwi ako at napamaywang.
"Hindi ako hanapan ng nawawalang tao. Paki ko sa lalaking 'yon," sagot ko pa at tumungo na sa kuwarto ko para mag-impake.
Napaisip ako saglit. Ano nga kaya ang pangalan niya? Psh! Kagagahan na naman ang nasa isip ko. Matapos kong iligpit ang mga gamit ko, dire-diretso na ako palabas papunta ng sakayan.
"Bruha ka! Huwag mo akong iwan!" pagdadabog ni Veronica sa akin.
"Kasalanan ko bang makupad ka! Nanlalaki ka na naman kasi," inis kong sagot.
"E sa desperada na ako e! Pati pasyente sa ospital ayaw din pumatol sa akin," humihingal niyang sabi.
Nangilabot naman ako sa mga itinuran niya.
"Yuck! Nakakadiri ka!" napapangiwi kong sabi.
Humagalpak naman siya nang tawa.
"Gaga! Choosy din naman ako. Mga guwapo lang naman inaakit ko. Bakit kasi tigil ka nang tigil sa pag-aaral. May kasabayan na sana ako ngayon." Mariin naman akong napakagat-labi sa sinabi niya.
Kinuha niya 'yong mga dala kong gamit at siya na rin mismo ang pumara ng jeep. Hindi ko mapigilang malungkot. Tama nga siya. Patigil-tigil ako sa pag-aaral kahit na may scholarship pa ako. Malaki rin naman kasi ang nagagastos ko at minsan din ay nagigipit ako. Ang dami ko pa rin namang bayarin kahit may allowance akong natatanggap at sa suweldong kita ko sa pagtatrabaho. Buti na lang at naiintindihan ako ng foundation sa kalagayan ko. Masuwerte si Veronica dahil nakatapos siya agad, pumasa sa board exam at nakapagtrabaho sa malaking ospital na may malaking sahod.
Napahugot ako ng malalim na hininga.
Pasasaan ba't makaka-graduate rin ako. Tatlong semester na lang ang kulang ko at makakatapos na rin ako sa pag-aaral.
"Nel! Dali na!" untag sa akin ni Veronica na nauna nang nakasakay sa loob ng jeep.
Agad naman akong tumalima at nagmadaling sumakay. Napaaga ang pag-uwi namin kasi nakalimutan kong may klase pa pala akong kailangang habulin.
"Oh? Mag-review ka habang nasa biyahe tayo. May special exam ka ngayon. Nasa memo ko," ani Veronica sa akin at ibinigay 'yong libro niya.
"Ang sweet!" matipid kong sabi.
"Sapak o aral? Dali na." Napanguso na lang ako at binuklat 'yong libro.
Binasa ko lahat ang dapat basahin. Tinandaan ko rin ang mga dapat kailangang tandaan. Itiniklop ko na 'yong libro nang matapos ako.
"Ang bilis! Patay ang pasyente mo niyan," sita pa ni Veronica sa akin.
"Baka sa iyo kamo. Hmp!" Inismiran ko siya.
Ganito kami lagi. Magkaibigang may saltik at kulang nang sapak. Kung sa tingin ng iba ay para na kaming nag-aaway pero sa aming dalawa wala lang 'yon.
"Nakaka-drained ng dugo ang nursing!" litanya ko pa.
"Sinabi mo pa! Buti na lang at ang guwa-guwapo ng mga pasyente ko," nakangisi niyang sagot.
'Di rin may saltik ang kaibigan ko, may pagkamanyak din. Sinimangutan ko na lang siya. Kung tutuusin hindi naman dapat minamadali ang pagpasok sa isang relasyon. ‘Ika nga nila, hintayin mo'ng dumating sa 'yo at huwag mo pang tangkaing habulin dahil kung nakalaan talaga para sa 'yo e 'di grab the opportunity. In short, there is only one thing who can really tell it and that's love.
Calvin Enzo
"YEAH? What the? Dapat kanina mo pa sinabi 'yan," inis kong sagot sa kaibigan ko sa kabilang linya.
"Dali na bro. Baka mahuli ka pa. Transferee ka pa naman," may panghihinayang niyang sagot.
"Oo na! Aayusin ko lang ang mga gamit ko. Update me. I'll be there in a minute. I swear!" sagot ko pa.
Mabilis akong kumilos para maayos lahat ang mga gamit ko. Tsk! Kauuwi ko pa lang galing sa beach. I really need a break but how would I? I really damn forget that today is my first day in school. I grab my bag and step outside.
"Ah!" tili bigla ng house keeper ko.
"What the heck is wrong with you?!" nakasimangot kong tanong.
Ang tinis pa naman ng boses niya. Masakit sa tainga.
"Kuya ganyan ka lang pupunta ng school? T-topless?" Napaismid ako.
"I've got my shirt in my bag. I am really in hurry. You know what to do," sagot ko.
Pumasok ako agad sa elevator. Kinuha ko agad ang damit ko at nagbihis ng pang-itaas.
"s**t! Thirty minutes left," I murmured.
Pagkababa ko sa parking area, sumakay ako agad sa kotse ko. Napabuntong-hininga akong bumaba ulit at pinagkukuha 'yong mga regalo na nagkalat sa bumper ng sasakyan ko. How can I live with a simple life!? Lagi na lang kasing ganito. I am not a model nor an artist but I have many fans. Or let's just say, admirers. Napailing na lang akong itinabi 'yong mga regalo. Pagkatapos ay pinaandar ko na 'yong kotse ko at tinungo ang bago kong school.
"DUDE! Buti nakahabol ka," salubong sa akin ni Andrez. A best friend of mine.
"Yeah. Let's go," yaya ko.
"What are those schedules she had?" tanong ko kay Andrez.
"Woah! Chill bro. Darating din tayo diyan."
Tinapik ko na lang siya sa balikat at sumunod na nang lakad papasok sa university. Nagtulakan pa kami ni Andrez sa pagpasok sa classroom.
"Mr. Flores, you are late again. And guys our new student transferee, Mr. Villaraza, welcome."
Napatawa ako ng mahina at pasimpleng kumaway sa mga bago kong kaklase.
May pakagat-kagat pa sa labi 'tong professor ko habang nakatingin sa akin.
"Pre! Lipat na lang tayo ng ibang klase. Parang huhubaran na tayo ni Prof," natatawang bulong sa akin ni Andy.
I like calling him Andy.
"Really?" I smirked.
Umupo na kami sa bakanteng upuan. Nilukot ko 'yong folder at hinampas si Andy. Gusto kong agawin muna ang atensyon nito sa babaeng kalandian niya.
"Ano ba!? Dumidiskarte 'yong tao," maktol ng loko.
"Iyong schedule niya, akin na," mahina kong sagot.
Nilukot naman niya 'yong papel at ibinato sa akin.
"Tol! Si Ms. World mo, dumaan," tawag sa akin bigla ni Andy kaya napagawi agad ang tingin ko sa labas.
"Moana..." I mumbled.
Napatayo ako agad pero bigla naman akong inawat ni Andy.
"Gusto mo ng first warning dude? Mamaya na kasi 'yan."
Padabog akong napabalik sa aking kinauupuan. Tss! I really wanted to see her, to hug her, caress everything about her. Moana Gomez is my girlfriend. Wrong! She's now my ex-girlfriend. Hiniwalayan niya ako last week just because I have this some kind of issue having an affair with a goddamn ghost! I don't even have an idea where that came from. But that thing ruined my life.
"Ms. Magtalas. Late ka na naman."
Napatingin kaming lahat sa may pinto.
"Hep! Prof. naman. Nag-exam po ako sa Lab. at as I promise. I got it perfect po," explain niya sabay pakita sa test paper.
She's funny. She's familiar too.
"Hmp! Batang 'to oh. Hala upo na."
She sat in front of my seat.
ALL the time I was just playing with my pencil and then looking at my wrist watch. I am excited to see her. When the bell started to ring, I immediately stood up at lumabas ng classroom. I've waited her at the hallway. Napagtripan kong paglaruan ulit 'yong lapis habang naghihintay sa kanya. And there she goes... Humarang ako agad sa dinaraanan niya.
"Babe, let's talk," sumamo ko.
"What else are we going to talk about? Tapos na tayo, 'di ba? Stop stalking me," she said.
"Moana, please?" I beg.
She pulled me and headed to a uncrowded place. She suddenly slap me.
"Wala na tayo! Kung puwede lang? Layuan mo na ako," then she walks away.
Shit! Napasuntok ako sa kawalan. This is freaking bad!
"Tol!" tawag sa akin ni Andy.
"Just don't talk to me right now!" nayayamot kong sabi.
I sat down underneath the tree and Andy seat beside too.
"Tol? Bakit ba habol ka nang habol kay Ms. World?" may pagtataka at pag-aalala sa tono niya.
"Simple as that. I love her," sagot ko.
"Is it really worth it? Ang daming nagkakandarapa sa iyong mga chiks pero talagang kay Ms. World mo pa talaga piniling magpakagago," Andy said again.
Napabuga ako ng hangin. I know I sounds stupid but as long as I love her, I won't give up.
"Andy please? I need your help," seryoso kong pakiusap.
Napasabunot naman siya sa kanyang sarili.
"Tol naman e! Ugh! Kung hindi lang kita kaibigan, itatapon ko 'yang katangahan mo."
Binatukan ko siya.
"Hindi matatawag na tanga ang isang tao kung wala itong pinanggagalingan," sagot ko.
Andy stood up and started to dance and sing.
"Hugot! Ha! Ha! Ay! Ay! Hugot!"
Inis akong napatayo at paakmang babatukan siya pero agad namang nakaiwas ang loko.
"Ay!" tili no'ng babae.
Ang tanga! Agad akong napatakbo kay Andy. Atras kasi nang atras ang gago, nabangga niya tuloy 'yong babae. Her hair got messed up.
"Hala sorry!" Andy said.
"Ang kulit mo kasi," sabi ko kay Andy.
I leaned down para tulungan 'yong babae sa pagpulot ng mga libro niya. Hinawi ko na rin pati ang buhok niya. Napangiti ako sa reaksiyon ng mukha niya. She looks so stunned.
"So it's you again," I said.
Inalalayan ko siyang tumayo.
"Ah e? Magkakilala ba tayo?" she said.
"Oh? You forgotten. Remember at the beach where I bump on you?" sagot ko.
"Ay si... Guwapo... Este! Mali! Ay... Oo tama! Ikaw 'yon. Ahm... Sige! U-una na a-ako..." she stuttered and then ran off.
Napaakbay naman sa akin si Andy.
"Ang ganda niya dude. May pagkalampa nga lang."
Sinikmuraan ko siya ng mahina.
"Loko! Hindi niya kasalanan 'yon! Diyan ka na nga." I left Andy.
Bumalik ako sa classroom at kinuha ang mga gamit ko. Paglabas ko...
"Uhmp!" ungol niya.
Buti na lang at nahapit ko siya sa baywang agad.
"Why so clumsy?" nakangiti kong sabi.
Itinulak naman niya ako ng konti at pinulot ang mga gamit niya na nagkalat sa sahig.
"Sorry talaga!" she said.
I grab her hand and headed to the garden. Malapit lang naman kasi.
"Oy! Teka! Saan mo ba ako dadalhin?" she said.
"To the place where you and I can be alone?" I teased.
She blushed. She's so cute. Pinaupo ko siya sa bench.
"Wait here. I'll get you some drinks. I'll be right back."