BOLCT-4

2962 Words

BOLCT-4 Marinel PARA akong tangang napapatitig sa phone ko. Gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko. Nagkalat din sa paanan ko ang nabitawan kong mga gamit. Pati nga kaluluwa ko lumabas din. Nanlulumo akong napaupo at napatakip ng mukha at napapadyak sa sobrang katangahang nagawa ko. Iyong text na dapat sana kay Veronica ay na i-send ko kay Enzo. Villaraza kasi ang inilagay na name niya sa contacts ko. Lagot na! Nag-text ako agad ulit para humingi ng paumanhin pero hindi ko pa naman naipapadala 'yong text ko ay lumitaw na lang ang isang pulang BMW sports car sa harap ko. Pagbaba sa kotse, naka-shade siyang kulay brown at nakasuot ng kulay pulang sando bilang pang-itaas. Bakat na bakat ang kamachohan ng loko! Pinarisan din niya ng cargo pants na talagang bumagay naman sa kanya. Pigtasan na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD