BOLCT-5 Marinel ITINAGO ko agad ang phone ko sa bag nang mapansin kong papalapit na rito sa kinauupuan ko ang pinsan ko. "Problem?" nakangiti niyang tanong sa akin at inabutan ako ng burger na binili niya mula sa food stall na malapit lang dito sa park. "Salamat," tipid kong ani. Kinakabahan ako na ewan! Napatingkayad ako, tinatanaw ko kasi kung nakarating na ba si Enzo dito mismo sa usapan namin. "Nel? May hinihintay ka ba?" untag sa akin ng pinsan ko. "Ah? Opo," sagot ko at bumalik nang tanaw sa entrance ng park. Laking tuwa ko nang matanawan ko ang sasakyan ni Enzo. Huminto ito sa tapat namin. Parang sa paningin ko ay parang huminto ang oras at ang mga taong nakapaligid sa akin. Pagbukas pa lang ng pinto, pati na ang paghakbang ng isang paa niya palabas ay para bang sing bilis n