BOLCT-6 Marinel 'I REALLY love you Nel'. Natigilan ako sa narinig ko. Ni hindi na ako nakasagot sa sinabi niya. Pakiramdam ko, nanlalambot ang mga tuhod ko. Ewan ko ba! Parang ang saya ng pakiramdam ko. Oo nga't wala lang iyon pero dito sa loob-loob ko, parang may sumabog na fire works. "Hoy! Ang astig lang, naka-electric fan ka naman pero mukha mo asuete," asar pa ni Nica sa akin at padapang nahiga sa kama ko. Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko. "Mainit lang siguro," pagdadahilan ko. Ayaw kong aminin na dahil ito sa sinabi ni Enzo. Kinikilig yata ako. Ako na ang abnormal. Ni 'di ko nga alam kung ano ba ang pakiramdam kapag may crush ka. "Mainit ba o? May nasabi sa 'yo 'yang kausap mo sa telepono," aniya pa at sinulyapan ng tingin ang hawak kong phone. Sapol! Mabilis kong itinab