Chapter 3: We belong to anywhere but here.

3662 Words
So this is how you feel wondering how to fit in around people. I feel lost yet excited. Lost because I don't know anyone here and excited to have friends and know anyone. Paano ba magsimulang humanap ng kaibigan? Rowan and I's friendship is accidental. Kung hindi nawalan ng barterya ang bangka nila ay hindi kami magkakatagpo. I wonder if I grew up in a normal world? Would I have friends already? Like, many of them? Dito rin kayang school ako ipapasok ni daddy? I sighed, pinanghihina ng loob dahil hindi alam kung paano makakatagpo ng kaibigan. I feel like they know so much about the world than me. Maaga akong nakarating sa classroom. Nahuli ako muli sa unang araw ng pasukan. Mukhang wala namang pinagkaiba dahil tahimik ang buong klase habang naghihintay sa darating na instructor. Some already make friends, they are either smiling or waving their hands at each other. Bawat table ay may nakalagay na pangalan. According iyon sa apelyido namin. Malapit ako sa dulo pero hindi naman kalayuan. Isang estudyante ang nagturo sa akin kanina na roon ako maupo matapos itanong ang apelyido ko. I smiled back at him seeing him secretly throwing a glance on my way. Itinuon kong muli ang tingin sa apelyido kong nakaukit sa mesa. Pinaglaruan ko iyon gamit ang aking daliri. Hindi naman nagtagal at napuno rin ang mga mesa. Ilang segundo matapos iyon ay dumating ang instructor. She's tall with that black heels shoes. Her curly hair is straight down behind her. She's like a model to me. Nilingon ko ang ilan na mukhang namangha rin sa ganda niya. "Ruskin?" she said while looking down on the note on her table. Nag-angat siya ng tingin at lumingon sa paligid. The girl near my table nodded at me. I hesitantly stood and smiled at the teacher. Nanliit ang mga mata niya sa akin. "You're late," aniya. Umawang ang bibig ko. Kanina pa ako rito. Gusto kong umapela pero nang maisip na iba ang tinutukoy niya ay itinikom ko ang aking bibig at tumango. She's referring about me being two days late for the start of school. "You can now seat down." So I did, though a bit disappointed. Sinabi ni Rowan na expected daw na magpapakilala ako sa harapan bilang baguhan. I have practiced how to make a better introduction. He said it is first impression lasts at kung gusto kong magkaroon ng bagong kaibigan ay dapat maayos ang introduction ko. Not too humble but not arrogant as well. "104. Page 5," the teacher who didn't bother introducing herself to me, announced. Sa pagtataka ay nilingon ko ang mga kaklaseng marahang nagtayuan. Ginaya ko iyon. Hinarap nila ang kani-kanilang upuan at binuksan iyon. There I saw their thick textbook neatly compiled inside the chair. They made it with a calculated move and with silence. Tinakpan nilang muli ang upuan at naupo. When almost all of them were them, doon ako natauhan. Kumilos na rin ako at kumuha ng libro. Kinuha ko ang light blue book na kapareha sa kanila. Tinakpan kong muli ang upuan ngunit napatalon nang malakas iyong bumagsak. Hindi ko man lang napigilan dahilan upang gumawa ng ingay sa tahimik na silid. "Observe silence!" sigaw ng instructor. Hawak ang libro ay mabilis akong naupo. Napansin ko ang tingin ng lahat sa akin kaya yumuko ako. Ni hindi ko nagawang mag-sorry dahil sa gulat. I glanced at the girl beside me. She smiled at me. Nahihiya akong ngumiti pabalik. She slid the drawer under her table showing a set of notebooks and pencils and ballpens. I blinked as she pointed my own table with her lips. Ginaya ko ang ginawa niya at kumuha ng isang notebook at ballpen doon. Now I understand why I don't have notebooks and ballpen with me. Ang backpack na dala ko ay kinuha ng guard kanina sa pagpasok ko. Inilagay niya iyon sa bagger's area nila. Binuksan ko ang libro sa pahinang sinabi ng guro. Napaawang ang bibig ko nang makitang puro tanong iyon. I looked around to see everyone silently answering all the questions. I bit my lower lip. Bigla kong naramdaman ang matinding lamig sa paligid. Nilingon ko ang dalawang malaking aircon na nakatayo sa unahan at dulong bahagi ng silid. Situational naman ang mga tanong kaya sinubukan kong sagutin. Iniisip ko pang baka ipapaliwanag din sa amin ang sagot pero nanatiling nakaupo ang instructor at nakatutok sa kanyang laptop. I sighed and prayed I'm doing it right. Dapat pala ay nagtanong ako ay Rowan kung paano magtatanong sa instructor tungkol sa mga bagay na hindi ko alam. It took us an hour to finish. I wasn't actually done yet but when the instructor announced to close the book, halos sabay-sabay ngang isinara ang pinto. Medyo nahilo ako sa pagkataranta. Nilingon ko ang instructor pero mukhang hindi naman niya napansin. Tuwid siyang nakatayo ngayon sa harapan. "Miss Ruskin, right?" aniya na nagpatalon ako. Hindi talaga ako sanay na tinatawag ang apelyido! Not that I'm not proud of my family's name. Sa sobrang tahimik kase ng paligid, natatakot akong matanong ng mga bagay na hindi kayang sagutin. O pagawain ng mga hindi ko alam. "Y—Yes po!" "Don't stutter unless you're guilty of something!" I blinked dumbfounded. Hindi ko maintindihan! I bit my lower lip and nodded. "Everyone, give her your notes." She then glanced back at me. "Bring it to the faculty office." And then she walked out without a word. Not even a goodbye from her or from her students. "Thanks, ma'am." Ako na ang nagsabi. And before I knew, pile of notebooks was in front of me. Ngumiti ako sa ilang nahuling nagpatong doon. Ngumiti rin naman ang iba pabalik at wala ng sinabi. I sighed. Saan pala ang faculty? Napakurap nang maalala ang nangyari kahapon. Posible kayang posible office ang faculty at sa headmistress? S'yempre oo pero paano kung parehong building. Iyon ang hindi imposible. "Uh, wait!" tawag ko sa isang kaklaseng lalaking huling nagpasa. Kunot ang noo niya nang muling humarap. Tipid akong ngumiti. "Papatulong ka?" malalim ang boses niyang tanong. Malamlam ang mga mata niya na animo'y kagagaling sa pagkatulog. Kita ko iyon sa kanyang may kahabaang bangs. Tama lang ang gupit pero may bangs. It's impossible as though he's coming from his sleep. Imposible iyon sa matinding pagsasagot kanina. "Uh..." I licked my lower lip. Dinungaw ko ang mga notebook. "Magtatanong sana kung saan ang faculty? And I don't think I can be able to carry this all. If it's fine with you..." I left my words hanging. We are only twenty in the classroom and the notebooks are not that thick. Kaya ko naman siguro pero mabilis na gumana ang utak ko. I want him to accompany me to the office to make sure. Paano kung mamali na naman ang mapuntahan ko? I don't want to risk happening what happened yesterday again. "I'm only allowed outside the building." Pinanood niya ako, o naghintay sa isasagot pero tumango rin naman siya sa sarili. Kinuha na rin niya lahat ng mga notebook. Gusto ko sana siyang pigalan pero mabilis siyang tumalikod. And he's even tall that his strides are long. Dahil kami na lang naman ang naiwan ay sumunod ako. Hindi ko pa malaman kung dapat ko bang isara ang pinto. Sa huli ay marahan ko na lang na itinulak pasara. Tahimik akong sumunod sa lalaki. I know it was ordered for me. Kahit pa nagtataka pa rin ako kung bakit ako? Maybe because I'm new and the teacher wants to talk to me? Nang makalabas sa building ay nasilaw ako sa taas ng araw. Maaga pa ng nagsimula ang klase pero dahil sa mahigit isang oras na pagsasagot ay inabutan na ng tuluyang pagsikat ng araw. Alam ko ay may sunod pa akong klase after twenty minutes. Sa gilid kami ng field dumaan. May building doon at sa harapan ay may mahabang parke kung nasaan nagpapahinga ang ibang estudyante. May mababang shed doon bilang panangga sa araw. May mga halamanat puno kaya nasisiguro kong malamig doon. Nagugulat na lang ako sa iilang cellphone na nakikita sa mga mesa. Kung minsan ay damuhan na animo'y wala lang. Maybe if I'm able to make friends, I can borrow a phone to contact Rowan. Patakbo akong sumunod sa lalaki at tinapatan siya. Pinunasan ko gamit ang panyo ang namumuong pawis sa aking noo. "Malayo pa ba? Dapat pala tinanong ko lang sa'yo kung saan. Baka may klase ka pa?" Ngumiti ako kahit hindi niya nakita dahil diretso ang lakad niya. May silong sa dinaanan namin kanina perp ngayon ay wala. Lumiko kami at doon ay may apat na palapag na gusali. Ngumuso ako nang hindi siya sumagot. Huminto kami sa harapan ng isang building. Glass ang double doors at sa itaas ay nakasulat ang Faculty Office. Hindi pa naaalis ang tingin ko roon ay ibinigay na ng lalaki sa akin ang mga notebook. Hindi naman kabigatan pero dahil nabigla ay nahulog ang isa. Tahimik iyong kinuha ng lalaki at ipinatong sa itaas. "Diyan din ba ang headmistress?" Salubong ang kilay niyang nilingon ang gusali sa harapan. Nang humarap ay umiling. Itinuro niya ang katabing gusali na napapagitnaan lang ng ilang puno. "Doon?" Imbis na ituro ay nginuso ko na lang. Gusto ko sanang umikot para lingunin ang field at kung saan ako nagtungo kahapon pero natatakot akong magkahulog ang dala. Napaisip tuloy ako. Natigil lang nang humakbang palayo ang lalaki. "S—Salamat!" pahabol ko. Hindi siya sumagot. Ngumuso muli ako. Tiningala ko ang gusali. Isang buntong hininga at nagtungo na ako sa loob. Akala ko ay mahihirapan pa ako sa pintuan pero automatic naman pala iyon. Medyo namangha pa ako kaya pinanood ang pagsara noon. May front desk sa ibaba. Hindi ko na kailangang magtanong at itinuro niya sa akin ikalawang palapag kung nasaan ang office ni Miss Villapanca, iyong instructor ko kanina. Dalawang beses akong kumatok habang binabalanse ang mga notebook. May maliit na salamin sa itaas ng pinto para makita ang nasa loob pero sa taas noon ay hindi ko magawa. Pinihit ko ang handle matapos ang pagkatok. The cold air hit me. Malamig sa corridor dahil aircon yata talaga ang buong building. Pero mas malamig pa rito sa opisina. Kahit naman sa classroom ay ganoon. Kaya siguro ganito ang uniform dito. There's a left and right-wing inside. Parehas iyon na may iilang cubicle na malalawak ang bawat sakop na espasyo. Bawat cubicle ay may computer at mga papeles. Bawat isa rin doon ay may kaharap na sofa. "Good morning po!" Ngumiti ako sa mga instructor na naroon. Nakita ko sa iilang mesa ang mga pangalan nila na patunay na teachers sila. Hindi ko lang nataandaan ang mga pangalan lalo nang matanaw ko si Miss Villapanca na kumaway sa akin at taas ang isang kilay. Ngumiti ako at lumapit sa kaliwa. "Put it there," malamig niyang sinabi habang itinuturo ang mahabang mesang karugtong ng mesa niya. Naroon ang cellphone niya at laptop. Sinunod ko iyon. Dinungaw ko ang piraso ng papel na inaabot niya sa akin. Maayos iyon at hindi naman basta scratch lang. Nakita ko roon ang pangalan ko, edad, at ilang impormasyon ko. Nagtataka ko iyong tinanggap. "The headmistress's waiting for you. She wants to see you... You can now go." I nodded and said my thanks. Nakayuko ako hawak ang papel nang lumabas ng silid na iyon. Pagbaba ay tinanong ko sa front desk kung doon nga sa kabilang building ang tamang office ng headmistress. Tumango naman siya. It's not that I don't trust the guy earlier. Tinulungan niya ako. Ayaw ko lang muling magkamali. Nasa labas na ako at palipat na sa kabilang building nang maisip na naman ang lalaking iyon. Something's urging me to caress my neck but I stop myself. Dahil sa tensyong nararamdaman ay hindi ko namalayang muntik ko nang malukot ang papel. Inayos ko iyon. Katulad din ng gusali sa kabila ang gusaling ito. Iyon nga lang ay may guard na nagbukas ng pinto. Malaki ang ngiti kong nagpasalamat sa kanya. He nodded at me. "The headmistress wants to see me po." Sa ikatlong palapag ang opisina ni Dr. Eleogo. Isang kwarto lang ang mayroon doon at iyon ang opisina niya. Sa labas ay dalawang cubicle ng mga secretaries niya na agad nagpapasok sa akin sa loob. "Princess Alexandria Serenity Y. Ruskin, 15, homeschooled," Dr. Eleogo read the paper on her hands. Habang ako ay nakaupo sa mahabang mesa sa tapat niya. She's a bit old, I can see some of her wrinkles from here. She has tan skin and looks classic in her black dress. Ibinababa niya ang suot na salamin upang tingnan ako. I politely smiled at her. "Your roommate is Miss Laura Aldaba. Have you met her?" I nodded. "Yes po." She nodded as well. "You can now go." Kahit nagtataka ay tumayo ako. Iyon na ba ang tinutukoy na kakausapin niya ako? She just read my paper in front of me? Binabasa niya ang papel ko at hindi na muling nag-angat ng tingin. Isang beses akong humakbang palapit sa mesa niya. "Mrs. Eleogo?" I called and she raised her head with a question in her eyes. I cleared my throat. "May I ask, how would I able to contact my dad? I don't have a cellphone and—" She pressed a machine in front of her which I think is an intercom. May ganoon si Grampy sa study niya sa mansyon. "Miss Jasmin, lead Miss Ruskin out of my office and bring her to the phone room." Nanliit ang mga mata niya sa akin. The door open by Miss Jasmin, the girl who led me here. She waved her hand and motioned for me to go to her. Yumuko ako kay Mrs. Eleogo bilang pagpapaalam at hindi na nagsalita dahil nakatuon na ang atensyon niya sa papel na binabasa. Miss Jasmin, Mrs. Eleogo's secretary with a long blond hair told me about this room to the third floor. Agad ko iyong nakita dahil tulad ng sinabi niya ay iyon lang ang natatanging silid na may salaming pintuan. Lumapit ako roon. Lumabas mula roon ang isang lalaking mas matangkad ng kaunti sa akin. He was pouting, his hands swaying on his side. Nang makita ako ay tuwid na tumayo at direstong naglakad. I stood outside the glass door covered with fog. Hindi na ako magtataka kung malamig din sa silid na iyon. I knocked twice and pushed it open. It's like a living room with sets of sofas in the middle and a table. In the middle is a lady with thick eyeglasses and hair in a high bun. She smiled at me and pointed one of the chairs in front of her desk. Tahimik akong lumapit doon. I caressed my arm, wanting to release warmth from this freezing room. "Miss Ruskin?" she asked and I nodded. "You have your father's contact?" Nagtaas siya ng kilay. "We have his number here if you don't have." Ngumuso ako at umiling. "I want to call to our house." Hindi pwedeng si daddy ang kausapin ko. Kung maaari ay si Mamita muna sana. "You know the number?" Inayos niya ang telepono na nasa harapan ko. I put my hand on my skirt pocket and grabbed the paper I've had slid inside earlier. Ito ang number ni Rowan at numero ng telepono sa bahay. Ipinakita ko iyon sa kanya. "Well, then..." She moved her chin to the phone. I said my thanks and held the cradle. Una akong tumawag sa bahay pero walang sumasagot. Ilang beses ko pa iyong inulit pero wala talaga. "No one's answering?" marahang tanong ng babae. Tumango ako at sinubukan naman ang number na ibinigay ni Rowan. "Yes?" malalim ang boses niyang sagot. I gasped. "Rowan!" Tinakpan ko rin ang bibig nang nag-angat ng kilay ang babae sa aking harapan. I don't want to talk to anyone over the phone in front of this lady but I have no choice. Miss Jasmin told me this is how it works for those who want to use this phone. "Serena?" Uminit ang pisngi ko sa tawag niyang iyon. Even with the accent, I feel awkward hearing him and Uncle Matt calls me that name. "Natagalan kang tumawag?" "Pasensya na kase..." I trailed off as the lady stood from her seat. She motioned for me to continue as she walked out of the room. Nagtataka man, I used that opportunity to talk to Rowan in private. "I was calling our home but no one's answering? Are you still visiting our island?" "Oo naman. And I heard Mamita was brought to the hospital. You don't know? That was yesterday." "Hospital?" Pakiramdam ko ay naubusan ako ng dugo sa mukha. Mas lalo kong naramdaman ang lamig sa paligid. Mamita! "Do you know why?" He took seconds before he answered I thought the line cut. "You sound worried. I shouldn't have told you. They probably have kept it from you." "But I need to know! Kumusta na si Mamita? May balita ka ba? Dapat pala hindi na ako umalis." My lips quivered. Hindi ko lang mapigilan ang isipin si Mamita at kung ano na ang kalagayan niya ngayon. "Are you crying? I'm sorry, I shouldn't—" Umiling ako. "It's fine, Rowan. Please, tell me how is she?" Pinalis ko ang mumunting luhang lumandas sa pisngi ko. "Tingin ko naman ay maayos na si Mamita. I'll try to get information without your dad knowing... Ikaw? Kumusta ka d'yan? How's your school?" Natahimik ako. For some odd reason, I felt as if a hand was wrapped around my neck again. Ipinilig ko ang ulo ko. "I don't know. I think it's too early for me to go to a real school like this. I feel homesick. Tapos nangyari pa ito kay Mamita. Gusto ko ng umuwi, Rowan." Dinig na dinig ko ang pagsinghap niya sa kabilang linya. I also heard rustle sound as if he's still on the bed. "Are you serious? Serena, you're actually late. Dapat ay noon ka pa sa totoong eskwelahan nag-aral. You'll overcome the homesickness soon. It's not even a week!" he exclaimed and chuckled a bit. Tumango na lang ako sa sarili. Siguro nga ay malalampasan ko rin ito. "But what about Mamita? Rowan, can you please know how she is?" "Of course, I'll tell you. Pasensya na talaga na sinabi ko pa. You must be worried." "I'm worried pero mas mag-aalala ako kung hindi ko nalaman. Paano kung may masamang mangyari sa kanila na hindi ko alam? Kahit naman malayo ako, I care for them. Dad should have at least inform me." Muling nanginig ang labi ko. I really miss them. Kung sana ay nasa isla ako, ako sana ang nag-aalaga kay Mamita. "Don't worry about them, Serena. Your dad just doesn't want you to worry... This shouldn't be our topic from your first call. Tell me how's your school? Do you have friends already?" Kinalma ko ang sarili at sinikap na balitaan ng maayos ang kaibigan. Napag-usapan namin na ganito nga ang pag-uusapan namin sa pagtawag ko. "I have a roommate. Her name is Laura. She's beautiful." "Beautiful than you? I don't think so." Ngumuso ako. "The school is wide and there are many buildings." He sighed. "You don't sound happy. Don't think about Mamita that much. She'll be okay." "Sorry," bulong ko. "I really want to see you. How's your laptop? I'm sure there's internet there?" "Hindi ko pa nasusubukan." Masyadong magiging mahaba ang usapan namin ni Rowan kung hindi ko pa pinutol. I have next class to the same building. Matapos magpasalamat sa babae na galing CR ay umalis ako roon. Bumalik sa learning building. Pumasok ako sa kwarto kung nasaan ang iilang bag at kinuha ang akin doon. Tumango sa akin ang lalaking tagapagbantay. I pulled out my laptop and checked if it's okay. "May internet po ba dito?" tanong ko sa lalaki. "Gagamitin mo d'yan?" Tinuro niya ang laptop. Tumango ako. Kung magagamit ko ito ay mas madali kong makakamusta sina Mamita. "Opo." "Kailangan mong dalhin iyan sa security office. Sila na ang bahala riyan." I attended my next class. It's literature and two hours was spent by the class reading classic literature. Hindi ko lubusang naunawaan ang lahat iyon. There's plenty of books in dad's office but I don't get to read literature. Nang matapos iyon ay hinanap ko ang security office na binanggit ng lalaki. Nahilo ako kahahanap dahil sa talagang malaki at malawak ang buong eskwelahan. I'm sure they have maps here pero kahit iyon ay hindi ko alam kung nasaan. Dahil inabot na rin ng gutom, pumasok ako sa cafeteria na katapat ng learning building. Rowan said there's often bullies in a school cafeteria katulad ng napapanood namin sa mga movies. Subalit wala namang ganoon dito. In fact, tahimik na kumakain ang lahat. May nag-uusap pero halos bulong lang. It reminds me of my dinner with dad. Sobrang tahimik na kahit ang mga kubyertos ay mahihiyang mag-ingay. But of course, that's with dad. Dito ay normal naman ang ingay ng mga kubyertos. Sa isang sulok ako naupo at dalawang babae ang nakatabi. Dahil tahimik naman sila at nag-usap lag kaunti tungkol sa assignments, tahimik lang din ako. Ako ang naiwan. They were already out of the building when I noticed the cellphone of one of the girls. It was pink. I'm not into pink colors but it looks cute. Dinampot ko iyon at sinundan ang dalawang babae. Umikot ako sa field pero wala na sila. Naisip kong dalhin iyon sa faculty para sila na ang bahalang magbalik sa babae nang bigla iyong tumunog. The caller ID says Fatima calling. Hindi ko naman pwedeng sagutin. Or pwede rin pala para masabi ko sa tumatawag na... It went off. I sighed. Then I remember Mamita. Maybe I can use this phone to call them again? Sandali lang naman. It's not a good thing. Palapit na ako sa building ng faculty. But my fingers work. Nasurpresa pa na walang password ang cellphone. Kinapa ko ang papel sa aking bulsa para sa numero pero pinigilan ko ang sarili. This is not right. Kapag malaman ito ni daddy ay magagalit iyon sa akin. Taas noo kong hinarap ang faculty building. Dalawang hakbang at natigil dahil sa isang brasong marahas na humablot sa akin. Hindi ko iyon inaasahan dahil nang pagkakabitaw ko sa cellphone na marahan kong hawak. It fell on the grass, the pink designs sparkling from the sunlight. "Got 'ya." The girl smirked. She's the owner of the phone. Kasama niya pa rin ang babae kanina. Malambot ang mga mata nitong nakatingin sa akin. I pursed my lips and bent to reach the cellphone, but the owner got it first. She held it in front of the girl with her. "Fatima's right. She doesn't belong here."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD