MARRYING THE DEVIL BILLIONAIRE
EPISODE 2
LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW.
Hindi mawala sa isipan ko ang lahat ng nalaman ko kahapon tungkol sa pagpapakasal sa aking kapatid sa lalaking hindi niya naman kilala. Nagsimula nang mag trabaho si Isabelle rito sa kompanya namin dahil ito ang gusto ng aming mga magulang. Alam kong hindi masaya si Isabelle kung nasaan siya ngayon dahil alam kong gusto niyang maging isang fashion designer at mag tayo ng isang clothing company. We have different dreams in life but the sad part of it is we can’t pursue it because of our family and their expectations.
“Bakit parang ikaw pa ang malungkot diyan? Ikaw ba ang ipapakasal huh?” tanong sa akin ni Steven nang muli na naman siyang mapadalaw dito sa aking opisina. Kada araw na yata siyang pumupunta rito at hindi na rin ako nagugulat.
Bumuntong hininga ako at napasandal sa aking swivel chair habang nakatingin sa kanya.
“Naaawa ako sa kapatid ko, Steven. Wala siyang kaalam-alam sa mga nangyayari at kung ano ang plano ni Daddy sa buhay niya. Bata pa lang ang kapatid ko para pumasok sa isang relasyon nang takasan,” seryoso kong sabi sa kanya.
Sumeryoso na rin ang mukha ni Steven at tumango siya bilang pagsang-ayon sa aking sinabi.
“Kung pagbibigyan ka ng pagkakataon na iligtas ang kapatid mo, tatanggapin mo ba na ikaw na lang ang ipakasal sa lalaking hindi mo naman mahal at kakilala?” tanong sa akin ni Stevn.
Napaisip ako sa kanyang katanungan sa akin. Nasabi ko na ito sa aking sarili kahapon at ito pa rin ang aking isasagot hanggang ngayon. Ayokong maikasal sa lalaking hindi ko naman mahal at hindi ako mahal. Ayokong maging miserable ang buhay ko kagaya ng aking mga magulang, pero nang maalala ko ang aking kapatid at napagtantong ito pala ang mangyayari sa kanya kapag kinasal siya at hindi ko maiwasan na masaktan at maging emosyonal para sa aking kapatid.
Malungkot akong ngumiti sa aking kaibigan na si Steve at nahihirapan kung ano ang isasagot sa kanya.
“I-I don’t know, Steven. I love my sister so much, and I will do everything to keep her safe and happy. Pero… hindi ko kaya na ako ang ipakasal sa lalaking hindi ko naman mahal—I don’t know, Steven! Naguguluhan ako! Huwag mo akong tanungin niyan!” inis kong sabi at napasimangot.
Gusto kong pigilan ang plano ni Daddy na ipakasal ang kapatid ko pero hindi ko sinabing ako na ang magpapakasal para lang mailigtas si Isabelle. Masyado pa kaming mga bata ni Isabelle para magpakasal! I am 25 years old while my sister is only 21 years old! Marami pa kaming mararating sa aming buhay at hindi pa namin panahon para itali ang mga buhay namin at magpakasal.
“Okay, fine. Nandito lang naman ako palagi kung kailangan mo ng kausap at advice na rin kung darating man ang panahon na ipapakasal ka rin sa lalaking hindi mo mahal,” wika ni Steven at kinindatan ako.
Inirapan ko siya at hndi na ulit nagsalita.
Maaga akong umuwi sa bahay dahil may family dinner kami. Kinakabahan na rin ako dahil ngayon na ang gabi na sasabihin ni Daddy ang tungkol sa kasal kay Isabelle. Gusto ko sana siyang kausapin tungkol doon kanina sa kompanya pero pinangunahan ako ng aking kaba at takot.
“What?! No! Hindi ako papayag sa gusto niyo!” galit na sigaw ng aking kapatid nang sabihin na ni Daddy ang tungkol sa pagpapakasal niya kay Luke Archer Coleman.
“Isabelle!” saway ko sa kanya dahil hindi pa rin maganda na sinisigawan niya ang aming mga magulang.
“Huwag mo akong hawakan!” galit niyang sigaw sa akin at inalis ang aking kamay na nakahawak sa kanyang braso.
Hindi ko mapigilan na masaktan para sa kapatid ko. Hindi ko ito gusto para sa kanya. I want to help her.
Nagalit nang sobra si Isabelle at hindi na niya maiwasan na makipag sagutan sa aming ama. Nang mas lumakas pa ang tension at kitang-kita ko na ang labis na galit ng aking ama ay pinaalis ko na muna si Isabelle sa aming bahay habang kami naman ni Mommy ay pinapakalma si Daddy. Nang muling nakauwi si Isabelle sa bahay namin ay mas lalo itong gumulo lalo na no’ng nakita ni Daddy ang kumakalat na video ni Isabelle sa isang bar. Mas lalong naging determinado si Daddy na ipakasal na si Isabelle.
Habang pinagmamasdan ko na umiiyak ang aking kapatid ay hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na umiyak. Mas lalo akong nasasaktan sa sitwasyon ngayon ng aking kapatid. I promised to her way back when we were just a kid, I promised that I will take care of her and I will do everything for my sister.
“A-Ate, ayokong magpakasal,” nahihirapan na sabi ng aking kapatid habang yakap-yakap ko siya.
Hinaplos ko ang kanyang buhok at hinalikan ito at mas lalo pa siyang niyakap.
“Gagawa ako ng paraan para hindi matuloy ang kasal niyo ni Luke. Nandidto lang ako para sa ‘yo, Sis. Mahal na mahal ka ni Ate,” malambing kong sabi sa aking kapatid at mas hinigpitan ang pagyakap sa kanya at pinahatan na siya.
Buo na ang aking desisyon, may gagawin akong plano para hindi matuloy ang kasal nilang dalawa ni Luke Archer Coleman.
“Lara Laureen Montenegro, nababaliw ka na ba?! Sinong matinong babae ang gagawin iyang pina-plano mo?!” hindi makapaniwalang tanong ni Steven sa akin nang sabihin ko sa kanya ang aking plano.
Plano kong pasukin ang condo unit ni Luke at makipagtalik sa kanya roon. Pagkatapos no’n ay tatawagan ko ang numero ni Daddy at papapuntahin ko siya rito at kapag nakita niya kaming dalawa ni Luke na hubo’t hubad, sa akin na ito ipapakasal at hindi na kay Isabelle. Hindi ko man gusto ang ganitong plano pero desperada na talaga ako. Wala na akong ibang mapagsasabihan pa kaya kahit lalaki si Steven ay sinabihan ko pa rin siya sa aking plano dahil kailangan ko rin ang kanyang tulong.
“I need your help, Steven,” seryoso kong sabi sa kanya.
Pinanlakihan niya ako ng mga mata at sarkastiko siyang tumawa.
“Are you serious, Lara?! I’m not joking here!”
Inirapan ko siya. “I’’m dead serious and desperate, Steven Saaverdra,” sagot ko sa kanyang tanong.
Napahawak siya sa kanyang noo at hinilot ito.
“Fine! Susuportahan pa rin kita diyan sa kabaliwan mo. Basta kapag nagsisi ka diyan at iniyakan mo iyang pina-plano mo, hindi na ako kasali diyan!” wika niya.
Ngumiti ako at tumango.
“Oo na, Steven.”
Bumuntong hininga siya at tumango. “Ano bang klaseng tulong ang gusto mong gawin ko?”
“Alamin mo kung anong room ng unit ni Luke para mapuntahan ko siya ngayong gabi,” seryoso kong sabi sa kanya.
“Oh God!” sambit ni Steven.
Nandito na ako sa pinaka maganda at mahal na condominium sa Pilipinas, ang Coleman Condominium. Huminga ako ng malalim at nagsimula ng maglakad papasok sa building. Kanina pa nag text si Steven sa akin at sinabi niya na rin sa akin kung anong room number ni Luke. Nang makapasok ako sa loob ng elevator ay kinuha ko muna ang pabaon kong malakas na alak sa aking tumbler at diretso itong ininom. Parang gusto kong mag mura nang malakas sa naramdaman na pait at init sa aking katawan ng ubusin ko ang alak sa aking tumbler. Nakaramdam na rin ako ng hilo dahil hindi ako sanay uminom.
Nang bumukas ang elevator ay nag simula na akong maglakad papunta sa room 45—wait saan nga ulit iyon? Napatigil muna ako sa aking paglalakad at muling tinignan ang aking cellphone at tinignan kung ano iyong room na sinabi ni Steven. Kahit naduduling at nahihilo na ako ngayon ay nabasa ko pa rin ang nasa screen ng aking cellphone.
Oh! 456 pala! Room 456 ang number ng unit ni Luke Archer Coleman. Ngumisi ako at hinanap ko na ito. Nang mahanap ko na ang room ay kaagad akong nag doorbell para pagbuksan niya ako. Nakailang doorbell na ako at makalipas ang limang beses na pag do-doorbell ay bumukas na ang pintuan. Oh damn! Ito ba si Luke Archer Coleman? Wait! Bakit mas lalo siyang naging hot at yummy?
“Who the hell are you?!” s**t. Pati ang boses niya ay nag iba at mas lalo itong naging buo at yummy.
Hindi ko sinagot ang kanyang tanong. Agad ko siyang sinunggaban ng halik sa labi at tinulak siya papasok sa kanyang unit habang patuloy siyang hinahalikan ng mapusok sa kanyang labi. Akala ko ay itutulak ako ng lalaking kahalikan ko, pero nagulat na lang ako nang halikan niya ako pabalik at hinapit niya ako sa aking beywang upang mas madikit ako sa kanya lalo.
At may nangyari na nga sa amin.
Successful ang naging plano ko kahit hindi ko talaga ito ginusto. Isinuko ko ang aking bataan sa isang lalaking hindi ko naman kilala. Para sa kapatid ko, gagawin ko ang lahat para lang maging masaya siya.
Maaga akong nagising at naramdaman ko ang labis na pananakit sa aking buong katawan lalo na sa aking gitna. Naramdaman ko ang kamay na nakapulupot sa aking beywang at doon ko napagtanto na nakipagtalik nga pala ako sa isang Coleman. Napakusot ako sa aking mga mata at huminga ng malalim. Ang init ng yakap niya sa akin at nararamdaman ko ang kanyang hininga sa may balikat ko. Hinay-hinay akong lumingon sa lalaking katabi ko ngayon.
“Oh, God!” gulat kong sigaw.
Nanlaki ang aking mga mata at nanlamig nang makita ko kung sino ang lalaking mahimbing na natutulog sa aking tabi. Hindi siya si Luke Archer Coleman! Damn! Totoo ba itong nakikita ko?!
He’s Damon Adler Miller, the luxury Miller Hotel and Casinos CEO, the famous devil billionaire!
I slept with the wrong man! s**t!