EPISODE 1 - Lara Laureen Montenegro

1525 Words
MARRYING THE DEVIL BILLIONAIRE EPISODE 1 LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW. “Lara babe, please, mamaya na iyang trabaho mo at samahan mo muna akong mamasyal,” pangungulit ni Steven sa akin. Napatigil ako sa aking ginagawa at napairap kay Steven. Si Steven Saavedra ay ang nag-iisang masasabi ko talagang totoong kaibigan. Naging magkaklase kaming dalawa ni Steven sa kolehiyo at minsan niya na rin akong niligawan ngunit binasted ko kaagad ito kaya napagpasyahan na lang naming dalawa na maging mag kaibigan na lang hanggang sa maging mag best friend na talaga kaming dalawa hanggang ngayon na may mga sariling buhay at negosyo na kaming pinagkakaabalahan. “Steven, wala ka bang trabaho? Baka pagalitan ka ng Daddy mo!” sabi ko sa kanya. Hindi pa kasi si Steven ang humahawak sa kanilang kompanya dahil kailangan niya pang magpakitang gilas sa kanyang ama. Masyado kasi itong pasaway si Steven noong nag-aaral pa kami at palagi rin siyang nasasangkot sa mga gulo. Wala namang magawa ang kanyang mga magulang dahil siya ang unang anak ng mga Saavedra, sa kanya pa rin ibibigay at siya ang mamamahala sa kanilang kompanya kahit may mga kapatid pa siya. “Sus! Pabayaan mo na iyon si Daddy. Kahit anong gawin ko ay sa akin pa rin naman niya ibibigay ang kompanya namin. Mag se-seryoso naman ako sa pagta-trabaho kung ako na ang mamamahala, pero ngayon ay kailangan ko munang enjoy-in ang buhay ko nang walang pino-problema. Kaya please, babe! Samahan mo na ako,” sabi ni Steven sa akin at ngumuso. Mahina akong natawa dahil sa kanyang ekspresyon. Tinanggal ko ang aking suot na eyeglasses at nginitian siya. Wala na rin naman akong gaanong gawain ngayon sa kompanya kaya sasamahan ko na lang muna ang makulit kong kaibigan at gusto ko rin munang makapag unwind kahit sa kunting oras lang. “Fine! Pero uuwi tayo kaagad, ah?! Baka pagalitan ako ni Daddy!” wika ko. Lumapit sa akin si Steven at niyakap ako ng mahigpit. “Kaya love kita, best friend! Promise ko sa ‘yo na hindi tayo na la-late ng uwi, Princess Lara,” nakangisi niyang sabi sa akin at hinalikan ako sa aking pisngi. Bago kami umalis ni Steven ay nagpalit na muna ako ng aking damit dahil masyadong pormal ang aking kasuotan. Hindi naman pwedeng mamasyal kaming dalawa ni Steven tapos naka business attire ako parang hindi lang fit. “Let’s go, babe!” masaya niyang saad at lumapit sa akin. Ngumiti ako kay Steven at kumapit sa kanyang braso at sabay na kaming lumabas sa aking opisina. Inutusan ko na rin ang aking secretary na huwag na siyang tumanggap ng mga tawag dahil may importante akong pupuntahan at di-diretso na rin ako sa bahay kapag natapos na kami ni Steven sa aming pupuntahan ngayon, kung saan man niya ako dadalhin para mamasyal kami. Sa sasakyan niya ako sumakay dahil ayaw niyang mag convoy kaming dalawa. Dinala niya muna ako sa isang Italian restaurant at kumain kami roon at nagpakabusog. Dinala ako ni Steven sa isang amusement park at hindi ko mapigilan na matuwa nang sobra dahil ngayon lang ulit ako nakabalik sa amusement park at huling punta ko sa mga lugar na ganito ay ‘yung bata pa ako. “Marang salamat talaga dahil pinasaya mo ako ngayong araw, Steven!” masaya akong sabi sa aking kaibigan at niyakap siya. Mahina siyang natawa at niyakap din ako pabalik at hinalikan ako sa aking noo. Sanay na ako sa pagiging sweet ni Steven sa akin dahil simula pa noong nang-aaral pa kami ay ganito na siya sa akin at iyon ang isa sa mga nagustuhan ko sa kanya kaya hanggang ngayon ay close pa rin kami sa isa’t isa. “Sabi ko naman sa ‘yo eh! Oh diba! Napasaya kita ngayong araw kaya may utang ka na naman sa akin,” nakangisi niyang sabi. Mahina ko siyang sinuntok sa kanyang braso at nakitawa na rin ako sa kanya. Hinatid ako ni Steven sa bahay namin at muli akong nagpasalamat sa kanya bago siya umalis. Alas kwatro ako sa hapon nakarating dito sa bahay kaya hindi pa ako late. Nakangiti akong naglalakad papasok sa aming bahay at nagulat na lang ako nang marinig kong nagsisigawan ang aking mga magulang sa taas at alam kong nasa office sila rito sa bahay namin. Mabilis akong humakbang paakyat sa hagdanan namin at pumunta roon sa may office kung saan naririnig ko pa rin ang pagsisigawan nila. Nang mabuksan ko na ang pintuan ng office ni Daddy ay hindi nga ako nagkamali sa aking hinala, nagsisigawan nga ang mga magulang ko. Natigilan lang sila sa kanilang pagsisigawan nang makita nila ako na pumasok. Namumula ang buong mukha ni Daddy at alam kong galit siya, si Mommy naman ay nanlilisik din ang mga mata na para bang galit din kay Daddy. Hindi nagsalita si Mommy at padabog na lumabas sa opisina ni Daddy kaya kami na lang ang naiwan dalawa. Nang makaalis na ng tuluyan si Mommy ay sinirado ko na ang pintuan at muli akong humarap kay Daddy na may pagtatanong sa aking mukha. “Dad, what was that? Kakapasok ko lang kanina sa loob ng bahay natin tapos maririnig ko na lang bigla ang sigawan ninyo ni Mommy rito sa itaas!” sabi ko kay Daddy. Huminga siya ng malalim at umupo sa kanyang swivel chair at bahagyang hinilot ang kanyang noo bago siya muling nag-angat ng tingin sa akin. “Nag-away kami ng Mommy mo dahil hindi siya pumayag na ipakasal namin ang kapatid mo na si Isabelle sa pangalawang anak ni Rachel at Anderson Coleman na si Luke Archer,” wika ni Daddy. Nanlaki ang aking mga mata sa narinig ko galing sa aking ama. Hindi rin ako makapaniwala at hindi ko rin ito tanggap. “W-What?! Daddy, bata pa si Isabelle!” bahagyang tumaas ang boses ko sa inis na aking nararamdaman sa sinabi ni Daddy. “Hindi rin ako sang-ayon na kay Isabelle ipakasal si Luke Archer Coleman! Ikaw, ikaw dapat ang ikasal sa isang Coleman dahil magaling ka sa business at ikaw lang ang pinagtitiwalaan ko!” sabi ni Daddy. Bahagya akong natigilan at hindi makahinga ng maayos sa sinabi ni Daddy sa akin ngayon lang. Oo, hindi pa handa ang kapatid ko na ikasal sa ibang lalaki at sa lalaking hindi niya naman kilala, pero mas lalong hindi pa akong magpakasal at ayaw ko rin ng fixed marriage! Gusto kong makasal ako sa isang lalaki nagmamahalan kaming dalawa, ayokong makasal nang dahil lang sa negosyo at sa kapangyarihan. Ano pa nga ba ang magagawa ko? I can’t say no to my dad. I’m scared of him and I respect him also. Buong buhay ko ay sinunod ko ang mga kagustuhan ng aking ama. Business is not my type, I want to dance and be a ballerina, but I can’t pursue that dream because I am the firstborn of Jose Montenegro and I have to take responsibility about our business. Hindi ako nag reklamo, never akong nag reklamo. Dahil alam ko na once I disagree to what my dad wants me to do, he will make my sister do it and I want that to happen. Ayokong maranasan ng kapatid ko ang labis kong naranasan sa buhay ko simula nang bata pa ako. Bata pa lang ako ay palagi na lang ako pini-pressure ng mga magulang ko at ang magagawa ko na lang dito ay ang umiyak sa sulok at pilitin ang sarili na maging malakas. “Sinabi ko kay Anderson na ikaw na lang ang ipakasal sa kanilang anak na si Luke, pero ayaw ni Rachel! Gusto niyang si Isabelle ang makasal sa anak niya! Ano bang nakita niya sa batang iyon?! Wala namang ginawang tama iyon sa pamilya natin, puro na lang siya pagpapasaway at sakit siya sa ulo!” galit na saad ni Daddy. “Daddy!” sigaw ko. Hindi ko na kayang marinig na pinagsasalitaan niya ng ganoon ang aking kapatid. Malungkot ko siyang tinignan sa kanyang mga mata habang siya naman ay malamig ang ekspresyon na nakatingin sa akin. “Bata pa si Isabelle at hindi siya sakit sa ulo! She’s an achiever and she’s a good daughter of yours and a good sister of mine. Pero dad, hindi pa rin maganda na ipakasal niyo siya sa edad niyang ito. Masyado pa siyang bata, Daddy!” sabi ko sa kanya. Naging matigas si Daddy, hindi niya ako pinakinggan. Pinaalis niya ako sa kanyang opisina at wala akong nagawa kundi ang lumabas sa kanyang opisina habang nanghihina. Bakit ganito ang nangyayari sa buhay namin? Why cant we choose what we want in our lives? Bakit kailangan pa nila kaming kontrolin? May sarili kaming buhay at dapat kami rin ang nag de-desisyon. Pero anong magagawa ko? I am part of the Montenegro family at ganito na talaga ang pamilya namin. No love, just pure business. Makakahanap pa kaya ako ng lalaking mamahalin talaga ako? Ayokong maikasal sa isang lalaking hindi ko naman mahal at hindi naman ako mahal. Ayokong mag dusa kagaya sa nangyayari sa relasyon ng aking mga magulang. Hindi ko kayang mas lalo akong maging miserable sa buhay na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD