EPISODE 3
YOU’RE SO DEAD
LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW.
OH. MY. GOD.
Napakurap ako sa aking mga mata at kinusot ko na rin ang mga ito pero kahit anong gawin ko ay si Adler pa rin ang nakikita ko na nakahiga rito sa aking tabi sa kama at hindi ang inaasahan kong si Luke Archer Coleman. s**t! Ano itong katangahan na nagawa ko? No! Hindi maaari!
“AHHH!” malakas ko na tili at napaatras hanggang sa nahulog na ako nang tuluyan sa kama at napadaing ako sa sakit dahil parang nabalian ata ako ng buto sa may balakang.
“Ang ingay!” rinig kong galit na sigaw ni Adler.
Agad kong tinakpan ang hubad kong katawan gamit ang kumot na nalaglag kasabay sa akin. Hinay-hinay akong tumayo at bahagya akong napatalon sa gulat nang makita kong gising na si Adler at nakaupo na siya ngayon sa kama at nakasimangot siya habang nakatingin sa akin. Para akong kinakapusan ng hininga at hindi ko alam ang aking sasabihin. Natigilan na lang ako nang marinig ko ang pagtunog ng aking phone at muli kong naalala ang aking ginawa bago ako pumunta rito sa Coleman Condominium. OH. MY. GOD! Don’t tell me na-send iyon kay Daddy? No! No! No!
Napatakbo ako kung saan nakalagay ang aking sling bag at agad kong nilabas ang aking phone at binuksan ito. Hindi ko muna pinansin ang malagkit na tingin sa akin ni Adler dahil hindi naman din siya nagsasalita ngayon at baka inaantok pa kaya hinayaan ko na muna siya. Kailangan ko munang pigilan na makapunta rito si Daddy. Hindi pwede na makita niya kami ni Adler dito sa loob ng condo unit niya!
Pagbukas ko sa aking phone ay nagulat na lang ako nang makita ko ang 100 missed calls from dad! Inutusan ko kasi ang secretary ko na e-text si dad ngayong umaga para makapunta siya rito sa lugar kung nasaan ako at in-open ko rin ang aking GPS para madali niya lang akong mahanap. And I think it’s too late… narinig ko na may nag doorbell sa labas ng unit ni Adler and I know it’s daddy!
Nagkatinginan kaming dalawa at nakita ko siyang tumayo at sinuot ang kanyang shirt. Nakaboxer lang siya at wala siyang pakialam kung ganoon ang kanyang suot. Aakmang lalabas na siya ng kwarto nang mabilis akong tumakbo palapit sa kanya at pinigilan siya.
“N-No! Don’t open the door, please! Just ignore it! Let’s… let’s talk,” naiiyak kong sabi habang nakatingin sa kanya.
Malamig lang na nakatingin si Adler sa akin na para bang wala siyang pakialam kung ano ang aking nararamdaman ngayon. Isang malamig na ekspresyon lang ang binibigay niya sa akin na mas lalong nagpakaba sa aking damdamin. Bahagya akong nagulat sa kanyang sunod na ginawa… itinulak niya ako paalis sa kanyang harapan dahil nakaharang ako at binuksan niya ang pintuan ng kwarto at lumabas na siya. s**t! Naiiyak na ako ngayon. Alam kong si Daddy ang nasa labas ngayon ng unit ni Adler at kapag nakita niya kami ay sigurong patay na talaga ako! Alam at sigurado akong galit na galit na si Daddy sa labas.
Bago ko sinundan si Adler sa labas ay nagmadali na muna akong nagbihis dahil nakahubad lang ako. Baka mas lalong magulat si Daddy at magalit kapag nakita niya ang ayos ko. s**t! Nasaan na ang skirt ko?! Wala akong nagawa kundi ang suotin ang oversize na t-shirt ni Adler na nakita ko malapit sa kanyang table at isunot ko na rin ang aking panty. Wala na akong pakialam kung mahapdi at medyo masakit ang gitnang parte ng aking katawan ngayon. Mas inaalala ko ang mangyayari ngayong araw.
“Hayop ka! Anong ginawa mo sa anak ko?! Nasaan ang aking anak?!”
Napatakip ako sa aking bibig at nataranta nang marinig ko ang galit at malakas na boses ni Daddy sa labas. Nagmadali akong umalis sa kwarto at pumunta kung nasaan ko narinig ang boses ni Daddy.
“Dios Mio!” bulalas ni Mommy nang makita niya ako. Napatakip sa kanyang bibig si Mommy habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin.
Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko si Adler na nakabulagta ngayon sa may sahig. Hawak niya ang kanyang pisngi at nakita ko ang duguan niyang ilong at may pasa rin siya sa gilid ng kanyang labi.
“Lara!” galit na sigaw ni Daddy. Napatingin naman ako sa kanya at nakita kong papalapit sa akin si Daddy.
“D-Daddy, let me explain—”
Sinampal ako nang napakalakas ni Daddy sa aking mukha kaya muntik na akong matumba sa lakas nang pagkasampal niya sa akin. Buti na lang at may nakapitan kaagad ako kaya hindi ito naituloy. Hindi ko na napigilan na mapatulo sa aking luha dahil ngayon lang ito ginawa ni Daddy sa akin, ngayon niya lang ako nasampal nang ganito kalakas at ang sakit… ang sakit.
“Estupida! Akala ko ay matino kang babae, Lara! Katulad ka rin pala ng kapatid mo na si Isabelle… mga walang kwenta!” galit na sigaw ni Daddy.
Napayuko ako dahil hindi ko na matignan si Daddy at nasasaktan na rin ako ng sobra.
“Jose! Anak mo pa rin iyan!” rinig kong sigaw ni Mommy.
Napatili ako nang mahigpit akong hinawakan ni Daddy sa aking braso at nasasaktan ako sa kanyang ginagawa.
"D-Daddy, masakit!" naiiyak kong daing dahil sa kanyang ginagawa.
“Let go of her!”
Natigilan kaming lahat nang biglang sumigaw si Adler. Napatingin ako sa kanya habang patuloy pa rin sa aking pag iyak. Nakatayo na pala siya at nagpupunas siya ng dugo sa may ilong niya at matalim niyang tinignan si Daddy na mahigpit pa rin na nakahawak sa aking braso.
“Is she your daughter? If yes, how dare you hurt your own daughter,” malamig na sabi ni Adler kay Daddy.
Nakita kong nagulat si Daddy sa sinabi ni Adler.
“Hayop ka! Wala kang karapatan na sabihin sa akin ‘yan!” galit na sigaw ni Daddy at aakmang susuntukin na niya sa mukha si Adler nang mabilis itong nakaiwas at agad na hinawakan ni Adler sa braso si Daddy at binaliktad ito.
Napatakip ako sa aking bibig sa gulat dahil sa kanyang ginawa sa aking Ama.
“Bitawan mo akong hayop ka!” galit na sabi ni dad.
Agad naman itong sinunod ni Adler at binitawan niya si Dad at bahagyang itinulak palayo sa kanya. Napatingin sa akin si Adler kaya naramdam ulit ako ng kaba sa aking dibdib dahil iba siya tumitig. Parang madadala ka at kakabahan kapag tumingin sa ‘yo si Damon Adler Miller.
“Who the hell are you? And why are you bringing your family here in my goddamn condo unit?! Are you planning something that I didn’t want to?!”
Napalunok ako sa aking laway nang sabihin sa akin iyon ni Adler.
Binuka ko ang aking bibig at aakmang magsasalita na ako nang maunahan na ako ni Daddy.
“You’re going to marry my daughter, asshole! Hindi ako makakapayag na hindi mo siya panagutan!”
Napaawang ang aking bibig nang sabihin iyon ni Daddy. Muli akong napatingin kay Adler at nakita kong namutla siya at nanlalaki ang kanyang mga mata. Nang mapasulyap siya sa akin ay matalim niya akong tinitigan at may binigkas siya sa kanyang bibig at binasa ko naman ito.
You’re so dead.
Napalunok ako sa aking laway nang ito ang kanyang sinabi habang matalim na nakatingin sa akin.
I’m so dead! Sigurado akong hindi ito magugustuhan ni Isabelle. Mas dinagdagan ko pa ang problema namin. Stupid, Lara Laureen Montenegro!
TO BE CONTINUED...