EPISODE 8
THE MILLER FAMILY
LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW.
Sa mga nagdaan na araw ay mas naging busy na ako sa aking trabaho dahil may bago kaming project at kailangan ko itong mabantayan nang maigi dahil ayokong pumalpak ito at malaki rin ang budget namin dito at kapag nagkamali kami ay siguradong malaking kawalan din ito sa aming kompanya at magagalit si Dad sa akin. Naaawa ako sa aking kapatid na si Isabelle dahil wala na talaga siyang takas sa kasal niya kay Luke Archer Coleman lalo na’t next week na siya ikakasal sa lalaki. Masyado na talagang pinapabilis ni Dad ang mga pangyayari at hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako sa kanyang mga pasabog.
Simula no’ng pumunta si Adler sa bahay namin para kausapin si Dad ay hindi ko na siya nahagilap ulit. Hindi na rin ako kinukulit ni Dad tungkol sa kasal namin ni Adler. Hindi na ba ito matutuloy? Nagawan kaya nang paraan ni Adler para mapigilan ang binabalik ni Dad? I know he can do it because he’s more powerful and rich than my father.
Sana nga talaga ay hindi matuloy ang kasal namin ni Adler. Hindi ko kayang makasal sa lalaking hindi ko naman mahal. Kahit ganito ako ay naniniwala pa rin ako na mas maganda at masaya kapag ikinasal ka sa lalaking mahal mo at hindi iyong napipilitan ka lamang. Ayokong magaya ako sa aking mga magulang na walang araw na hindi nag aaway at nagsisigawan. Sana hindi matulad ang kapatid ko na si Isabelle sa mga magulang namin pero nang pina imbestiga ko naman ang lalaking nakatadhana sa aking kapatid na si Luke Archer Coleman ay nalaman ko na siya ang pinakamabait na responsible sa magkakapatid na Coleman. Nang malaman ko iyon ay nakahinga ako ng maginhawa dahil nasa mabuting kamay ang kapatid ko at sana maganda rin talaga ang pakikitungo ni Luke sa kapatid ko at matutunan niya rin itong mahalin. Ang gusto ko lang mangyari ay maging masaya ang kapatid ko, iyon lang talaga ang aking nais.
“Ma’am Lara, nasa labas po si Sir Saavedra at gusto niya po kayong makausap,” sabi ng aking secretary nang pumasok siya sa aking office.
Itinigil ko naman ang aking ginagawa at nag inat sa aking katawan at tumingin sa aking secretary at nginitian siya.
“Sige. Papasukin mo siya rito sa loob,” utos ko.
Tumango naman ito at muling lumabas sa aking office upang papasukin ang aking kaibigan na si Steven. Makalipas ang ilang segundo ay nakita ko nang pumasok sa loob ang aking kaibigan at katulad ko ay nakasuot din ng pang business attire ang aking kaibigan at nakasimangot siya ngayon. Sigurado akong pini-pressure na naman siya ng dad niya dahil sa kanya magmamana ang mga negosyo nila. Wala na rin kasing choice si Steven dahil ang nakakatanda nilang kapatid na si Erickson Saavedra ay mas piniling manirahan ng tahimik sa New Zealand kasama ang asawa’t mga anak nito. Dahil si Steven ang sumunod sa kanilang magkakapatid ay sa kanya nasalo lahat ng responsibilidad, lalo na’t ayaw din ng kanyang sumunod na kapatid na si Jackson na mag handle ng negosyo nila kaya no choice na talaga itong kaibigan ko.
“Work problem? Or family problem?” tanong ko sa kanya nang makaupo siya sa may couch na malapit lang dito sa aking inuupuan.
Napahilot sa kanyang sentido si Steven at nag angat siya ng tingin sa akin.
“Pwede both? Tangina. Bakit kasi sa akin napunta lahat ng responsibilidad sa negosyo ng pamilya namin? Gusto ko lang namang mag enjoy sa buhay ko pero hindi na enjoy itong nararamdaman ko kundi too much pressure,” inis na sabi ng aking kaibigan na si Steven.
Huminga ako nang malalim at napagpasyahan na lumapit sa kanya. Umupo ako sa kanyang tabi at inakbayan siya at tinapik ko rin ang kanyang balikat.
“You can rant whatever you want. I’m here to listen to you, and if you need advice, I’ll give you one,” nakangiti kong sabi sa kanya.
Tumingin siya sa akin at bahagyang ngumiti at nagsimula na niyang sabihin sa akin lahat ng gumugulo sa kanyang utak at sa kanyang mga problema sa buhay. Ako lang din ang isang kaibigan na pinagkakatiwalaan talaga ni Steven at ganun din ako sa kanya. Hindi naging hadlang ang magkaibang gender namin para maging mag best friend. Walang halong malisya ang paglapit ko sa kanya at sa mga lambingan at kulitan namin—just best friends things. Pagkatapos sabihin ni Steven sa akin lahat ng kanyang problema ay binigyan ko rin siya ng mga words fo wisdom ko at pinaintindi sa kanya ang kanyang sitwasyon at kung ano ang kanyang dapat gawin at hindi dapat gawin. Hindi naman sa pinapangunahan ko si Steven pero as his bestfriend, nandito ako para tulungan siya at ayoko rin na mapunta siya sa maling desisyon sa buhay.
“Thanks, Princess. Tama talaga ang naging desisyon ko na puntahan ka rito. Alam mo na, ikaw ang aking guidance councelor,” nakangisi niyang sabi. Inakbayan ako ni Steven at mabilis na hinalikan sa aking pisngi.
Natawa ako sa kanyang ginawa at bahagya ko rin na kinurot ang kanyang pisngi dahil masaya ako dahil nakangiti na siya ngayon at mukhang naging maayos na rin ang kanyang pakiramdam. Napagpasyahan namin ni Steven na sabay kaming kumain sa aming lunch at maaga rin akong umalis sa kompanya kasama ang aking kaibigan. Pumunta kami sa paborito naming korean restaurant at nag samyeopsal kami sa aming lunch dahil gusto naming kumain ng madami. Habang kumakain kami ni Steven ay hindi nawala ang mga jokes niya at pareho kaming nag tawanan. Natigil lang ako sa aking pag tawa nang ma open up ni Steven ang tungkol sa amin ni Adler.
“Hindi na ba tuloy ang kasal?” tanong niya sa akin gamit ang seryosong boses.
Bago ko sagutin ang kanyang tanong ay uminom na muna ako ng tubig at seryoso rin akong tumingin sa aking kaibigan at sinagot ang kanyang katanungan sa akin.
“I-I don’t know, Stev. Hindi na namin napag usapan ni Dad ang tungkol sa kasal namin ni Adler dahil naging busy si Dad sa kasal ni Isabelle at kay Luke Coleman. Gusto ko sanang maitanong sa kanya pero natatakot ako, baka kasi bigla niya na lang akong ipakasal sa lalaking iyon at masabihan pa akong excited,” sagot ko sa kanyang tanong.
Mahina siyang natawa at nginisihan ako.
“For sure ayan talaga ang iisipin ni Tito kapag nag tanong ka. Huwag ka na lang mag tanong at hintayin mo na lang ang sasabihin niya, pero kailangan mo pa rin na mag handa para sa mga posible na mangyari, Lara,” sabi ni Steven.
Napabuntong hininga naman ako at tumango. Nag focus na lang ako sa aking pag kain at hindi na lang muna inisip ang problema kong iyon.
Pagkatapos naming kumain ni Steven ay inihatid niya ako pabalik sa kompanya ko dahil marami pa akong gagawin na trabaho. Nag focus ako sa mga kailangan kong matapos ngayong araw at nang mag five pm na ay napagpasyahan ko nang mag ligpit ng aking mga gamit dahil uuwi ako sa bahay ngayon. Nag text sa akin kanina si Mommy at sinabi niya na may family dinner kami at kailangan kong makauwi ng maaga dahil may makakasama raw kami sa aming dinner mamaya. Ang nasa aking isipan ko naman ng sabihin iyon ni Mommy ay makakasama namin sa dinner ang Coleman family dahil malapit nang ikasal ang aking kapatid na si Isabelle.
Sumakay na ako sa aking sariling sasakyan at umalis na ako para makauwi na sa aming bahay. Pagkarating ko sa aming bahay ay nagulat ako nang makakita ako ng isang bugatti sa labas na naka park. Wow. Kaninong sasakyan kaya ito? Kay Luke kaya? Kung oo man, same sila ng brand ng sasakyan ni Adler.
Pumasok na ako sa aming bahay at natigilan ako sa aking paglalakad nang makakita ako ng isang unfamiliar na tao at para itong kasing edad nila Mom at may striktang mukha siya at hindi ko rin mapigilan na matakot dahil sa kanyang dala-dalang aura.
Napatingin ito sa akin at tinaasan niya ako ng kilay. Unti-unti siyang humakbang palapit sa akin at tumigil lang siya nang nasa may harapan ko na ito.
“You must be Lara Laureen Montenegro?” malamig niyang tanong sa akin.
Lihim akong napalunok sa aking laway dahil sa kaba. Pati boses niya ay nakakatakot. Masyado siyang intimidating. Sino ba siya?
Propesyonal akong ngumiti at tumango.
“Yes, Madame. I’m Lara Montenegro. Nice to meet you, Madame….”
Bahagya siyang ngumiti. “Devon. Miss Devon Miller, I’m Damon’s aunt, Miss Montenegro.”
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang malaman ko ang kanyang buong pnagalan.
Omg.
What’s the meaning of this? Bakit nandito sa aming pamamahay ang tiyahin ni Adler? Hindi mga Coleman ang makakasama namin ngayon sa family dinner?
“Great! Nandito na pala ang anak ko.”
Napatingala ako sa may hagdan nang marinig ko ang boses ni Dad. Mas lalo akong nagulat nang makita kong kasama niya si Adler at seryoso ang mukha nito at para itong mangangain ng tao. Nang magkasalubong ang aming mga panangin ay parang biglang tumalon ang puso ko sa sobrang kaba. Matalim ang tingin sa akin ni Adler na para bang may malaki ang kasalanan.
Nang makababa na silang dalawa ni Dad ay lumapit sa akin si Dad at inakbayan niya ako. Para akong nanghihina at hindi ko alam ang aking sasabihin o kung ano ang aking magiging reaksyon.
“Good thing you’re already here, anak. The Miller family is here to discuss your wedding with Damon!” nakangising sabi ni Dad at tumingin kay Damon at pati na rin sa kanyang Tita na si Aunt Devon.
Bahagyang ngumiti si Aunt Devon at tumango.
Muli akong napatingin kay Dad habang nakakunot sa aking mga noo sa sobrang pagtataka.
“D-Dad, what do you mean about the wedding? H-Hindi po ako ikakasal!” bahagyang tumaas ang aking boses habang kinakausap ko ngayon si Dad.
Napatingin siya sa akin at nawala na rin ang ngiti sa kanyang mukha at napalitan ito ng seryosong ekspresyon. Hinawakan ni Dad ang aking braso at bahagya niyang inilapit ang kanyang mukha sa may tainga ko at may binulong siya sa akin.
“Lara, don’t be stubborn. Huwag kang gumawa nang kalokohan ngayon sa harapan ng mga Miller, utang na loob,” bulong ni Dad.
Para akong kakapusan ng hininga nang sabihin niya iyon pero lumaban pa rin ako at pinilit ko ang aking sarili na hindi sumabog sa kanilang harapan at manatiling kalmado. Naging talent ko na rin siguro ito kaya sanay na sanay na ako.
“I’m marrying Lara Laureen Montenegro, and I want it as soon as possible.”
Nanlaki ang aking mga mata nang sabihin iyon ni Adler. Napatingin ako sa kanya at mas lalo pa siyang pinanlakihan ng mga mata pero wala siyang ibinalik sa akin na ekspresyon kundi ang isang malamig na ekspresyon na para bang wala siyang pakialam kung ano ang aking iisipin at ang aking gagawin, ang importante ay mangyari ang gusto niyang mangyari.
Naiiyak ako.
Akala ko ba ay ayaw niya rin na makasal sa akin? Bakit ngayon ay nag bago na ang kanyang isipan?
Shit.
F-ck!
Wala na ba talaga akong takas? Sigurado na ba talaga ito? Wala na akong karapatan na umayaw?
Am I finally marrying the devil billionaire? For real?
TO BE CONTINUED...