EPISODE 9
HIS WRATH
LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW.
“Masayang-masaya ako na ikasal ang paborito kong anak sa pamangkin mo, Devon,” nakangiting sabi ni Dad habang nakangiti sa Auntie ni Damon na si Devon Miller.
Nandito na kaming lahat sa dining area at katabi ko ngayon ang aking kapatid na si Isabelle na kanina lang din tahimik at nagtataka siya kung bakit nandito sila Adler at sigurado akong hindi niya ito kilala dahil hindi naman talaga into business si Isabelle. Si Mom naman ay tahimik lang din sa tabi ni Dad at hindi siya nakikihalubilo sa Tita ni Adler na si Madame Devon. Hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksyon ko at kung ano ang aking sasabihin dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nag iba na ang desisyon ni Adler at gusto na niya akong pakasalan. Bakit? Bakit nagbago ang kanyang isipan?
“I’m also excited na maging magkapamilya na rin nag Miller at Montenegro, sa wakas! Isn’t amazing, my dear?” nakangiting tanong ni Madame Devon kay Adler na seryoso lang din na nakaupo sa kanyang pwesto sa tabi ng kanyang Tita.
Nag angat ng tingin si Adler at simple lang siyang tumango. Iiwas na sana ako nang tingin sa kanya nang makita ko siyang napatingin sa akin. Ang lakas ng t***k ng aking dibdib at para akong matutunaw sa aking unuupuan ngayon dahil sa uri ng kanyang titig sa akin.
“Ate, okay ka lang?”
Napakurap ako sa aking mga mata at umiwas na ng tingin kay Adler nang marinig ko ang mahinang boses ng aking kapatid na nasa aking tabi. Hinawakan niya rin ang aking kamay at alam ko na ramdam niya ang panlalamig ng mga ito. Simple kong nginitian si Isabelle at tumango. Ayokong malaman niya na may problema ako ngayon dahil alam ko na may problema rin siya.
Naging tahimik ang pag kain namin dito sa dining area. Ang awkward ng atmosphere rito at alam ko na nararamdaman din ito ng aking kapatid dahil kanina pa kaming dalawa nagtitinginan. Nang natapos na kaming kumain ay hindi pa rin kami makaalis dito sa dining area dahil nag uusap pa sila Daddy at ang Aunt ni Adler. Tungkol lang sa mga negosyo ng mga Miller ang pinag uusapan nila Daddy ngayon at nahihiya rin ako na makisali at ayokong makisali.
Habang nag uusap sila Dad at Madame Devon, gumawa naman ako nang paraan para hindi ako matulala rito sa aking kinauupuan. Kinuha ko ang aking baso na may laman pang tubig at ininom ko ito. Muntik ko pang maibuga ang aking iniinom sa sobrang gulat nang marinig kong nagsalita si Adler at binanggit niya pa ang aking pangalan.
“Can I talk to Lara in private?”
Nakita kong natigilan din ang aking mga magulang at si Madame Devon nang magsalita si Adler. Para namang natataranta si Dad pero agad din siyang tumango at ngumiti.
“Sure, Hijo! Tapos na rin naman tayong nag usap kanina at tapos na rin na kumain kaya pwedeng-pwede na kayong mag usap ni Lara,” wika ni Dad.
Napalunok ako sa aking laway at hindi mapigilan na manlamig. Napatingin ulit ako kay Adler at nakita ko na siyang tumayo at sumulyap siya sa akin at sinenyasan niya akong sumunod sa kanya kaya wala akong nagawa kundi ang tumayo at sumunod sa kanya. Nakalabas na kami ni Adler sa dining area pero tuloy-tuloy pa rin siya sa kanyang paglalakad hanggang sa makalabas na siya ng bahay namin. Nang makalabas na rin ako ay nagulat na lang ako nang bigla niyang hawakan ang aking braso at hinila niya na lang ako at dinala niya ako sa madilim na parte rito sa labas ng aming bahay na walang makakakita na ibang tao.
“Adler, ano ba! Saan mo ba ako dadalhin?! Bitawan mo nga ako!” nagpupumiglas ako ngayon upang makahawala ako sa mahigpit na pagkakahawak ni Adler sa akin pero kahit anong gawin ko ay mas malakas pa rin siya sa akin at nasasaktan lang ako kapag pinilit ko pa na makahawala sa pagkakahawak niya.
“AHHH!” napatili ako nang malakas niya akong isinandal sa may pader at hindi ko namalaya na nakapunta na pala kami sa may bandang likuran ng aming bahay at madilim na sa parteng ito at kapag gabi ay hindi na napupunta ang mga trabahador namin dito sa bahay kaya walang makakakita sa amin at makakarinig sa oras na ito.
“B-Bitawan mo ako, Adler! Ano ba!” galit kong sigaw habang nakatingin ng masama sa kanya.
Hinawakan niya ang magkabila kong palapulsuhan at itinaas ang aking kamay sa may ulo ko at idinikit ito sa pader para hindi ko na ito maigalaw ulit at kahit anong pagpupumiglas ko ngayon ay hindi ko na magawa dahil dikit na dikit na ako kay Adler at wala na rin akong kawala.
“Stop fighting with me, Lara. We’re getting married, so you need to obey me all the time,” he said huskily, and he smirked.
Nanayo ang aking mga balahibo sa katawan nang sabihin iyon sa akin ni Adler. Ang lakas din ng t***k ng aking puso at para na akong kakapusan ng hininga.
“B-Bakit ka pumayag? Bakit gusto mo nang makasal sa akin?” mahina kong tanong sa kanya. Nakaramdam na rin ako ng takot dahil hindi ko talaga kilala si Adler at natatakot ako na baka may gawin siyang masama sa akin ngayon.
Inalis niya ang isang kamay niya na nakahawak sa aking kamay at hinaplos niya ang aking pisngi. Napakurap ako sa aking mga mata at hindi makagalaw sa kanyang ginagawa sa akin ngayon.
“Hmmm. Bakit nga ba, Miss Lara Laureen Montenegro? First of all, you ruined my life.”
Napatingin ako sa kanyang mga mata nang sabihin niya iyon sa akin. Kitang-kita ko sa kanyang mata ang labis na galit habang nakatitig din sa akin. Pero kahit kitang-kita ko ang kanyang galit at nararamdaman ko ito ay nanatili pa rin siyang kalmado sa aking harapan at mas lalo siyang nakakatakot.
“Please, Adler, kung ano man ang binabalak mo, huwag mo nang ituloy,” mahina kong sabi habang nakatingin sa kanya.
Huminga siya ng malalim habang bakas pa rin sa kanyang mukha ang mala-demonyong ngiti at bahagya niya rin na kinurap ang kanyang mga mata at nagsalita.
“Oh, weirdo, you should be thankful because you’re marrying a powerful man. Diba iyan naman talaga ang plano mo simula noong una? Kaya ka pumunta sa condo unit ko para magawa mo ang plano mong pikutin ako,” malamig niyang sabi sa akin.
Tinignan ko siya ng masama.
“Hindi ko nga ginusto iyon, diba?! Okay, I admitted that I was wrong, it’s all my fault! Kasalanan ko kasi hindi ko dinoble check ang room na papasukan ko at nalasing ako no’n! You don’t have to marry me, Adler. I can handle my dad so please, reject the wedding and I will do my best to convince my dad na hindi ituloy ang binabalak niyang kasal para sa atin,” seryoso kong sabi sa kanya.
Kahit masaktan man ako ni Dad, gagawin ko pa rin ang lahat para lang hindi matuloy ang aming kasal. Gusto kong ipakita kay Adler na nagsisi ako sa aking ginawa at hindi ko intensyon na gawin ko iyon at hindi ko ‘yun sanadya kagaya ng paratang niya sa akin.
Hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sa aking mga mata habang may seryosong ekspresyon sa kanyang mukha. Naramdaman ko na unti-unti niyang binitawan ang aking kamay kaya naibaba ko na ito at nakahinga na rin ako ng maginhawa dahil nakikita ko na nakukumbinsi ko na rin sa wakas si Adler.
Pero lahat ng pag-asa ko kanina ay bigla na lang nawala nang hawakan ni Adler ang aking beywang at hinapit niya ako palapit sa kanya kaya nagulat ako nang sobra at napahawak ako sa kanyang dibdib.
“A-Adler!”
Hindi ako makagalaw nang inilapit niya ang kanyang mukha sa may mukha ko at tinitigan niya ang aking mga mata. Hinaplos niya nag aking pisngi at inilapit niya ang kanyang mukha sa may tainga ko at nanayo ang aking mga balahibo nang maramdaman ko ang kanyang dila roon at napakapit din ako kay Adler dahil bigla akong nanghina. He licked my earlobe at bahagya niya rin itong kinagat.
“A-Adler…” mahina kong ungol.
Muli niyang hinaplos ang aking pisngi at ang aking labi na bahagyang nakaawang ngayon nang dahil sa kanyang ginawa kanina.
“I’m not going to let you go, Lara,” seryoso niyang sabi sa akin.
Napakurap ako sa aking mga mata nang sabihi niya iyon. Naramdaman ko ulit ang malakas na pag t***k ng aking puso at napapaso na rin ako sa uri ng kanyang pagtitig sa akin.
Nagpatuloy siya sa kanyang pagsaslita na nagpagunaw sa aking mundo.
“I will make you suffer while you are married to me, Lara Laureen Montenegro. Face your consequences and good luck to your new journey being Mrs. Miller.”
TO BE CONTINUED...