EPISODE 7 - HOPELESS

1406 Words
EPISODE 7 HOPELESS LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW. Pauwi na ako sa bahay namin at nakasakay ako ngayon ng taxi. Tulala lang ako habang nakatingin sa labas at hindi mawala sa aking isipan ang ginawa ko kagabi kay Adler. Nagawa ko ba talaga iyon sa kanya? Parang… parang napaka imposible naman. Hindi ko naman alam ang mga ganung bagay at hindi ko magagawa yun—ginawa ko na nga eh! Napasabunot ako sa aking buhok sa sobrang hiya para sa aking sarili. Oh My God, Lara Laureen Montenegro! Wala ka pa ngang nagiging boyfriend pero ganun na ang ginagawa mo sa lalaking hindi mo naman kilala?! Argh! I hate you, Lara Laureen! Nakakagigil, nakakahiya! “M-Ma’am? Okay lang po ba kayo riyan sa likuran? Gusto niyo po bang dalhin ko na lang kayo sa hospital?” Napatigil ako sa aking ginagawa nang magsalita ang driver ng taxi na sinasakyan ko ngayon. Napaayos naman ako sa aking sarili at bahagyang ngumiti kay Kuya driver. Baka akala niya ay nababaliw na ako kasi kanina ay umiiyak ako tapos bigla na lang akong matatawa sa mga kagagahan na ginawa ko tapos muli na naman akong mapapaiyak tapos matutulala na lang bigla. Hindi ko masisisi si Kuya driver kung mapagkakamalan na niya akong baliw. “Hehe. Diretso na lang po ako sa bahay, Kuya. Pagod lang po siguro ako kaya ako ganito ngayon. Huwag niyo na lang akong pansinin dito sa likuran at mag focus na lang po kayo sa pag da-drive dahil nag-aaway lang po ang other personalities ko,” sabi ko kay Kuya driver at nag peace sign din ako sa kanya. Nakita ko naman na napangiwi siya at hindi niya na lang ulit ako pinansin. Napasandal na lang ako sa aking inuupuan at hinintay na lang na makarating ako sa bahay. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na ako sa bahay at agad din akong pumasok sa loob at nagmamadali ako sa aking paglalakad dahil ayokong makita ako ng pamilya ko na sabog ang mukha dahil sigurado akong magtataka sila at tatanungin kung anong nangyari sa akin. Pagpasok ko sa loob ng aming bahay ay napatigil ako sa aking paglalakad nang makita ko si Isabelle sa may living room at nang makita niya ako ay mabilis siyang tumayo at lumapit sa akin. “Ate Lara!” Nang makalapit na siya sa akin ay napakunot ang kanyang noo na para bang nagtataka sa aking ayos. Alam kong mukha na akong adik at sabog na sabog talaga ang pagmumukha ko ngayon at pati na rin ang aking buhok. Inalalayan ako ni Isabelle papunta sa may living room namin at pinaupo niya ako sa may couch at mag kaharap na kaming dalawa. “Ate, what happened?” alalang tanong sa akin ng aking kapatid. Hindi ko mapigilan na makaramdam ng guilt habang nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin at kung paano ko sisimulan na sabihin sa kanya ang mga nangyari at sa plano ko noon na palpak. Nasabi ko sa aking kapatid na tutulungan ko siya at magtiwala lang siya sa akin at kita ko sa kanyang mukha na tuwang-tuwa siya dahil hindi ko siya pinabayaan. Napahawak ako sa aking ulo at bahagyang yumuko. Hindi ko na kayang itago ito, kailangan ko nang sabihin kay Isabelle ang totoo. Ayaw kong magsinungaling sa akin dahil alam ko na mas lalo lang siyang masasaktan at aasa siya sa wala. Nag angat ako ng tingin sa aking kapatid at hindi ko na rin mapigilan ang aking sarili na mapaiyak. “I’m sorry, Isabelle. I ruined everything,” mahina kong sabi habang umiiyak. Kumunot ang kanyang noo na para bang naguguluhan sa aking sinabi. “What do you mean you ruined everything, Ate?” she asked. Huminga ako ng malalim at pinigilan ang aking sarili na mapaiyak pa lalo habang kausap ko si Isabelle ngayon. Nahihiya ako sa ginawa kong kapalpakan. Sinabi ko noon sa kanya na tutulungan ko siya na hindi matuloy ang kanilang kasal ni Luke Archer Coleman pero mas lalo ko pa itong pinalala. s**t. Wala talagang plano na hindi ako puma-palpak. “My original plan is to seduce Luke Archer Coleman, but I failed. I slept with another guy, and dad found out, and he wants me to marry that man, Isabelle. Ipapabilis na rin ni Dad ang pagpapakasal mo kay Luke dahil gusto nyang maging engrande ang kasal ko,” mahina kong sabi at muling naiyak sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Tulala lang si Isabelle habang nakatingin sa akin at bahagya rin na umawang ang kanyang bibig na parang hindi rin siya makapaniwala sa aking sinabi. Huminga ako ng malalim at muling nagpatuloy sa aking pagsasalita. “I’m sorry, Isabelle. Alam kong sinabi ko na sa iyo na tutulungan kita na hindi matuloy ang kasal ninyo ni Luke pero mas pinalala ko pa lalo ang sitwasyon at dumoble pa ang problema natin,” humihikbi kong sabi at napayuko dahil sa sobrang hiya na nararamdaman ko. Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Isabelle at niyakap niya ako kaya mabilis ko rin siyang niyakapa pabalik at mas lalo pa akong naiyak. “Kakayanin natin ito, Ate Lara,” malambing na sabi ng aking kapatid habang hinahagod ang aking likuran. Napatango naman ako at mas lalo pa siyang niyakap. Matagal kaming nagyakapan ni Isabelle at pareho rin kaming hindi nagsasalita. Pinapakiramdaman lang namin ang isa’t isa at gumaan din ang aking pakiramdam habang kayapan ko ang aking kapatid. Sinabi ko sa kanya pagkatapos naming magyakapan na naglasing ako kagabi dahil nagalit ako kay Daddy, pero hindi ko na sinabi kay Isabelle ang tungkol kay Adler dahil sigurado akong mag tatanong lang siya nang magtatanong sa akin at ayokong malaman niya ang tungkol sa amin ni Adler. Inalalayan ako ni Isabelle papunta sa aking kwarto at pinagdalhan niya rin ako ng makakain sa loob dahil tinatamad na akong lumabas. Malaki ang pasasalamat ko sa aking kapatid dahil inalagaan niya talaga ako at dinalhan niya rin ako ng gamot para sa sakit ng aking ulo. Pagkatapos kong kumain ay agad din akong nakatulog dahil sa sobrang pagod ng aking katawan at ng aking sarili. Hindi ko namalayan na napasarap pala ang aking tulog at nagising na lang ako na umaga na kaya mabilis akong bumangon sa aking kama at pumunta sa may shower room upang makaligo na at makapag ayos sa aking sarili dahil kanina pa ako nagugutom. Pagkatapos kong makaligo at mag ayos sa aking sarili ay lumabas na ako sa aking kwarto at naglakad na para makababa at makapunta sa may dining area para kumain. Nang makababa na ako sa may hagdanan ay natigilan ako sa aking paglalakad nang makita ko kung sino ang pumasok sa aming bahay ngayon. Napalunok ako sa aking laway at hindi mapigilan na kabahan. Nakasuot siya ngayon ng business suit at nakaayos din ang kanyang buhok at hindi ko mapigilan na kabahan talaga dahil nakaka-intimidate ang kanyang aura. Anong ginagawa niya rito sa bahay namin? “A-Anong ginagawa mo rito?” nauutal kong tanong sa kanya. Malamig niya akong tinignan at akala ko ay hindi niya ako papansinin pero sinagot niya pa rin ang aking katanungan. “Your dad wants to talk to me, so I’m here,” sagot niya sa aking tanong at nilagpasan na ako at nagsimula nang maglakad para makapunta sa office ni Dad. Hindi ko mapigilan na magtaka dahil parang na ko-kontrol ni Dad si Adler. Ang alam ko noon galing sa secretary ko ay masyadong mapili si Adler sa mga ka-meeting niya at siya rin palagi ang nasusunod. Naging hobby ko na rin kasi noon na alamin ang mga iba’t ibang personalidad sa business world dahil ako na ang namamahala sa aming kompanya at gusto ko rin na malaman ang mga backgrounds. Napailing na lang ako at nagsimula na ulit na maglakad papunta sa may dining area. Sana naman ang pag usapan nila ngayon ni Adler at Dad ay ang hindi pagtutuloy sa kasal na mangyayari sa aming dalawa. Alam ko na ayaw ni Adler na makasal sa akin at makapangyarihan siyang tao at madaling nasisilaw si Dad sa pera at alam kong magagawan ng paraan ni Adler na hindi matuloy ang kasal naming dalawa. Sana… sana. Alam ko naman na magagawan ng paraan ito ni Adler. Sa ngayon ay mag titiwala na muna ako kay Adler dahil pareho naman kami ng gustong mangyari, e—ang hindi matuloy ang aming kasal. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD