EPISODE 6
ENEMIES
LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW.
“Weirdo, stop moaning! Wake up! You’re having wet dreams!”
Atomatiko akong napamulat sa aking mga mata nang marinig ko ang malakas na boses na iyon. Nagulat ako nang makita kong nasa unfamiliar room ako pero parang napuntahan ko na ito last time, feeling ko lang iyon? Nasaan ba ako at bakit ang sakit ng aking ulo?
Napahawak ako sa aking ulo at bahagya kong hinilot ang aking sentido. Anong nangyari? Nabagok ba ako? Napatingin ako sa aking sarili at nakita kong kompleto naman ang aking suot at hindi masakit ang aking katawan, ang ulo ko lang talaga.
“Weirdo!”
“Ano ba?!” sigaw ko pabalik sa kanina pa sumisigaw nang weirdo.
Napatingin naman ako rito at muntikan na akong mahulog sa kama nang makita kong nakatayo sa hindi kalayuan si Adler habang ang nag iisang nakatakip lang sa kanyang hubad na katawan ay towel na nakapalibot sa may beywang niya. Anong ginagawa niya rito? At… at bakit ang perfect naman masyado ng abs niya sa may tiyan? At may tattoo pala siya sa gilid ng tummy niya? Wow. Ang ganda pala ng katawan ng demonyong ito.
“Stop drooling over me, weirdo!”
Napakurap ako sa aking mga mata nang muli na naman niya akong tinawag na weirdo. Tinignan ko siya ng masama at umalis na rin ako sa aking hinihigaan na kama kanina. Ngayon ko lang napagtanto na nandito pala ako sa loob ng kanyang kwarto. Kaya pala nasabi ko kanina na parang nakapunta na ako rito kahit unfamiliar pa rin ang paligid, dito nga pala nangyari ang dapat hindi nangyari. Damn.
“Stop calling me weirdo, freak! Anong ginawa mo sa akin, ah?! Bakit ako napunta rito sa kwarto mo?! Pinagsamantalahan mo ang kahinaan ko?! Ang kapal nang mukha mo!” naiiyak kong sabi at niyakap ko ang aking sarili habang nakatingin pa rin ng masama sa kanya.
Nameywang siya sa aking harapan at mas lalo pang nabalandra ang kanyang abs kaya mabilis akong umiwas ng tingin doon at pinilit ko talaga na hindi ako mapatingin sa may baba dahil… dahil delikado!
“Na ah! It must be, what did you do to me, Miss Montenegro. Baka nakalimutan mo na ako ang pinagsamantalahan mo kagabi!”
Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi.
“H-Huh? No! Anong pinagsasabi mo diyan, freak?! Wala akong ginawang—”
“Let’s kiss, Prince charming,” mapang-akit kong sabi sa kanya nang hindi na niya ako hinalikan pabalik at bahagya niyang inilayo ang mukha ko sa mukha niya.
“Stop, weirdo! You’re drunk! Iuuwi na kita sa inyo,” sabi niya at naramdaman ko na binuhat niya ako kaya muli na namang umikot ang mundo ko.
“Prince charming, huwag mo akong iuwi sa amin! Baka makita tayong dalawa ni Daddy!” naiiyak kong sabi habang nakapikit pa rin sa aking mga mata.
“Yeah. Hindi kita iuuwi sa inyo dahil sigurado akong wala na akong takas kapag nakita tayo ng ama mo na magkasama. Ayoko rin makasal sa ‘yo, weirdo,” rinig kong sabi niya pero hindi ko na ito pinansin dahil inaantok na ako at umiikot ang aking paningin.
Makalipas ang ilang minuto ay naramdaman kong ibinaba na ako ni prince charming at nang mapamulat ako sa aking mga mata ay nakita kong nasa loob na ako ng isang sasakyan at nakita ko rin na papasok na sa loob si Prince charming. Nang makapasok na siya sa loob ay agad akong lumapit sa kanya at hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at sinunggaban siya ng isang malalim at mainit na halik. Nang maramdaman mo na bahagyang napaawang ang kanyang labi ay agad kong ipinasok ang aking dila. Umupo ako sa kanyang kandungan at bahagya akong gumiling at dinikit ko ang aking katawan sa kanyang katawan para maramdaman niya na nag iinit na ako ngayon.
“F*ck! You little weirdo! Stop what you’re doing!” rinig kong sabi ni prince charming nang mapababa ang halik ko sa may leeg niya at agad ko rin na binuksan ang butones ng kanyang suot na long sleeve polo at bumaba ang aking halik papunta sa kanyan dibdib.
“Ah!” he groaned.
Hindi ko mapigilan na mapangisi at pinagpatuloy ang aking ginagawa. Bumaba naman ang aking mga kamay papunta sa may gitna niya at binuksan ko ang kanyang belt na suot para mabuksan ko ang suot niyang pantalon.
“F*ck! Stop, Montenegro!” galit niyang sabi at inalis niya ang aking kamay na nakahawak sa kanyang belt kaya wala na akong magawa kundi tinigilan siya roon.
Muli ko na lang siyang hinalikan sa kanyang labi at mabilis niya rin akong hinalikan pabalik. Muling bumalik ang aking halik papunta sa kanyang leeg at dinilaan ko rin ang likod sa kanyang tainga kaya muli kong narinig ang mahina niyang pag ungol. Makalipas ang ilang segundo habang hinahalikan siya sa kanyang leeg ay agad akong dinalaw ng aking antok kaya napasandal na ako sa kanyang balikat at hindi ko na natandaan ang sunod pang nangyari.
Napatakip ako sa aking bibig nang maalala ko lahat nang nangyari kagabi. Galit na galit ako kay Daddy at gusto ko munang makalimutan ang lahat ng mga problema ko kaya napagpasyahan ko na munang pumunta sa isang bar at napagpasyahan na maglasing mag isa kahit isinumpa ko na noong mga nakaraang araw ang mga alak. Mabilis akong nalasing at naisipan kong pumunta sa may dance floor upang mag sayaw sana pero… pero may nakabangga akong isang lalaki at nang tignan ko ito ay isa itong napakapoging lalaki at hindi ko maialis ang aking paningin sa kanya kaya ko siya tinawag na prince charming dahil muntik na akong matumba pero mabilis niya akong nahawakan. s**t! Si Adler ang lalaking ‘yon? Bakit… bakit hindi ko kaagad siya namukhaan? O namukhaan ko siya pero binalewala ko lang ito? AHHH! OMG!
“So you remember, huh?”
Muli akong napatingin sa kanya at nakita ko siyang nakahalukipkip na ngayon habang nakangisi na nakatingin sa akin.
“You are the one who did something to me, weirdo. Kung tutuusin nga ay pwede kitang ipakulong sa ginawa mo sa akin kagabi dahil pinapatigil na kita pero hindi ka pa rin nakinig sa akin. Now, tell me, sino ang makapal ang mukha sa ating dalawa, hmmm?”
Nakakurap ako sa aking mga mata at napalunok din ako sa aking laway nang wala sa oras. Ang lakas ng t***k ng aking puso dahil hindi ako makapaniwala na nagawa ko lahat ng iyon kagabi. Ako ba talaga ‘yon? Baka hindi? Hindi ko ‘yon magagawa!
“L-Lasing ako kagabi! Hindi ko alam ang mga ginagawa ko! H-Hindi ako ganung klase na tao dahil mabait ako!” pagtatanggol ko sa aking sarili.
Ngumisi siya at bahagyang napayuko at nakita ko na lang na bahagyang gumagalaw ang kanyang balikat at narinig ko ang mahina niyang pag tawa. Pinagtatawanan ba ako ng lalaking ‘to!”
“Stop making fun of me, freak!” inis kong sabi sa kanya.
Muli siyang nag angat ng tingin sa akin at ngayon ay nakita kong nag iba na ang ekspresyon sa kanyang mukha at sumeryoso na ito. Wow! Ang bilis mag palit ng ekspresyon sa mukha, a?
“I don’t want to get married to you,” malamig niyang sabi.
Tinaasan ko siya ng kilay at hindi rin ako nagpatinag sa kanya.
“Mas lalong ako! Ayokong makasal sa ‘yo!” inis kong sabi.
Nakakairita ang pagmumukha niya. Hindi pa ba siya magbibihis? Kanina pa siya nakahubad ah?!
“Ah, really? Hindi ko nakalimutan iyong gabi na sumugod ka rito sa condo unit ko at agad mo akong sinalubong ng isang halik nang buksan ko ang aking pintuan. Baka nakalimutan mo lang naman, gusto ko lang ipaalala sa ‘yo,” nakangisi niyang sabi sa akin.
Napakagat ako sa aking labi at naramdaman ko na nag init na rin ang aking buong mukha dahil sa sobrang hiya.
“S-Shut up!” inis kong sabi at patakbo akong pumunta sa may pintuan ng kanyang kwarto at binuksan ko ito upang makalabas. Muli akong napatigil sa aking pag hakbang nang maalala kong hindi ko nga pala ang aking bag kaya kahit labag man sa aking kalooban ay muli akong bumalik sa loob ng kanyang kwarto.
Nang makapasok ulit ako sa loob ng kwarto ni Adler ay muntik na akong atakihin sa puso nang makita ko siyang nakahubad at kitang-kita ko na ngayon ang matambok at makinis niyang pwetan.
“AHHH!” malakas kong tili at mabilis napatalikod habang nakatakip sa aking buong mukha. Para akong hihimatayin sa gulat sa aking nakita. Buti na lang talaga at nakatalikod si Adler sa akin pagbukas ko sa pintuan dahil siguro kapag nakaharap siya kanina ay baka tuluyan na talaga akong mahimatay.
“Akala ko ba umalis ka na? What do you want, weirdo?” rinig niyang tanong sa akin.
Napalunok naman ako sa aking laway.
“B-Bag… my bag! Give me my bag!” nauutal at natataranta kong sabi sa kanya.
Narinig ko ang kanyang pag buntong hininga at ang kanyang mga galaw. Kinukuha niya na ba ang bag ko? Natatakot kasi akong humarap sa kanya at baka pag harap ko ay nakahubad pa rin pala siya.
Naramdaman ko na may tumama sa may balikat ko at nakita ko na ang bag ko pala ito kaya mabilis ko itong kinuha at lumabas na sa kanyang kwarto. Bago ako tuluyan na makaalis ay narinig ko siyang sumigaw.
“Wow! You’re welcome, weirdo!” sigaw niya.
“Thanks!” sigaw ko pabalik at nagmadali nang lumabas sa kanyang condo unit kahit hindi na maitura ang aking pagmumukha at sabog na sabog pa ako.
Kailangan ko munang makaalis dito at makauwi. Baka nagtataka na sila Mom at Dad kung bakit hindi ako umuwi at lowbat din ang aking phone. Ayoko naman na magalit sila sa akin.
Argh! Bakit si Adler pa? I really hate that man! Hinding-hindi talaga ako papayag na makasal ako sa kanya. Feeling pogi siya, mayabang at pangit! Gagawin ko ang lahat at ipipilit ko pa na hindi ako makasal sa kanya. NO WAY, HIGH WAY!
HINDI AKO MAGPAPAKASAL SA FREAK NA IYON!
TO BE CONTINUED...