EPISODE 10
ANGER
LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW.
F-CK HIM! I HATE HIM TO THE BONES! Akala niya matatakot na niya ako sa sinabi niya sa akin?! W-Well… a little bit—pero hindi ako magpapadala sa kanya! Kung wala na talaga akong kawala kay Adler, I’ll accept it at gagawin ko ang lahat para hindi ako mag mukhang kawawa. I am the President of Montenegro Company and I’m a strong woman. Hindi niya kaagad ako mapapatumba kung ano man ang kanyang pina-plano. But now, I want to be alone. Ayokong lumabas sa aking kwarto at gusto ko lang magmukmok dito sa loob. Ayokong makita nila na mahina rin ako at umiiyak. Hindi ko ipapakita ang ganitong side ko dahil alam ko na kapag nalaman nila na mahina rin ako, gagawin nila ang lahat para lang saktan ako.
Nakaupo ako ngayon sa aking kama at nakasandal sa headboard at nakapikit sa aking mga mata. Kanina pa ako umiiyak at ngayon ay wala nang luha na pumapatak sa aking mga mata, naubos na siguro kanina.
Natigilan ako sa aking pananahimik at napamulat sa aking mga mata nang marinig ko na may kumatok sa aking kwarto. Hindi ako nag abala na tumayo upang buksan ko ito. Seryoso ako sa sinabi ko na gusto ko munang mapag isa ngayon dahil ubos na ang aking energy. Hinintay ko na magsalita ang tao na kumatok sa labas ng aking kwarto. Siguro ay nasa kay Mom or Isabelle ang kumakatok ngayon dahil kanina pa ako hindi lumalabas sa aking kwarto at nagpapadala na lang ako ng pagkain dito kapag nakaramdam ako ng gutom at uhaw.
“Ate, natutulog ka pa rin ba?”
Oh. It’s Isabelle.
Hindi ako sumagot. Pinili kong ipinikit ulit ang aking mga mata at nakinig kung ano ang susunod na sasabihin ng aking kapatid. Ngayon ko lang naalala na bukas na pala ang kasal niya, ang bilis ng panahon. Hindi ko akalain na hindi ko napigilan ang kasal ni Isabelle, hindi ako akalain na wala man lang akong nagawa para hindi ito matuloy at mas lalo ko pa itong pinalala dahil ikakasal na rin ako kay Adler. Bakit ba ang tanga at ang bobo ko? Kung pwede lang sanang maibalik ang panahon ay matagal ko na itong ginawa.
Narinig ko na muling nagsalit si Isabelle kaya tahimik lang akong nakinig dito sa loob ng aking kwarto.
“Ate, alam kong may problema ka rin ngayon at alam ko rin na ayaw mo itong malaman at ipakita ng ibang tao. Lagi mong tatandaan na kahit anong mangyari ay nandito lang ako para sa ‘yo, nandito pa rin ang kapatid mo para samahan at alalayan ka. If you need help, call me please. Sana makapunta ka rin sa kasal ko, Ate. I need you to be there. I love you forever.”
Hindi ko na napigilan ang aking sarili na mapaiyak sa sinabi ng aking kapatid. Napatakip ako sa aking mukha at mahinang humikbi. Minsan ay mapapakwestyon ako kung bakit ako binigyan ng ganitong buhay. Mabait naman ako—wala akong ginawang kasalanan kahit kailan sa buong buhay ko. Sinusunod ko palagi ang mga utos ng aking mga magulang lalo na ang mga utos ni Dad sa akin. I gave up my own dream just to satisfy him and to be worthy in his eyes. Pero bakit? Bakit kahit anong gawin ko ay hindi pa rin ako nabibigyan ng pagkakataon na maging masaya? Naging masamang tao ba ako sa other life ko kaya ako pinaparusahan ngayon sa aking pagkatao bilang Lara Laureen Montenegro? I hate this, I hate my life.
“F-CK.”
Napahawak ako sa aking ulo nang makaramdam ako na bigla itong kumirot. Wala akong nagawa kundi ang tumayo at umalis sa aking kama. Kinuha ko ang aking gamot at mabilis itong ininom. Nang mainom ko ito ay muli na naman akong naiyak dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nilalayuan ng nakaraan.
Five years ago ay punong-puno na ako kay Dad dahil ayaw niya akong payagan na mga aral ulit at susundin ko na ang aking gusto pero kahit anong gawin ko ay wala pa rin, ayaw pa rin ni daddy. Galit na galit ako sa mga magulang ko nun kaya tinawagan ko ang kaisa-isa kong kaibigan na si Steven at tumakas kaming dalawa. Dahil gusto kong mag rebelde sa unang beses, pinayagan niya ako na ako ang mag drive sa kanyang sasakyan. Nag road trip kaming dalawa ni Steven at hindi namin alam kung saan kami pupunta, ang alam lang namin ay nagsasaya kaming dalawa. Iyon din ang unang beses ko na uminom ng alak, uminom ako ng alak kahit nag da-drive ako ng sasakyan. Lasing na kaming dalawa ni Steven pero ako ay kaya ko pa rin na mag drive pero may biglang nangyari, nahilo ako bigla at hindi ko namalayan na may nasagasaan na pala kaming sasakyan. Na aksidente kami ni Steven at sa kasamaang palad ay ako iyong malala ang natamo. Every week akong nagpapa checkup sa aking doctor dahil minsan ay sumasakit ang aking ulo. Dala-dala ko na ata ito hanggang sa pag tanda at ito ang resulta ng aking pag re-rebelde noon. Walang kaalam-alam ang mga magulang ko sa nangyari at pati na rin si Isabelle, kami lang ni Steven.
Nang dahil sa nangyari sa akin ay na-realize ko na kahit anong gawin ko ay hindi pa rin ako magiging masaya sa aking buhay. Siguro kailangan ko na lang tanggapin kung ano ang binigay sa akin kahit na nasasakal na ako. Kailangan ko na siguro talagang sanayin ang aking sarili dahil hanggang pagtanda ko ay ganito ang aking buhay.
KASAL na ang aking kapatid kay Luke Archer Coleman. Ang venue ng kanilang kasal ay sa private resort ng mga Coleman. Gusto sana ni Tita Rachel na sa simbahan ikasal sila Isabelle a ang kanyang anak pero mas gusto ng aking kapatid na maging pribado lang ang kanilang kasal ni Luke at wala na rin silang nagawa dahil ito ang gusto ng aking kapatid. Ako ang nag ayos sa aking kapatid na si Isabelle at ako na rin ang naging maid of honor niya. Habang pinagmamasdan ko ang aking kapatid sa kanyang kasal ay hindi ko mapigilan na maiyak dahil hindi ako makapaniwala na may asawa na ang kapatid ko, ang kapatid ko na aking pinakamamahal at pinakaiingat ko nang sobra. Masaya naman ako dahil habang tinitignan ko ang kanyang asawa na si Luke ay nakikita kong gusto niya ang aking kapatid at mabait din siyang lalaki, alam ko na hindi niya pababayaan ang kapatid ko.
Pagkatapos ng kasal ni Isabelle ay umalis na rin siya sa aming bahay dahil magsasama na sila ni Luke. Habang kayapan ko si Isabelle ay hindi ko mapigilan na maiyak dahil wala na akong kakampi sa aming bahay, pero para sa aming dalawa ay magiging matatag ako.
“Dahil tapos nang ikasal ang aking bunsong anak ay pwedeng-pwede na nating umpisahan ang pagpa-plano sa engrandeng kasal ng aking paboritong anak na si Lara,” nakangiting sabi ni Dad.
Tahimik lang ako rito sa aking kinauupuan at hindi ko magawang tumingin sa lalaking nakaupo kaharap ko ngayon. Nandito kami sa office ni Dad dahil pinatawag niya ako at hindi ko akalain na nasa loob na rin pala si Adler at mukhang pati siya at pinapunta rin ni Dad dito sa aming kompanya.
“Anak, mag hire ka na ng wedding coordinator at gusto ko na bongga ang iyong kasal at lahat ng mga kakilala natin dito sa business world ay imbitado! Dapat din invited ang pridente ng Pilipinas at isama mo na rin sa list si Raoul Villa dahil kaibigan ko iyon at alam kong dadalhin niya rin ang mga kaibigan niya sa senado,” nakangiting sabi ni Dad na mukhang excited na sa mangyayaring kasal namin ni Adler.
Hindi ko magawang ngumiti ngayon at magpaka-plastik sa mga nangyayari. Bagong kasal lang ang kapatid ko at lumipat na siya ng bahay, hindi ko pa ata kaya na harapin itong sarili kong problema… ang kasal namin ni Adler.
“Mr. Montenegro.”
Pareho kaming napatingin ni Dad kay Adler nang mag salita ito, kanina pa kasi siya tahimik na mukhang may malalim siyang iniisip. Nakita ko naman na bahagyang nataranta si Dad pero agad niya rin itong naitago sa kanyang ekspresyon sa mukha.
“Ano iyon, Hijo?”
“I don’t want to have a grand wedding. I hate it,” malamig niyang sabi.
Hindi ko mapigilan na mapataas sa aking kilay nang sabihin niya iyon.
Tinignan ko ang reaskyon ni Dad sa sinabi ni Adler at nakita ko sa kanyang eskpresyon ang gulat.
“H-Hijo, bakit? Hindi pwedeng hindi engrande ang kasal ng paborito kong anak! Kaya kung gumastos ng malaking pera para lang masabi sa buong mundo na ikakasal na ang aking anak!”
Hindi ko mapigilan na mapayuko nang sabihin iyon ni Dad. Paborito niya lang akong anak dahil ako ang napapakinabangan niya sa kanyang negosyo. Nasabi niya lang na paborito niya ako dahil wala na siyang iba pang anak bukod sa aming dalawa ni Isabelle. Gusto niya lang na magkaroon ako ng isang engrandeng kasal dahil gusto niyang magmayabang, hindi dahil mahal niya ako.
“What if I don’t want to have a grand wedding with your daughter, sir? What will you do?” bakas sa boses ni Adler ang pangungutya niya kay Dad at nakatingin din siya rito habang nakataas ang isang kilay.
Kitang-kita ko ang pagpipigil ni Dad sa kanyang galit at nagulat na lang ako nang ngumiti siya at hindi na nakipag sagutan kay Adler.
“S-Sure, Hijo. Kung ano ang iyong gusto—doon na rin kami. Diba, anak?”
Bahagya akong napatalon sa gulat nang malipat na sa akin ang kanilang atensyon. Nakita ko ang matalim na tingin sa akin ni Adler at hindi ko ito sinalubong dahil baka matunaw ako sa uri ng kanyang pagtitig sa akin.
“K-Kahit ano po, Dad, okay lang po sa akin,” mahina kong sabi at bahagyang ngumiti.
Tumango naman si Daddy at ngumiti rin pabalik.
Natapos na ang aming pag uusap at agad din akong nag paalam at lumabas sa opisina ni Dad. Nang makalabas na ako ay mabilis ang aking pag hakbang sa aking mga paa paalis dahil ayokong makasabay si Adler….
… pero kahit ano pala ang gawin ko ay hindi ko pa rin siya matatakasan.
Pasarado na sana ang sinasakyan ko na elevator pero mabilis itong napigilan ni Adler at pumasok siya sa loob. Umatras ako at hindi ako dumikit sa kanya. Tahimik lang din si Adler at ang kanyang dalawang kamay ay nakatago sa loob ng bulsa ng kanyang suot na pants. Seryoso ang kanyang mukha habang nakatingin sa harapan at kahit hindi siya nagsasalita ay lumalabas pa rin talaga ang kakaiba niyang aura.
“Do you want a grand wedding?”
Napakurap ako sa aking mga mata at napatingin kay Adler nang magsalita ito. Nakatingin siya sa akin habang nakataas ang isang kilay.
Matapang akong umiling at sinagot ang kanyang tanong.
“Hindi. Ayoko naman na makasal sa ‘yo,” malamig kong sabi.
Mahina siyang tumawa at tumango.
“Okay. Bukas na pala tayo ikakasal.”
Nanlaki ang aking mga mata at mabilis na lumapit sa kanya at hinawakan ko ang kanyang suot na coat at pinaharap siya sa akin.
“W-What did you say?! B-Bukas? Nababaliw ka na ba?!”
Muli siyang ngumisi at marahas niyang inalis ang mga kamay ko na nakahawak sa kanyang suot na coat at inayos niya ito habang malamig na nakatingin sa akin.
“That’s your Dad’s decision, Lara. Your company needs me. Nakikita ko sa ama mo na uhaw na uhaw talaga siya sa pera. Kawawa naman kayo ng kapatid mo, ginagamit niya lang kayo,” mapang-asar niyang sabi.
Hindi ko na napigilan ang aking sarili na sampalin siya ng malakas sa kanyang mukha. Napahawak siya sa kanyang pisngi at muling humarap sa akin habang nakangisi pa rin.
“Wala kang karapatan na sabihin iyan sa akin dahil wala kang alam!”
Mahigpit niyang hinawakan ang aking braso at hindi ko mapigilan na mapadaing dahil masyadong mahigpit ang kanyang pagkakahawak sa akin. Ramdam na ramdam ko ang kanyang matinding galit.
“I will make your life miserable, Lara. You don’t know how much damage you’ve done because of your stupidity. You already crossed the line, Lara Montenegro. You can never escape from me. You will live in hell with me.”
TO BE CONTINUED...