EPISODE 55 ANNIVERSARY GIFT WARNING: RATED SPG. READ YOUR OWN RISK LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW. “Please come to the address that I’ve sent to you, Adler. I have something to show you,” tawag ko sa aking asawa nang mag-text siya sa akin kung nasaan ako. Maaga kasi akong umalis sa bahay at hindi rin ako pumasok sa trabaho para hindi kami magkita ni Adler. Inutusan ko rin si Inday na sabihin kay Adler na maghintay lang ito sa tawag ko at siguro ay alam na niya kung bakit ko ginagawa ito ngayon. “Okay. I’ll be there in an hour.” Pinatay ko na kaagad ang tawag at mabilis akong naghanda sa aking sarili. Kanina pa ako rito sa royal suite na pina-reserved ko kahapon at nakahanda na rin ang lahat. Sa may living room area ay may nakalagay na roon na isang round table at may dalawa na upuan