EPISODE 56 HOSPITAL LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW. “Ahem, mukhang good mood si Princess Lara ngayon, ah? Feeling ko talaga nadiligan ‘to kagabi, eh.” Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong ice coffee nang sabihin iyon ni Steven. Pinanlakihan ko siya ng aking mga mata at napatingin ako sa paligid dahil baka may nakarinig sa kanyang sinabi, nakakahiya kaya! “Steven! What the f*ck?” Tumawa naman siya at nag-peace sign sa akin. Bahagyang lumapit sa akin si Steven habang may ngisi pa rin sa kanyang mukha. Minsan nakakabwesit din ang isang ‘to, eh. Pasalamat na lang talaga siya at mahal ko siya. “Ano na nga, ginawa mo ba ‘yung suggestion ko sa ‘yo para do’n sa anniversary ninyo ni Damon?” pangungulit sa akin ni Steven. Hindi ko sana kikitain ngayon si Steven dahil busy ako sa trabaho ko