EPISODE 54 ANNIVERSARY PLAN LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW. DALAWANG TAON na kaming nagsasama ni Adler at anniversary namin ngayon. No’ng unang taon namin ay dinala ako ni Adler sa Hawaii at nagbakasyon kami ro’n in three days at syempre naglaro rin si Adler doon ng surfing. Bukas ay ang 2nd wedding anniversary na namin ni Adler. Ang daming nangyari sa amin sa loob ng dalawang taon. Naging mas matatag ang relasyon namin ni Adler at hindi pa rin talaga maiwasan ang mga away at selosan pero kaagad din naman namin itong nasusulosyunan at masaya ako dahil nakikita ko talaga ang progress ng relasyon naming dalawa. Sa pamilya ko naman ay walang pinagbago, nakikialam pa rin sa buhay ko si Dad pero pinababayaan ko na lang ito dahil matanda na siya at nakikita ko rin ang kanyang panghihina. Si