EPISODE 5
PRINCE CHARMING
LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW.
“Hindi ko nagustuhan ang ginawa mo, Lara. Isang malaking kahihiyan kapag nalaman ng mga tao ang ginawa mo, pero hindi ko akalain na iyang pagpasaway mo ang nag bigay nang daan sa ating kompanya na mas lumago pa.”
Nag angat ako ng tingin nang sabihin iyon ni Daddy. Nakita ko siyang ngumisi habang nakatingin sa akin na para bang may masama siyang binabalak.
“Alam kong kilala mo si Damon Adler Miller at hindi lang siya nagmamay-ari ng mga hotels and casinos dito sa buong Pilipinas, maraami rin siyang mga properties sa iba’t ibang lugar, may malaking farm sa probinsya at malayong kamag-anak siya ng Spanish royal family. Gusto ko sanang humingi ng tawad kung napagbuhatan kita ng kamay nang araw na iyon, Anak. Alam mo naman na concern lnag ako sa ‘yo, diba? Ayaw ko lang na mapunta ka sa taong hindi naman karapatdapat sa ‘yo, hindi kasing yaman natin. Pero dahil si Damon ang lalaking nakasama mo no’n, ay hindi na kita pagagalitan at hindi ako tutol sa inyong dalawa,” malumanay na sabi ni Daddy habang nakangiti sa akin.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mas lalong malulungkot sa kanyang sinabi. Halata naman na wala talagang pakialam sa akin si Daddy at mas may pakialam lang siya sa negosyo namin. Paano na lang kaya kung hindi si Adler iyong nakasama ko nang araw na iyon at hindi mayaman? Siguro ay kanina pa ako bugbog sarado at hanggang ngayon ay galit pa rin si Dad sa akin.
Isang maliit na ngiti na lang ang isinagot ko sa sinabi ni Dad dahil hindi ko alam ang aking sasabihin at natatakot din ako na baka may masabi akong masama kay Dad at hindi ko mapigilan ang aking saili.
“Bago kayo ikasal ni Damon ay una munang ikakasal ang kapatid mo kay Luke Coleman.”
Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ni Daddy. Tuloy pa rin pala ang kasal na pina-plano niya sa kapatid ko?
“D-Dad, hindi ba pwedeng huwag niyo na lang ipakasal si Isabelle? P-Pwede ako na lang? Mayaman naman si Adler at kayang-kaya nang umangat pa lalo ang kompanya natin kapag ikinasal na ako kay Adler,” sabi ko sa kanya.
Alam kong naging palpak ang naging plano ko at mas lumala pa lalo ang aming problema ng aking kapatid. Pero pwede ko naman ata na magawan ng paraan diba? Oo, mayaman nga ang mga Coleman pero mayaman din naman si Adler at kayang kaya niya mag handle ng business at magaling siya mag manipula ng mga tao at mga kalaban kaya palagi siyang nasa itaas dahil ginagamit niya ang pagiging demonyo niya at wala siyang puso, ayan ang naririnig ng mga empleyado ko noon tungkol sa kanya. Kahit na ayaw na ayaw ko kay Adler ay kaya kong isakripisyo ang aking sariling kasiyahan at kalayaan para lang hindi matuloy ang kasal ng aking kapatid na si Isabelle sa lalaking hindi niya naman kakilala. Ayokong maghirap ang kapatid ko at gusto ko pa na ako nag maghirap kaisa makita ko siyang maghirap dahil hindi ko kayang makita na ganun siya.
“D-Dad, ako na lang po ang ipaksal ninyo at layuan niyo na si Isabelle. Huwag niyo na pong pakialaman ang buhay niya at hayaan niyo siya na matupad ang kanyang mga pangarap,” nagmamakaawa kong sabi sa aking ama.
I can sacrifice everything for my little sister at ganun ko siya kamahal. Kami na lang ang nagmamahalan dito sa aming bahay ni Isabelle dahil hindi namin ramdam ang pagmamahal galing sa aming mga magulang. My parents are a product of forced and arranged marriage. Hindi ginusto ni Dad na makasal siya sa aking ina and my mom was obsessed of my dad and she did everything para lang makasal ito sa kanya at nanyari nga. Nakasal silang dalawa at ang naging bunga sa toxic at unhealthy marriage nila ay kaming dalawa ni Isabelle.
Tumawa si Daddy kaya natigilan ako at bahagyang nagulat dahil sa kanyang pag tawa. May nakakatawa ba? Wala naman akong sinabi na nakakatawa.
“Oh, Lara! Alam ko kung ano ang ginagawa mo ngayon. Kahit anong gawin mo ay hindi mo na maililigtas si Isabelle. Hindi ko pwedeng bitawan ang mga Coleman dahil malaking tulong din sila sa negosyo natin at kaibigan ko si Anderson. Kung pwede nga lang na dalawa ang makasal sa ‘yo ay gusto ko rin na sa ‘yo maikasal si Luke,” sabi ni Dad.
Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi at hindi ako mapaniwala na kaya niya iyong sabihin sa sarili niyang anak. Wala na ba talaga siyang pagmamahal kahit one percent man lang para sa akin? Sino ang matinong magulang na sasabihin iyon sa anak niya? Para na akong binubugaw ni Dad at nasasaktan ako.
Nang hindi ko na nakayanan ay napatayo na ako kaya ang kanina na nakangisi na ekspresyon sa mukha ni Dad ay nawala at napalitan ito ng simangot habang nakatingin sa akin.
“Where are you going? Kinakausap pa kita,” malamig na sabi ni Dad. Kinakabahan man ako sa tono ng boses ni Dad pero hindi ko ito pinansin at pinalakas ko rin ang aking loob.
Bahagya akong ngumiti sa kanya at nagdahilan para makaalis ako rito sa kanyang opisina na nasa loob ng aming bahay.
“May dinner meeting nga pala ako ngayon, Dad. Ngayon ko lang natandaan at late na pala ako,” sabi ko sa kanya at kunwari akong nagmamadali at napatingin din ako sa aking suot na relo.
Nagsalubong ang mga kilay ni Daddy habang nakatingin sa akin pero makalipas ang ilang segundo ay tumango na rin siya at pinayagan akong makaalis at makalabas na sa kanyang opisina. Nang makalabas na ako sa opisina ni Dad ay nakahinga na ako ng maginhawa at napahawak din ako sa aking dibdib habang naglalakad paalis. Nakasalubong ko si Mom sa may hagdan at paakyat siya ngayon at alam kong papunta siya sa office ni Dad dahil may dala siyang isang tasa ng kape.
“Anak, aalis ka ba? Nagpaluto ako ng paborito ninyong pagkain ni Isabelle. Pauwi na rin iyong kapatid mo ngayon, e,” sabi ni Mom.
Ngumiti ako sa kanya at lumapit upang mahalikan siya sa kanyang pisngi.
“Sorry, Mom, may dinner meeting kasi ako ngayon kaya hindi ako makakasama mamaya sa dinner ng family. Alis na po ako!” nagpaalam na ako kay Mom at agad na lumabas sa aming bahay at sumakay sa aking sariling sasakyan at umalis.
Alam ko na sinumpa ko na ang alak pero kailangan ko siya ngayon. Kailangan ko munang mag lasing at gusto kong makalimutan muna ang mga problema ko sa buhay. Nag simula na akong mag drive at pumunta ako sa bar na alam kong pwede akong makapaglasing kung kailan ko gusto at walang mangingialam sa akin.
Alas otso na ng gabi at alam ko na masyado pang maaga para sa party pero pumasok na ako kagad sa loob ng bar para makapag order ng mga alak na iinumin ko dahil seryoso ako sa aking sarili na maglalasing talaga ako. Mag isa lang ako sa table na inupuan ko at maraming alak na nakakalat sa aking harapan at mamimili lang ako kung ano ang iinumin ko. Bago ako tuluyang mag lasing ay umiyak na muna ako at nag drama nang isa at kalahating oras at pagkatapos nun ay nagsimula na akong uminom nang umiyak at hindi na rin ako nakakapag isip ng tama.
Naranig ko ang malakas na tugtog dito sa loob ng bar at alam kong nagsisimula na ang party. Muli akong nag lagay ng alak sa aking baso at muntik ko pa itong maitapon dahil nanghihina na ang aking katawan sa sobrang kalasingan. Pagkatapos kong inumin ito ay napagpasyahan ko nang tumayo at naglakad papunta sa may dance floor para makapagsayaw at makapag enjoy. Bago ako makarating sa may dance floor ay may nakabangga ako at muntik na rin akong matumba dahil umiikot na ang aking paligid at buti na lang at nahawakan niya ako sa aking beywang kaya hindi ako tuluyan na natumba.
Napahagikhik naman ako dahil nakaramdam ako ng kilig. Siya na ba ang lalaking para sa akin? itatanan niya ba ako? Kung oo man, ready na ready na akong umalis kasama siya at magpakalayo-layo! Wala akong pakialam kung unang beses naming nag kita ngayon pero agad din akong na love at first sight dahil tinulungan niya ako.
Napahawak ako sa kanyang balikat at tumingin ako sa kanya at ngumiti.
“Hi,” pa-cute kong sabi.
Nakita kong kumunot ang kanyang noo habang nakatingjn sa akin.
“Are you stalking me, weirdo?!”
Napasimangot ako nang magsungit siya bigla sa akin. Nakakatampo naman! Huwag niya akong sungitan dahil hindi ko naman siya sinusungitan ngayon, e.
Lumapit ako sa kanya at sumandal sa kanyang dibdib. Naramdaman kong natigilan siya sa aking ginawa at aakmang itutulak na niya ako palayo sa kanya nang mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakakapit sa kanya.
“Itakas mo na ako rito, prince charming. Sasama na ako sa ‘yo! Pakasalan mo na ako!” naiiyak kong sabi habang nakasiksik sa kanya.
“What the f*ck, Lara Montenegro?! Are you drunk?! Lumayo ka nga sa ‘kin!” pagalit niyang sigaw na para bang ayaw niyang mapadikit ako sa kanya. Ayaw ba sa akin ni Prince Charming? Hindi ba siya naaawa sa akin? Kailangan ko siya!
Umiling ako at tumingala sa kanya at pinakita ang aking malungkot na mukha. Maawa naman sana sa akin si prince charming. Ayokong makasal kay Adler dahil hindi kami magka wavelength! Malayong malayo ang personality niya sa akin at hinding hindi kami magkakasundo lalo na’t mabait ako tapos siya naman ay demonyo. Ayoko! Tatakas na ako at sasama ako rito kay prince charming!
“Please, prince charming! Ayokong makasal kay Adler! Ikaw ang gusto kong pakasalan,” umiiyak kong sabi habang nakapikit sa aking mga mata at nakasandal sa kanyang balikat.
Hindi nagsalita si prince charming kaya muli akong tumingala sa kanya at nakita ko siyang seryosong nakatingin sa akin. Ang pogi niya at nakakaakit halikan ang kanyang labi. Pwede kaya iyong hawakan at halikan?
Inangat ko ang aking kamay at idinikit ito sa kanyang labi at hinaplos ko rin ito. Nakita kong nagulat siya sa aking ginawa kaya mabilis niyang nahawakan ang aking kamay at inilayo ito sa kanyang labi.
“What the hell?!”
Napanguso ako habang nakatingin pa rin sa kanya.
“Pwede ko bang halikan ang labi mo?” mahina kong tanong habang nakatitig pa rin sa kanyang labi.
Napakurap sa kanyang mga mata si Prince Charming at hindi siya makapagsalita pero nakatingin lang din siya sa akin. Nang hindi ko na napigilan ang aking sarili ay kumapit na ako sa kanyang batok at bahagyang tumingkayad dahil masyado siyang matangkad at ako na ang humalik sa kanyang labi.
Damn!
Ang lambot ng kanyang labi. Parang… parang natikman ko na ito noon, a? Napailing ako sa aking isipan. No.
Iba si Prince charming sa lalaking iyon. Malayong malayo sila sa isa’t isa!
Nanlaki ang aking mga mata nang bigla niyang hapitin ang aking beywang palapit sa kanya at hinalikan niya ako pabalik at mas lalo pang pinalalim ang aming paghahalikan. Para na akong malulunod sa nararamdaman kong sensasyon kaya ipinikit ko na ang aking mga mata at nag focus sa pag hahahalikan naming dalawa ni Prince Charming.
TO BE CONTINUED...