EPISODE 4 - REALIZED

1301 Words
EPISODE 4 REALIZED LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW. “I-I need to talk to your boss. Umm… S-Steven Saavedra? Nasa office niya ba siya ngayon?” “Yes, Ma’am. Pwede ko bang malaman ang name ninyo para masabi ko kay Sir na gusto mo siyang kausapin?” “Ah, yes! Ummm. I-I’m Lara Laureen Montenegro. Paki sabi sa kanya na importante ang pag uusapan namin.” Agad namang tumango ang secretary ni Steven at pumasok sa office nito. Pinakalma ko muna ang aking sarili at pinigilan na hindi maiyak dahil nakakahiya kapag nakita ako ng mga empleyado rito ni Steven na umiiyak ako. Mamaya ko na lang ipapalabas ang totoo kong nararamdaman sa loob ng office ni Steven para siya lang ang makakita sa kahinaan ko. Makalipas ang ilang minuto ay muli kong nakitang lumabas ang secretary ni Steven at agad din akong umayos sa aking pag tayo at napahawak ako ng mahigpit sa aking dala na sling bag. Ngumiti ang secretary niya sa akin bago magsalita. “Pumasok na raw po kayo sa loob, Miss Montenegro. Free po ngayon si Sir at pwedeng-pwede niyo siyang kausapin,” sabi nito. Tumango naman ako at agad din na pumasok sa loob ng office ng aking kaibigan. Nang makapasok ako ay sinirado ko rin kaagad ang pintuan at hinarap ko na si Steven. Nakita kong nakasandal siya sa may table niya habang nakahalukipkip na nakatingin sa akin. Hindi ko na napigilan ang aking sarili na mapaiyak at patakbo akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Naramdaman ko na natigilan siya sa aking ginawa pero hindi niya naman ako itinulak pabalik. Tahimik akong umiyak habang yakap-yakap si Steven ngayon. Hindi siya nagsalita at pinakiramdaman niya lang ako. Makalipas ang ilang minuto ay ako na ang bumitaw sa yakap at bahagya rin akong napalayo sa kanya at pinunasan ko ang luhang pumatak sa aking mga mata. “What was that, Lara Laureen Montenegro? Don’t tell me….” Napahilamos ako sa aking mukha at malungkot akong tumingin kay Steven at huminga nang malalim. I’m so f-cked up! s**t! Ano ba ‘tong napasok ko? Napahawak siya sa kanyang ulo at napatalikod sa akin na para bang alam na niya ang ibig sabihin ng aking tingin sa kanya. Narinig ko ang mahina niyang pagmumura at muli siyang humarap sa akin. “Anong nangyari kagabi, Lara? Hindi ba nangyari ang pina-plano mo? I helped you!” sabi niya. “Nangyari ang nasa plano, Steven,” mahina kong sabi. Nagsalubong ang kanyang kilay habang nakatingin sa akin. “Then? Bakit ka umiiyak ngayon at bakit mukhang problemado ka? Sabi ko na nga ba, e! Hindi talaga ako sang-ayon diyan sa gusto mong mangyari, Lara!” inis na sabi ng aking kaibigan. Napakagat ako sa aking labi dahil alam ko naman na sinabihan na ako ni Steven pero hindi pa rin ako nakinig sa kanya dahil naging desperada na ako. “I went to the wrong condo unit,” seryoso kong sabi sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata at muntik pa siyang ma out of balance, buti na lang at nakahawak kaagad siya sa edge ng kanyang table. “Y-You what?” Bumuntong hininga ako at muling sinabi kay Steven ang nangyari kagabi. “I went to the wrong condo unit, Steven! Hindi ako sa unit ni Luke napunta kundi sa… sa….” Shit! Bakit pati pangalan niya ay hindi ko na mabanggit ngayon?! Masyado akong naapektuhan sa banta niya sa akin kanina nang sabihin ni Daddy na dapat niya akong pakasalan. Alam ko na kahit mayaman siya at mas kilalang demonyo sa business world, hindi niya pa rin kaya si Daddy. Kayang gawin ni Daddy ang lahat at kapag sinabi niyang ikakasal kaming dalawa ng lalaking iyon—ikakasal talaga kami kahit labag man sa kalooban ko. “What the hell, Lara?! I gave you the right floor and number of Luke’s unit! Bakit ka pa magkakamali? Bulag ka ba?!” naiiritang sigaw ni Steven sa akin. Tinignan ko siya ng masama. “Sinunod ko ang text mo sa akin, asshole! I went to room 456 just like what you texted to me!” sigaw ko sa kanya. Nakita kong napakurap sa kanyang mga mata si Steven at humakbang siya palapit sa akin at hinawakan ang magkabila kong balikat. Naguluhan naman ako sa kanya at kinabahan na rin. “S-Steven?” Huminga siya ng malalim habang nakatingin pa rin sa akin na parang naaawa siya sa akin. “Lara, It’s room 455 not room 456,” mahina niyang sabi. Muntik na akong mapaupo sa lapag sa sobrang panghihina pero agad din akong naalalayan ni Steven at pinaupo niya ako sa pinakamalapit na couch sa aming pwesto. Magkaharap kaming dalawa at ako ngayon ay tulala pa rin at hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Steven. Muli akong napatingin sa kanya habang naiiyak. “S-Steven, sabihin mo na nagkakamali ka lang, ikaw ang nagkamali at hindi ako!” natataranta kong sabi. Bumuntong hininga siya at nakita kong nilabas niya ang kanyang phone. Makalipas ang ilang minuto ay iniharap niya ang cellphone niya sa may mukha ko at nakita ko na ang text conversation naming dalawa ang nakikita ko ngayon sa kanyang phone. “Look what I texted to you, Lara. Wala akong sinabi na room 456,” sabi niya. Kinuha ko ang kanyang phone sa kanyang kamay at tinitigan nang maiigi ang kanyang phone kung nasaan mababasa ko ang conversation naming dalawa ni Steven. Lara: Steven, nandito na ako sa labas ng Coleman Condominium. Please text me the exact room number ng unit ni Luke. Thank you! Steven: Are you really doing this, Lara? Basta kung pumalpak ka diyan ay wala na akong kasalanan! Pinagsabihan na kita! Lara: I know, Steven! Faster! Please send me the number! Steven: Fine! It’s room 455. Be careful, Lara. Muntik ko nang mabitawan ang cellphone ni Steven nang mabasa ko ang conversation namin kagabi. Kinuha niya pabalik sa akin ang cellphone niya at tinaasan ako ng kilay. “Now, tell me kung saan ka nakapasok na unit? Anong nangyari sa ‘yo do’n?” sunod-sunod niyang tanong. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapaiyak sa sobrang hiya sa aking kaibigan at sa hiya ko para sa aking sarili. Stupid! Boba! Kahit kailan talaga Lara ay wala kang nagawang matino! Magpa-plano ka na rin, palpak naman! “H-Hey, stop crying!” natataranta niyang sabi at nilapitan ako. Seryoso kong tinignan ang aking kaibigan habang patuloy pa rin sa aking pag iyak. “I went to Damon Adler Miller’s unit, Steven. May… may nangyari sa aming dalawa at… at nakita kami ni Dad kaninang umaga. He wants me to marry the devil,” mahina kong sabi at napahagulgol. Napaawang ang bibig ni Steven at napakurap din siya sa kanyang mga mata. “L-Lara—” “Alam mong wala na akong takas dito, Steven! Gusto ko lang namang tulungan ang kapatid ko, e. I want to help Isabelle but… but I made our problem worst. So ano na ang mangyayari ngayon? Double wedding?! I hate this! I hate my self! I’m so stupid!” nanghihina at umiiyak kong sabi. Niyakap ako ni Steven at hinagod niya ang aking likuran. Hindi siya nagsalita at hindi niya rin ako pinagalitan. He just hugged me back and listen to my rants. I don’t want to marry Adler. He’s a devil, and he’s arrogant! Alam ko na kapag sinabi niyang patay ako, patay talaga ako sa kanya lalo na kapag natuloy na talaga ang kasal namin. Damn! Kasalanan talaga ito ng alak na ininom ko, e! Hinding-hindi na talaga ako iinom ng alak! Isusumpa ko na ang lahat ng alak sa mundo! Gagawin ko pa rin ang lahat para lang mapigilan ang kasal ko sa demonyong iyon. I will never marry that man. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD