EPISODE 11 - THE WEDDING

1060 Words
EPISODE 11 THE WEDDING LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW. STANDING in front of the big mirror, wearing a simple wedding gown and a small veil in my head, all I can say now is I’m getting married… for real. But I am not happy. This is the worst day of my life that I am marrying a man that I didn’t like, which I hated in my whole life. I want to run away, but I know if I do that, my family will be furious, and Adler will find me and punish me with all of my life. “Ate?” Napakurap ako sa aking mga mata at napatigil sa aking pag iisip nang makita ko si Isabelle na pumasok sa aking kwarto. Dito lang kami ikakasal ni Adler sa amin bahay at ang mga pamilya lang namin ang pupunta at wala ng iba. Okay lang naman sa akin iyon dahil wala naman talaga akong pakialam sa kasal naming dalawa. Hindi ko pa nasasabihin ang aking nag iisang kaibigan na si Steven at alam ko na kapag sinabi ko sa kanyang ikinasal na ako ay magugulat siya at magtatampo siya sa akin. Pero alam ko naman na maintindihan ni Steven kung bakit hindi ko siya pinapunta rito dahil ayoko naman talaga sa kasal na ito. Babawi na lang siguro ako sa kanya kapag siya na ang ikinasal, pupunta ako sa kasal niya kahit ano ang mangyari. “Ate, are you good with this?” Napatingin ako kay Isabelle nang itanong niya iyon sa akin. Seryoso siyang nakatingin sa akin at alam kong nararamdaman niya na hindi ako maayos ngayon, na parang gusto kong umalis at hindi na magpakita. Pinilit ko na ngumiti sa aking kapatid at tumango. Humakbang ako palapit sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay at bahagya itong hinaplos. “I’m fine, Isabelle. Adler is good, and I know he will be a good husband to me,” pinilit ko na pasiglahin ang aking boses dahil ayokong mag alala si Isabelle sa akin. Ngumiti siya at niyakap ako ng mahigpit. Hindi ko mapigilan na maging emosyonal habang kayakap siya pero pinilit ko pa rin na hindi ako maiyak sa oras na ito. “I love you so much, Ate Lara,” malambing niyang sabi pagkaapos niyang kumalas sa yakap at muling humarap sa akin. Hinaplos ko ang kanyang pisngi at matamis din siyang nginitian. “I love you too, Isabelle.” Sabay kaming lumabas ni Isabelle sa aking kwarto at bumaba na kami sa hagdanan para makapunta kami sa likuran ng aming buhay kung nasaan naka setup ngayon ang para sa kasal namin ni Adler. Isang judge na kaibigan ni Dad ang magkakasal sa amin ngayon ni Adler. Nang makalabas na kami ni Isabelle sa bahay ay agad kong nakita ang wedding setup sa may garden area namin at kahit na hindi ko gusto ang kasal ko na ito, hindi ko pa rin mapigilan na mapangiti dahil nagustuhan ko ang setup kahit simple lang ito. Nakita ko kaagad sa aking paningin si Adler at nasuot siya ng isang black tuxedo at nakaayos din ang kanyang buhok. Nakangiti si Adler habang may kausap siyang isang matandang lalaki at mukhang ito iyong magkakasal sa amin dahil minsan ko na rin itong nakita sa mga gatherings. Sa hindi kalayuan ay nakita ko rin si Madame Devon at siya lang ang kamag-anak na kasama ni Adler dito dahil matagal nang patay ang kanyang mga magulang at simula pa noong bata pa siya ay si Madame Devon na ang nag alaga at nagpalaki sa kanya. Nakita ko rin ang asawa ni Isabelle na si Luke Archer Coleman at kasama ni Luke ngayon ang kanyang mga magulang na si Tita Rachel at Tito Anderson na close friends din ng aking mga magulang. Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na ang kasal namin ni Adler. Nagsimula nang tumugtog ang orchestra at nagsimula na rin akong maglakad papunta sa harapan, papunta kay Adler. Diretso lang ang aking mukha ngayon dahil hindi ako makangiti. Nang masulyapan ko si Dad ay sinenyasan niya akong ngumiti kaya wala akong nagawa kundi ang ngumiti nang tumutok sa akin ang camera at kinunan ako habang naglalakad. Pagkatapos akong kunan ng litrato ay bumalik na ako sa dati kong ekspresyon at matalim kong tinitigan si Adler habang nag lalakad ako. Malamig lang din ang binibigay niyang ekspresyon sa akin habang ako ay naglalakad at nang magkalapit kaming dalawa ay kumapit na ako sa kanyang braso at nagsimula na muli kaming mag lakad palapit sa judge. Tahimik kaming dalawa ni Adler nang magsimula na ang seremonya. Nakatingin lang ako sa judge ngayon kahit ang totoo ay wala akong naintindihan sa kanyang sinasabi. Gusto ko na kaagad matapos ito dahil naririndi na ako sa sinasabi ng judge tungkol sa salitang love. Hindi niya ba napapansin ang itsura ko ngayon? Napipilitan lang ako! Hindi kami nandito ni Adler para magpakasal dahil mahal namin ang isa’t isa, nandito kami dahil ito ang gusto ng aking ama at ito rin ang pakarusahan sa aking nagawang katangahan. Tumayo na kaming dalawa ni Adler at sinuot na namin ang aming mga singsing na nagsisimbolo na kasal na kaming dalawa. Tapos na rin kaming pumirma sa papel na nasa aming harapan at ngayon ay mangyayari na ang palagi kong nasasaksihan sa mga kasal na napupuntahan ko, ang halikan. “I now pronounce Lara Laureen and Damon Adler Miller, married! You may now kiss each other.” Narinig ko ang malakas na palakpakan ng mga bisita namin dito sa aming kasal ni Adler. Huminga ako ng malalim at humarap sa kanya. Nagkatitigan kaming dalawa at walang ni isa amin ang ngumiti ngayon. Humakbang palapit sa akin si Adler at hinapit niya ako sa aking beywang palapit sa kanya. Habang magkalapit ang aming mga mukha ngayon ni Adler ay hindi ko mapigilan na kabahan at mailang. Bakit kapag nagkakadikit kaming dalawa ay kinakabahan ako at lumalakas ang t***k ng aking puso? “Why are you shaking, my little kitten?” he whispered. Napalunok ako sa aking laway at nilakasan ang aking loob na salubungin ang kanyang tingin sa akin. Hinawakan niya ang aking baba at ngumisi siya sa akin. “Welcome to hell, my wife,” he said before he kissed me on my lips. I’m now finally married to Damon Adler Miller, the devil in disguise. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD