Pumapasok pa rin sa lokal na kolehiyo si Eeya sa umaga. Bilin ng kanyang lola na mahalaga na matapos siya sa pag-aaral. Hindi na problema ni Eeya ang matrikula dahil mayroon siyang napanalunang paglisahan noon na nakapagbigay sa kanya ng libreng pag-aaral hanggang sa makapagtapos siya. Hindi man matataas ang marhang nakukuha niya ay nagagawa niyang makapasa dahil sa paggawa ng mga proyektong makakangat sa kanyang grado. Isa iyon sa dahilan ng kanyang mga magulang kung bakit nais nilang tumira at mag-aral si Eeya sa siyudad. Iniisip nilang makakabuti para sa kanya ang magbago ng paaralan sa pagbabakasakaling magbago rin ang kanyang pananaw sa mga nakasanayan.
Papasok na sa paaralan si Eeya nang mamataan niya ang mga kaibigan na sina Amalia at Rea na nagkukwentuhan sa hindi kalayuan.
"Eeya!" Kumaway pa si Amalia sa kanya nang makita itong papalapit na sa kanila. "Bukas na ang pagdiriwang na hinihintay nating lahat. Sama-sama tayong manunuod ah?" Ang pagdiriwang ng kasaganaan ng ani sa kanilang probinsya ang tinutukoy ni Amalia na ginagawa sa kanilang lugar taon-taon.
Siniko siya agad ni Rea. "Nakalimutan mo na ba? Si Eeya ang tagapangalaga ng templo. Kailangan niyang manatili sa templo!"
Ipinatong ni Amalia ang kamay sa ulo nang maalala iyon. "Oo nga pala. At ayon sa tradisyon kakailanganin niyang magsuot ng tradisyonal na kasuotan at sumayaw bilang alay. Handa na ba ang damit mo?"
Napangiti na lamang si Eeya sa patuloy na pagkukwento ng kanyang mga kaibigan. Mga bata pa lamang ay kasama na niya sina Amalia at Rea. Sanggang-dikit na ang tatlo noon pa man. Madalas rin silang bumisita sa templo para magdasal at maglaro noong mga bata pa lang. Nagagawa pa rin nilang bumisita sa templo ngayong mga dalaga na at nakakatulong din sila minsan sa paglilinis nito.
"Teka. Alam n'yo na ba `yong balita?" Naalala ni Rea na narinig mula sa mga guro nang minsang itusan siya ng mga ito.
"Ang alin?" tanong naman ni Amalia.
"Mayroon tayong transfer student mula siyudad! Ang alam ko ay ngayon ang dating niya."
"Transfer student? Bakit? Para saan?" magkakasunod na tanong ni Amalia.
"Hindi ko rin alam pero ang balita ko ay guwapo siya." Kapwa tumili ang dalawa na parang mga uob na inasinan.
"Guwapo? Matalino kamo. Kaya nga transfer student. Baka may paligsahan na naman kaya nandito siya." Kapwa mariin na tumingin ang dalawa kay Eeya. Alam nilang iyon ang sasabihin niya. Noon pa man ay tila ba wala itong interes sa mga kalalakihan na normal naman sa tulad nilang mga dalaga na.
"Saglit! Tignan n`yo! May paparating!" Hindi napigilan ni Rea ang mga labi na lumawak ang ngiti nang makita ang isang lalaki na naglalakad papalapit sa kanila.
"Siya na ba `yan?" bulong ni Amalia.
"Siya na nga iyan! Wala namang ibang guwapo sa lugar na ito."
Lumapit ang lalaking may katangkaran sa kanila hawak ang isang bagay sa kanyang kaliwang kamay. "Mawalang galang na mga binibini." Halos tumili ang dalawa nang marinig ang boses ng lalaki. May pagkamalalim na ang boses nito kahit mukhang kaedaran lamang siya nila. "Sa inyo ba ang gamit na ito?"
Nang itaas ng lalaki ang kamay ay tumambad ang muyta na bigay ni Lola Esting kay Eeya. Isinayaw ng malakas na hangin ang pahirabang mutya nang titigan ito ni Eeya.
Hindi siya makapaniwala na naihulog niya ang mahalagang bagay na iyon.
"Oo! Mutya iyan ni Eeya. Naglilingkod siya sa templo kaya may ganyan siya. Taglay niya ang malakas na kapangyarihan na panlaban niya sa mga masasamang elemento," taas-noong sabi ni Rea.
"Naglilingkod sa templo?" kunot-noong tanong ng lalaki.
Bumagsak ang balikat ni Eeya dahil alam niya mawiwirdohan panigurado ang lalaki sa kanya. Alam niyang dayo ang lalaki at tiyak na pinagtatawanan na siya nito sa kanyang isipan.
"Natandaan ko pa iyon!" Humalakhak si Rea. "Tama naman ako `di ba, Eeya?"
Tinapik ni Rea ang likod ng kaibigan saka muling tumingin sa lalaki. "Oo. Nagllingkod siya sa templo at alam din niya kung paano gamitin ang pana na may basbas para maglinis ng kaluluwa." Kumindat pa ito.
"Buong pamilya niya ay taglay ang banal na kapangyarihan," dagdag pa ni Amalia.
Bahagyang ikiniling ng lalaki ang ulo at nanatiling tahimik. Hindi magawa ni Eeya na tingalain ang mukha ng lalaki. May hiya itong nararamdaman hindi dahil ikinakahiya niya pagsisilbi sa templo kundi dahil alam niyang hindi siya paniniwalaan ng lalaki at maaring iniisip na nito na nababaliw siya.
"I-Ibinigay ito ng lola ko sa akin. M-Maraming salamat." Inilahad ni Eeya ang palad na kung saan naman ipinatong ng lalaki ang mutya.
"Pagpasensyahan mo na kami. Talagang ganito lang kami," saad ni Rea na sinang-ayunan naman ni Amalia.
Ngumiti ang lalaki sa dalawa at muling nagtuon ng atensyon kay Eeya. "Mukhang mahalaga ito sa `yo. Ingatan mo ito baka sa susunod ay wala ng makapulot."
Sa pagkakataong iyon ay tumingala si Eeya. Namangha man siya sa taglay na tikas ng lalaki ay ipinagkibit-balikat niya iyon.
"Sisiguraduhin ko iyan. Salamat." Kumaripas nang takbo si Eeya palayo sa kanila.
Sinadya ng dalawa na huwag habulin ang kaibigan dahil nais pa nilang makausap ang dayo. "Ikaw `yong transfer student `di ba?" tanong ni Amalia na tinanguan ng lalaki.
"Ano nga pa lang pangalan mo?" kinikilig na tanong naman ni Rea.
Bahagyang ngumiti ang lalaki na lalong nagpamula sa mga pisngi ng dalawang dalaga. "Ako nga pala si Joaquin."
Dalawang magandang dilag man ang nasa harapan ni Joaquin ay hindi mawala sa kanyang isipan ang babaeng kumaripas ng takbo. Paulit-ulit niyang binanggait ang pangalan ng dilag sa kanyang isipan.
Hindi siya nagkamali sa lugar na pinuntahan. Hindi nasayang ang ilang linggo niyang pagmamasid sa lugar dahil nakatagpo siya ng isang taong nangangalaga ng templo. Maaari na niyang magampanan ang dahilan kung bakit siya napadpad sa probinsya.
"Mabuti pa at pumasok na kayo sa klase ninyo. Kailangan ko na ring umalis," wika ng binata.
"Ilang linggo kang papasok dito?" tanong ni Amalia.
"Isang buwan. Maaring matatagalan pa." Sa loob ni Joaquin ay magtatagal siya sa probinsya upang mas makilala si Eeya dahil maaari siya ang susi sa paghahanap ng elementong kaniyang misyon.
Bagamat may misyon ay kailangan ni Joaquin na magpanggap na isang ordinaryong binata lamang. HIndi maaaring mabunyag ang kaniyang misyon dahil maaari iyong mabulyilyaso.
Matapos makausap ang mga guro ay kinailangan ni Joaquin na ipakita ang kanyang galing sa paglalaro ng baseball. Kasama iyon sa napagkasunduan upang makapasok siya sa paaralan. Ilang linggo na ring nagmamanman si Joaquin sa lugar upang maghanap ng elemento kaniyang babasbasin. Ngunit hindi pinapalad ang binata. Malaki ang posibilidad na nararamdaman ng mga elemento ang kanyang presenya at lakas bilang isang babaylan.
Samantala, nasa loob na ng silid si Eeya ngunit nananatili ang kanyang isipan sa labas. Hindi mawala ang hiyang nararamdaman niya sa lalaking kakikilala pa lamang. Tuon ang atensyon ni Eeya sa paglingkod ng templo ngunit nang makita niya ang lalaki ay kumabog ang kanyang dibdib. Nakaramdaman siya ng kiliti rito na hindi pa niya nararamdaman kahit minsan.
Alam ni Eeya na may darating na transfer student dahil nakita na niya ang papel nito nang minsang ipahatid sa kanya iyon ng isang guro sa kanilang opisina. Unang tingin pa lang sa larawan ng binata ay may naramdaman ng kakaiba si Eeya. Lalong umusbong ang katuwang pakiramdam na iyon nang makita niya ito ng personal at malapitan pa.
"Eeya!"
Dala ng pagmumuni-muni ay hindi narinig ni Eeya ang ilang beses ng pagtawag sa kanyang pangalan ng kanyang guro.
"Nasa labas pa ang isipan mo. Hala sige! Lumabas ka at tumayo sa may pintuan!"
Naparusahan si Eeya dahil sa hindi pakikinig sa kanilang aralin. Aminado si Eeya na hindi siya gaanoon kagaling sa pag-aaral. Hindi siya kasing talino ng ibang mag-aaral. Halos pasang-awa ang mga grado niya at minsan ay bumabagsak pa. Isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit ayaw niyang sumama sa siyudad. Alam niyang mapapahiya ang kanyang mga magulang.
Bagsak ang mga balikat ay sumandal si Eeya sa tabi ng pintuan. Hindi na naman niya natupad ang pangako sa kanyang lola na hindi na siya magpapabaya sa pag-aaral.
Sa kanyang pagtingala ay nakita niya ang lalaking hinahangaan na kasalukuyang naglalaro ng baseball kasama ang ilan pang estudyante.
Alam niyang matalino ang lalaki. Nabasa niya sa kanyang papel na matataas ang mga markha nito at magaling pa siya pagdating sa mga palaro.
Ang ipinagtataka niya ay bakit ito pumayag na pumunta sa probinsya gayong tiyak na mas maganda ang mga alok sa kanya sa siyudad.
Sa muling paglipad ng isipan ni Eeya ay huli na nang mapansin niya ang mabilis na paglipad ng bola sa kanya. Tumama iyon sa kanyang ulo dahilan upang mabilis siyang takbuhan ni Joaquin.
"Eeya! Ayos ka lang ba? Bakit hindi mo sinalo ang bola gamit ang banal mong kapangyarihan?"
Noong una ay inakala ni Eeya na niloloko lamang siya nito sa naging tanong ngunit seryoso ang mukha ng binata.
"Kaya mo naman iyon, hindi ba?"
Naluluha ang mga mata ay bahagyang ngumiti si Eeya. Iyon ang ikinakabahala niya. Dahil sa mga impormasyong nalaman ni Joaquin sa unang nilang pagkikita ay naging wirdo na sa kanilang pagitan.
"Pasensya ka na ah. Kailangan ko ng bumalik." Tumalikod si Joaquin para bumalik sa mga kalaro ngunit bago ito tuluyang umalis ay muli ito humarap sa dalaga. "Hindi pa pala ako nagpakilala sa `yo. Ako nga pala si Joaquin." Ngumiti ang binata na nagpamula sa pisngi ni Eeya.
Nanatili ang tingin niya sa binata habang papalayo ito sa kanya. "Kailangan kong makahanap ng paraan para maiba ko ang impresyon ni Joaquin sa akin." Naisip ni Eeya na dumalo sa pagdiriwang at magsuot ng magandang damit ngunit naalala niyang hindi siya maaaring makadalo katulad ng mga kaibigan niya. May sinumpaan siyang tungkulin. Kasabay ng pagdiriwang ang pagbibigay niya ng alay na sayaw sa templo.
Pumapasok pa rin sa lokal na kolehiyo si Eeya sa umaga. Bilin ng kanyang lola na mahalaga na matapos siya sa pag-aaral. Hindi na problema ni Eeya ang matrikula dahil mayroon siyang napanalunang paglisahan noon na nakapagbigay sa kanya ng libreng pag-aaral hanggang sa makapagtapos siya. Hindi man matataas ang marhang nakukuha niya ay nagagawa niyang makapasa dahil sa paggawa ng mga proyektong makakangat sa kanyang grado. Isa iyon sa dahilan ng kanyang mga magulang kung bakit nais nilang tumira at mag-aral si Eeya sa siyudad. Iniisip nilang makakabuti para sa kanya ang magbago ng paaralan sa pagbabakasakaling magbago rin ang kanyang pananaw sa mga nakasanayan.
Papasok na sa paaralan si Eeya nang mamataan niya ang mga kaibigan na sina Amalia at Rea na nagkukwentuhan sa hindi kalayuan.
"Eeya!" Kumaway pa si Amalia sa kanya nang makita itong papalapit na sa kanila. "Bukas na ang pagdiriwang na hinihintay nating lahat. Sama-sama tayong manunuod ah?" Ang pagdiriwang ng kasaganaan ng ani sa kanilang probinsya ang tinutukoy ni Amalia na ginagawa sa kanilang lugar taon-taon.
Siniko siya agad ni Rea. "Nakalimutan mo na ba? Si Eeya ang tagapangalaga ng templo. Kailangan niyang manatili doon!"
Ipinatong ni Amalia ang kamay sa ulo nang maalala iyon. "Oo nga pala. At ayon sa tradisyon kakailanganin niyang magsuot ng tradisyonal na kasuotan at sumayaw bilang alay. Handa na ba ang damit mo?"
Napangiti na lamang si Eeya sa patuloy na pagkukwento ng kanyang mga kaibigan. Mga bata pa lamang ay kasama na niya sina Amalia at Rea. Sanggang-dikit na ang tatlo noon pa man. Madalas rin silang bumisita sa templo para magdasal at maglaro noong mga bata pa lang. Nagagawa pa rin nilang bumisita sa templo ngayong mga dalaga na at nakakatulong din sila minsan sa paglilinis nito.
"Teka. Alam n'yo na ba `yong balita?" Naalala ni Rea na narinig mula sa mga guro nang minsang itusan siya ng mga ito.
"Ang alin?" tanong naman ni Amalia.
"Mayroon tayong transfer student mula siyudad! Ang alam ko ay ngayon ang dating niya."
"Transfer student? Bakit? Para saan?" magkakasunod na tanong ni Amalia.
"Hindi ko rin alam pero ang balita ko ay guwapo siya." Kapwa tumili ang dalawa na parang mga uod na inasinan.
"Guwapo? Matalino kamo. Kaya nga transfer student. Baka may paligsahan na naman kaya nandito siya." Kapwa mariin na tumingin ang dalawa kay Eeya. Alam nilang iyon ang sasabihin niya. Noon pa man ay tila ba wala itong interes sa mga kalalakihan na normal naman sa tulad nilang mga dalaga na.
"Saglit! Tignan n`yo! May paparating!" Hindi napigilan ni Rea ang mga labi na lumawak ang ngiti nang makita ang isang lalaki na naglalakad papalapit sa kanila.
"Siya na ba `yan?" bulong ni Amalia.
"Siya na nga iyan! Wala namang ibang guwapo sa lugar na ito."
Lumapit ang lalaking may katangkaran sa kanila hawak ang isang bagay sa kanyang kaliwang kamay. "Mawalang galang na mga binibini." Halos tumili ang dalawa nang marinig ang boses ng lalaki. May pagkamalalim na ang boses nito kahit mukhang kaedaran lamang siya nila. "Sa inyo ba ang gamit na ito?"
Nang itaas ng lalaki ang kamay ay tumambad ang muyta na bigay ni Lola Esting kay Eeya. Isinayaw ng malakas na hangin ang pahirabang mutya nang titigan ito ni Eeya.
Hindi siya makapaniwala na naihulog niya ang mahalagang bagay na iyon.
"Oo! Mutya iyan ni Eeya. Naglilingkod siya sa templo kaya may ganyan siya. Taglay niya ang malakas na kapangyarihan na panlaban niya sa mga masasamang elemento," taas-noong sabi ni Rea.
"Naglilingkod sa templo?" kunot-noong tanong ng lalaki.
Bumagsak ang balikat ni Eeya dahil alam niyang mawiwirdohan panigurado ang lalaki sa kanya. Alam niyang dayo ang lalaki at tiyak na pinagtatawanan na siya nito sa kanyang isipan.
"Natandaan ko pa iyon!" Humalakhak si Rea. "Tama naman ako `di ba, Eeya?"
Tinapik ni Rea ang likod ng kaibigan saka muling tumingin sa lalaki. "Oo. Nagllingkod siya sa templo at alam din niya kung paano gamitin ang pana na may basbas para maglinis ng kaluluwa." Kumindat pa ito.
"Buong pamilya niya ay taglay ang banal na kapangyarihan," dagdag pa ni Amalia.
Bahagyang ikiniling ng lalaki ang ulo at nanatiling tahimik. Hindi magawa ni Eeya na tingalain ang mukha ng lalaki. May hiya itong nararamdaman hindi dahil ikinakahiya niya pagsisilbi sa templo kundi dahil alam niyang hindi siya paniniwalaan ng lalaki at maaring iniisip na nito na nababaliw siya.
"I-Ibinigay ito ng lola ko sa akin. M-Maraming salamat." Inilahad ni Eeya ang palad na kung saan naman ipinatong ng lalaki ang mutya.
"Pagpasensyahan mo na kami. Talagang ganito lang kami," saad ni Rea na sinang-ayunan naman ni Amalia.
Ngumiti ang lalaki sa dalawa at muling nagtuon ng atensyon kay Eeya. "Mukhang mahalaga ito sa `yo. Ingatan mo ito baka sa susunod ay wala ng makapulot."
Sa pagkakataong iyon ay tumingala si Eeya. Namangha man siya sa taglay na tikas ng lalaki ay ipinagkibit-balikat niya iyon.
"Sisiguraduhin ko iyan. Salamat." Kumaripas nang takbo si Eeya palayo sa kanila.
Sinadya ng dalawa na huwag habulin ang kaibigan dahil nais pa nilang makausap ang dayo. "Ikaw `yong transfer student `di ba?" tanong ni Amalia na tinanguan ng lalaki.
"Ano nga pa lang pangalan mo?" kinikilig na tanong naman ni Rea.
Bahagyang ngumiti ang lalaki na lalong nagpamula sa mga pisngi ng dalawang dalaga. "Ako nga pala si Joaquin."
Dalawang magandang dilag man ang nasa harapan ni Joaquin ay hindi mawala sa kanyang isipan ang babaeng kumaripas nang takbo. Paulit-ulit niyang binabanggit ang pangalan ng dilag sa kanyang isipan.
Hindi siya nagkamali sa lugar na pinuntahan. Hindi nasayang ang ilang linggo niyang pagmamasid sa lugar dahil nakatagpo siya ng isang taong nangangalaga ng templo. Maaari na niyang magampanan ang dahilan kung bakit siya napadpad sa probinsya.
"Mabuti pa at pumasok na kayo sa klase ninyo. Kailangan ko na ring umalis," wika ng binata.
"Ilang linggo kang papasok dito?" tanong ni Amalia.
"Isang buwan. Maaring matatagalan pa." Sa loob ni Joaquin ay magtatagal siya sa probinsya upang mas makilala si Eeya dahil maaaring siya ang susi sa paghahanap sa elementong kaniyang misyon.
Bagamat may misyon ay kailangan ni Joaquin na magpanggap na isang ordinaryong binata lamang. HIndi maaaring mabunyag ang kaniyang misyon dahil maaari iyong mabulyilyaso.
Matapos makausap ang mga guro ay kinailangan ni Joaquin na ipakita ang kanyang galing sa paglalaro ng baseball. Kasama iyon sa napagkasunduan upang makapasok siya sa paaralan. Ilang linggo na ring nagmamanman si Joaquin sa lugar upang maghanap ng elemento kaniyang babasbasin. Ngunit hindi pinapalad ang binata. Malaki ang posibilidad na nararamdaman ng mga elemento ang kanyang presenya at lakas bilang isang babaylan.
Samantala, nasa loob na ng silid-aralan si Eeya ngunit nananatili ang kanyang isipan sa labas. Hindi mawala ang hiyang nararamdaman niya sa lalaking kakikilala pa lamang. Tuon ang atensyon ni Eeya sa paglingkod ng templo ngunit nang makita niya ang lalaki ay kumabog ang kanyang dibdib. Nakaramdaman siya ng kiliti rito na hindi pa niya nararamdaman kahit minsan.
Alam ni Eeya na may darating na transfer student dahil nakita na niya ang papel nito nang minsang ipahatid sa kanya iyon ng isang guro sa kanilang opisina. Unang tingin pa lang sa larawan ng binata ay may naramdaman ng kakaiba si Eeya. Lalong umusbong ang katuwang pakiramdam na iyon nang makita niya ito nang personal at malapitan pa.
"Eeya!"
Dala ng pagmumuni-muni ay hindi narinig ni Eeya ang ilang beses na pagtawag sa kanyang pangalan ng kanyang guro.