4

1750 Words
4. NAPAKAHIRAP kumilos kapag hindi gusto ng kalooban ang ginagawa. Kahit na ayaw ni Ruth na magtrabaho ay napilitan siyang gumising ng maaga para pumasok. Her mind and her heart are both dedicated to finding her husband. Pinag-isipan niyang husto kung paano siya makatutulong, at buo na ang kanyang desisyon na siya ay mag-hire ng investigator. Mamayang lunch break, may pupuntahan siya. Lumabas siya sa kwarto at naabutan ang ate Rose niya na naghahanda ng mga pagkain sa baunan. "Aalis ka, te?" Tanong niya sa nakatatandang pinsan. "Maghahanap ako ng mapapasukan habang nandito ako. Baka magtagal ako. Hangga't di ka nakakamove-on sa pagkawala ni Baron, hindi ako uuwi." Hindi siya umimik at tiningnan ang ginagawa nito. Tinulungan niya ito kapagkuwan. Dalawa ang inihahanda nitong tupperware, malamang para sa kanya at para naman rito ang isa. "Mabilis ka naman makakakuha, te," aniya rito dahil iyon naman ang totoo. Maswerte si Rosemarie sa paghahanapbuhay. Sa probinsya ay hindi ito natetengga. College ito ay nagpa-part time ito sa sa isang fast food. Nang maka-graduate, pumasok na sales lady kung saan saang establisyemento. Kung sa experience ay batikan na ito kaya hindi ito inaayawan ng ina-apply-an. Hindi lilipas ang ilang araw na wala itong mapapasukan. Siya, wala siyang balak na umalis sa kumpanya, kahit na nga ayaw pa sana niyang bumalik sa trabaho, hindi pwede. Wala na siyang mapapasukan dahil hindi pa siya graduate. Baka magkaroonng paghihigpit, saka na lang siya aayaw, kapag inalis na ang mga undergrad sa kumpanya. "Sino ang boss mo sa Montevez, Ruth?" Tanong ng ate niya habang naglalagay siya ng kanin sa baunan, "Yung gwapong si Deluxe Montesalvo ba?" "Hindi, ate. Iba. Yung anak daw pero hindi ko pa nakikita. Bagong nagosyo kasi nila yun." "Naabutan ko na ang mga anak ni sir Deluxe at Ma'am Heart. Binata na ang panganay noong mag-extra ako ng anim na buwan sa Macho Café. Naalala mo si Julia na nag-audition na artista sa TodaMax?" "Sino? Yung anak ni Mang Gusting na mayabang?" "Oo," natatawa nitong sagot, "Ipinagkakalat na artista na raw ang anak niya at mayaman na sila, tapos umuwi may dalang dalawang daang libong piso, ang pamalita sa atin, binili siya ng isang producer ng TodaMax. Ang apelyido raw ay Montesalvo." Napaangat ang mga kilay niya, "'wag niyang sabihin na sa edad ni Sir Deluxe, nambababae pa, ate." "Sira, hindi! Yung anak daw. Baka yung boss mo." Napakibit balikat siya, "Maganda naman kasi si Julia, ate kaya lang di mo malalaman kung alin ang likod niya." Ang lakas ng tawa ng ate niya kaya kahit paano ay umarko ang labi niya dahil natatawa rin siya, pero agad din iyon na nawala. Nakokonsensya siya kapag tumawa siya. Baka siya ay tumatawa tapos ang asawa niya ay nahihirapan. Hindi niya alam kung anong kayang gawin ng mga lalaking dumukot dun. She's so afraid that those men will kill her husband. Sana naman ay hindi. Mabait na tao si Baron at hindi siya naniniwala na may ginawa iyong masama. Baka dala ng inggit ang lahat kaya ginawa iyon sa asawa niya. "Ayun nga, may iniuwi na naman na Afam sa atin. Iba na naman ang trip ng babae na yun. Gusto niya ay yumaman agad sila kaya kung anu-anong ginagawa sa buhay," naiiling na sabi ng ate niya saka niyo isinulong ang baunan sa kanya. "Mag-ingat ka sa trabaho. Ako na magsasara rito. Nasaan ang duplicate mo, dala mo ba?" "Dala ko, Ate. Salamat. Mauna na ako. Mag-ingat ka rin." Tumango ito at saka siya inilakad papunta sa pintuan. Lumabas siya roon at nag-iwan ng ngiti sa pinsan niya kahit na malungkot siya. She walked right away. Dapat ay maaga talaga siya para makapaglinis pa siya kaagad, dahil walang pinayagan na maglinis sa lobby hanggang third floor. May dalawang oras pa siya at kaya niya iyong matapos. Isang sakay lang naman ng jeepney ang papunta sa kumpanya, walong minuto ay naroon na siya. GWARDIYA ang naabutan ni Ruth sa kumpanya. Sarado pa ang main entrance pero dahil empleyado naman siya ay pinapasok siya sa loob. "Long time, no see, Ruth," inaantok na bati sa kanya ni Mang Philip. "Opo, Mang Philip, masesesante na ako kung di ako pumasok ngayon." "Nagkasakit ka ba?" "Opo, sakit sa ulo pero maayos na po ako. Sige po, may trabaho pa ako at baka ako matuluyang masipa." "Sige, pagbutihan mo, Ruth." Tumuloy na siya sa paglalakad at dumiretso sa janitors' quarter. Malapit lang iyon sa may HR. Magpapalit siya ng uniporme at mag-uumpisa na. Binuksan niya ang locker niya at natigilan siya nang makita ang litrato ng asawa niya. Gusto na naman niyang maglupasay sa pagkawala nito. Tatlong taon. Tatlong taon na halos araw-araw silang magkasama. Napakabait nun sa kanya. Hatid at sundo siya kapag wala iyong trabaho, at napakahirap tanggapin na sa isang iglap ay hindi na niya iyon nakikita. Napahikbi siya pero agad niyang isinara ang locker para makontrol ang sariling emosyon. Baka wala siyang magawa kapag pinairal niya ang pagiging iyakin. Kahit na nakakaiyak naman talaga ang nangyari at ang sitwasyon niya ngayon ay hindi niya iyon pwedeng dalhin sa trabaho. Para siyang tuliro na naglakad papunta sa lalagyan ng mga uniform. Kinuha niya ang nakahanger na uniform niya, na may pangalan sa kaliwang dibdib. Navy blue ang kulay nun, na may mga lining na orange. Nagtanggal siya ng kangang sapatos, suot na blouse at ang kanyang denim skirt. Naiwan ay ang kanyang panty at bra, habang nakatulala siya sa kawalan, at naaalala si Baron. Buhay pa kaya ang mister niya? Natatakot siya na baka mamaya ay makasagap siya ng balita na may bangkay na natagpuan sa isang tulay o kaya sa isang abandonadong lugar, o basurahan, at si Baron pala. Masyado siyang negatibong mag-isip pero wala na sang balita na anuman. Wala man lang katiting na tawag kung ano ba ang kailangan ng mga sanggano na iyon. Isa pa, baka mistaken identity lang ang nangyari, at napagkamalan na ibang tao ang kanyang asawa. Maraming posibilidad. Napabuntong hininga siya at tinangka na isuot ang pang-ibaba ng kanyang uniporme pero para siyang may naramdaman na nakatingin sa kanya. Diyos ko. Nanindig ang kanyang mga balahibo at nakaramdam siya ng takot na lumingon. Alas kwatro y medya pa lang ng umaga. Wala pang mga tao sa building, nasisiguro niya. Kung hindi manyak ang nararamdaman niyang pares ng mga mata, malamang ay multo iyon! Sa kabila ng takot ay agad na lumingon si Ruth, kipkip ang pantalon na isusuot sana niya, pero agad siyang napatili nang makita ang isang lalaking nakatitig sa kanya. “Multooo!” Sigaw niya pero parang umangat ang mga kilay nito dahil sa sinabi niya. “M-Manyak! Manyak!” Tili niya ulit dahil hindi naman mukhang multo ang lalaki. Buhay na buhay iyon at napakagandang lalaki. Ano ba iyon? “Manyak!” Galit na sabi niya dahil talagang kitang-kita niya kung paano siya nito hinagod ng tingin nang humarap siya. Mabilis niya itong nilapitan, matapos niyang marahas na abutin ang mop. Agad niyang pinagpupokpok ang ang lalaking nakatitig sa kanya pero magaling itong umilag, hanggang sa baguhin niya ang galaw niya at agad niyang sinapak sa kabila gamit ang mop. Sapol ito sa mukha. “Damn!” Mura nito pero pinalo niya pa rin ito sa katawan. “Manyakis ka! Ipakukulong kitang demonyo ka!” Naiinis na sabi niya. Kahit na gwapo ito, wala itong karapatan na tumitig sa kanya, na parang hubad na siya sa mga mata nito. Paulit-ulit niya itong hinampas, gamit ang maruming pangkuskos ng mop. Malinis naman iyon dahil naka-chlorine, pero ilang buwan na niya iyong kinikuskos sa mga sahig ng banyo. “Enough,” maawtoridad na utos nito sa kanya, at para naman siyang militar na napasunod. “Irereklamo kita,” aniya pa saka niya nasuri ang sarili dahil nakatingin ito sa dibdib niya. Susko. Hindi pa siya nakakapag-saluwal. Sa inis niya ay inihampas niya ang cotton na pantalon sa katawan ng lalaki pero parang humugot ito ng malalim na hininga tapos ay saka bumuga. “Sira ba ang lock nito para hindi ma magsara ng pinto, Miss?” Nagmamadali siya at hindi siya magkandaugaga sa pagsuot ng uniform. Halos ikatumba na niya iyon dahil hindi siya makabalanse. Ngayon pa naman siya nawawalan ng panimbang kung kailan naman kailangan niya. Bigla siyang hinawakan ng lalaki sa braso para hindi siya matumba kaya naisuot niya ang pantalon nang walang kahirap-hirap. Kapagkuwan ay agad niyang pinalis ang kamay nito saka siya bumalik sa may mga naka-hanger, at kinuha naman ang pang-itaas. Abot-abot ang paghinga niya, halos sumobra iyon dahil sa inis niya na may naninilip sa kanya. Marahas niyang tinalian ang buhok habang nakatingin sa lalaking hindi pa rin umaalis. “Anong pangalan mong manyak ka? Ire-report kita! Akala mo!” Galit na sabi niya nang lapitan niya itong muli. “Hindi ako nanilip. Napadaan lang ako. Ikaw ang hindi nagsara ng pinto. Lalaki ako at nakakita ako ng naka-bra at panty, natural titingin ako.” Aba ang hudyo na ito, inamin lang tiningnan talaga siya. “I was asking you, sira ba ang bisagra para di ka magsara?” kaswal na tanong nito sinisipat ang apat na bisagra ng pintuang kahoy. “Sira ang mata mo!” angil niya, “Wala ka pa rin karapatan na tingnan ang katawan ng may katawan! Hindi mo naman katawan ito, bakit ka nakatingin?” Lumiko ang nguso nito at napansin niya kung gaano kapula iyon. He looked away but looked at her face again. Lahat nito tiningnan sa parte ng mukha niya pero hindi ito umimik. Tapos ay tumingin ito sa nakaburdang pangalan sa damit niya. Hindi man bumuka ang labi nito, alam naman niyang nagsalita ito sa isip at binanggit ang pangalan at apelyido niya. “Hindi ko talaga ito palalagpasin. Paano na lang kung may mga babae pa rito, mamayakin mo rin sa tingin? Kung nakakabuntis ang tingin mo, aba, kanina pa lumobo ang tiyan ko!” “Pabibinyagan ko,” pilosopong sagot nito kaya muli niya itong ipinagtulakan papaalis. Gigil na gigil siya at parang dito niya naibubuhos ang inis. “Anong pangalan mo at talagang irereport kita! Nakita mo na pala na nakapanty at bra, dapat tumalikod ka na!” The man pursed his lips and kept on staring at her face. Dinukot nito ang isang pitaka sa suot nitong jacket tapos ay may hinugot. Iniharap nito sa kanya ang isang I.D. Company I.D iyon ng Montevez. Naningkit pa ang mga mata ni Ruth at waring may autofocus sa pangalan ng lalaki. Montesalvo, Lush Miguel C.,President/CEO Inay! Katapusan na niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD