5.
THIS woman is unbelievable. Iyon ang laman ng isip ni Lush habang nanlalaki ang mga mata ng babae sa kanyang company I.D.
Kapagkuwan ay tumingin ito sa mukha niya at lumunok ng laway. Tapos, inilapit nito ang mukha sa mukha niya at sinipat-sipat siya.
“Baka retokado ka at impostor, baka hindi ka ang tunay na mukha ng may-ari. Kasi ang may-ari, hindi maninilip sa isang hamak na janitress,” she said and scrutinized his face.
Nanunulis ang labi na naiiwas niya ang mukha rito. Hindi niya alam kung siya ba ay maiinsulto o matutuwa. Hindi kayang paniwalaan ng Ruth Eduardo na ang mukha niya original na mukha ng isang CEO.
Kung sabagay, ang mundo ngayon ay puno ng retokada kaya hindi niya ito masisisi kung inaakala nitong may gumaya ng mukha niya.
May dapat pala na piliin ang mga mata niya ng babaeng sisilipan. Ang boss pala ay bawal manilip sa isang janitress.
“Baka paniwalaan mo ako kung ngayon na ngayon din ay sisantehin kita,” he said when he looked at her face again.
Nanlaki ang mga mata nito at agad na napaatras. Mukhang naniniwala na itong siya si Lush Montesalvo.
Sa kumpanya, ang tawag sa kanya ay Miguel. Masyadong pang-bata ang Lush, sa palagay niya kaya binago niya ang pagpapakilala sa sarili nang mag-umpisa siya roon bilang Presidente.
“Why are you so early, Miss Eduardo?” He asked and glanced at his wristwatch, “Ikaw lang ang mag-isang empleyado rito ng ganitong oras.”
Alanganin ito kung sasagot sa kanya o hindi. Para bang tinatantya pa rin nito kung siya ba talaga ang may-ari ng kumpanya o hindi.
Napadaan lang naman siya. He used the normal lift rather than his personal elevator. Alam niya kasing wala pa naman mga tao, kaya ayos lang na sa lobby siya bumaba.
But he was caught by an open door. Sumilip siya kasi bukas ang mga ilaw sa bukod tanging kwarto na iyon sa lobby. Inisip niyang bukas ang aircon kaya siya tumingin. Kung wala namang tao. Kahit solar ang gamit nila sa buong building, hindi pa rin maganda na sinasayang ng mga empleyado ang naiipon ng kuryente.
He will never ever tolerate it as a boss.
Nakatulog na siya sa opisina niya sa pag-o-overtime kaya papauwi pa lang siya, tapos babalik mamayang alas otso, pero nang sumulip siya sa kwarto ng mga babaeng tagapaglinis ay halos hubad na babae ang nakita niya.
Damn.
It's just normal for him to see a woman, wearing a pany and a bra, pero hindi niya alam kung anong atraksyon ang naramdaman niya nang mag-side view ang babaeng ito at nakita niya ang matangos na ilong at malalantik na mga pilikmata, habang kumukurap ito na parang manika.
She was so damn lovely for a janitress.
Ang katawan nito ay nakahulma na parang kandidata sa isang beauty pageant. She's not too skinny and has a pair of round and full breasts. Ang balakang nito ay malapad at malaman.
And as a man, no, a secually active man, alam kaagad niya ang reaksyon ng kanyang p*********i.
Hindi siya basta-basta nagkakainteres sa mga babae na hindi artista o kilalang mga mayayaman, pero ito ay isang empleyada niya at napatunganga siya.
She was just so careless not to shut the door, knowing there were men at the entrance of the lobby.
Hindi ito maingat sa sarili.
“Absent kasi ako ng tatlong araw,” napilitan na rin na sabi nito sa kanya, “T-Talaga bang kayo ang CEO?”
She blinked and looked up at him.
“Anong I.D pa ang kailangan mong makita?”
“Diyos ko!” Anito at parang sira ulo na biglang lumuhod.
Ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ni Lush sa ginawa ni Ruth sa kanyang harapan.
Yumakap ito sa mga tuhod niya, “Huwag niyo po akong sesesantehin dahil hinampas ko po kayo ng mop! Kailangan ko po ng trabaho! Silipan niyo na lang po ako ulit para po makabawi kayo.”
Jesus Christ! Halos mausal ni Lush sa isip niya habang nakatingin dito.
“Muaaa!” Anitong hinalik halikan ang mga binti niya kaya hindi siya makahuma.
Sa tanan ng kanyang buhay ay ngayon lang may babaeng parang sira ulo na lumuhod sa kanya at hinahalik-halikan ang pantalon niyang suot.
“Maawa po kayo President s***h CEO. Patawarin niyo po ako.”
Ikiniskis nito ang mukha sa hita niya tapos ay inamoy pa siya.
Lalo siyang napatanga tapos ay tumikhim siya, “Get up.”
“Hindi niyo po ba ako tatanggalin?”
“Just get up,” aniya pa rito pero makunat ito.
Tumingala ito sa kanya at ngayon ay nasa may tapat na ng bulsa niya ang mukha nito.
Lush had another boner. Sa kanyang isip ay nai-imagine na niya na nakasubo ang p*********i niya sa labi nito.
“Mangako ho kayo na hindi niyo ako tatanggalan ng trabaho,” anitong muling idinikit ang pisngi sa hita niya.
Fuck. Siya pa ba ang dapat na mangako rito ay siya na nga ang sinapak nito ng mop. If he knows, that mop is being used inside the bathroom.
“I will not. Get up now,” napipilitan na sabi niya rito kaya agad itong tumayo at ngumiti sa kanya.
Napansin niya na mugto ang mga mata nito. Sabi nito ay nagkasakit ito kaya um-absent ng tatlong araw.
She's at the brink of losing her job. Ang pang-apat na araw na absent na walang paalam ay termination na ang ihahain ng kumpanya.
“Thank you po. Kakalimutan ko na po na sinilipan niyo ako. Pinatatawad ko na rin po kayo. Magtatrabaho na po ako, b-boss,” sumaludo ito sa kanya tapos ay tumalikod at kinuha ang mga gamit.
He kept on watching. Para siyang nahipnostismo. Pinatatawad na raw siya nito sa paninilip niya. Siya pa talaga ang pinatawad nito.
Naiiling si Lush na pinagmasdan ang bawat kilos nito. Sinong may-ari ng bilyong halaga ng kumpanya ang pumayag na masapak gamit ang isang mop?
Nagsisisi siya ngayon kung bakit si Heart Chavez at Deluxe Montesalvo ang kanyang naging mga magulang.
Sana ay hindi siya naging mabait na tulad ng mga iyon, para ngayon ay tanggal na ang babaeng ito sa kanyang kumpanya dahil sa pananakit nito sa boss, na napagkamalan na isang dakilang multo at manyakis.
Yumukod ito nang dumaan sa harap niya tapos ay kinabig ang pinto. She faked a smile and walked away.
Ang lalaki ng hakbang nitong tinungo ang banyo ng mga babae.
Kaswal siyang humakbang at nakamata lamang dito. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi niya maialis ang mga mata rito.
Balot naman ito ng damit. Her uniform was even loose but he wanted to keep on staring at her.
Hindi ito ang tipo ng babae na tinititigan niya pero may kung ano rito na hindi niya mapangalanan.
She was half crazy, he thought. And no woman had talked to him the way she had talked to him.
All the girls out there seem to please him to keep him entertained, while this one didn't.
“Miss Eduardo,” tawag niya sa dalaha kahit na nasa tatlong metro na ang layo nito sa bilis nitong maglakad.
She stopped and looked back.
“Next time, don't forget to shut the door when you're changing, not all men are decent to just watch at the door. Ayokong magkaroon ng rape issue sa kumpanya ko.”
“Y-Yes po, sir.”
Tumango siya at dumiretso na ito sa paglalakad papalayo. Kung isa siyang rapist, gasino na niyang takpan ang bibig nito kanina at gawin ang kahalayan na nasa utak niya.
DIYOS KO!
Ang bilis na nagtago ni Ruth sa likod ng pinto ng banyo. Ang kaba niya ay abot sa dulong planeta ng solar system dahil sa gwapo niyang boss.
Patawarin siya ni Baron pero pogi talaga si Lush Miguel Montesalvo. Kahit na sa I.D nun ay wala siyang masabi.
Sana all ay pogi to the maximum level.
Sa dami ng lalaki sa mundo ay bakit iyon pa ang pununasn niya ng mop? Mop na ikinukuskos lang naman niya sa mga dingding ng banyo, sa sahig, at paminsan ay sa may toilet bowl na rin.
Agad niyang nakagat ang daliri at saka napaantanda ng krus. Wala pang nakakasilip sa kanya kahit na sino. Oo, kasal na siya pero pinanindigan niyang humarap sa altar na isang babaeng inosente at walang karanasan. Iyon kasi ang pangako niya sa inay niyang namatay kaya iyon ang sabi niya kay Baron.
Sumilip siya sa pinto ng banyo, at natanaw niya ang sir Miguel niya na naglalakad papunta sa exit, malapit sa parking area.
Tumigil iyon at parang nararamdaman na may nakatingin kaya agad na lumingon.
Ganun na lang ang pagtakbo niya papaalis sa pintuan at para siyang tanga na dumiretso sa isang cubicle, nagtago roon.
Ano bang pinagtataguan niya? Sa halip na siya ay maglinis, para siyang tanga na parang tinakasan ng kanyang katinuan.
Ruth sighed and inhaled deeply. Tumayo siya nang tuwid.
Hindi na sila ulit magkikita kaya wala siyang dapat na ikakonsensya kung nasilipan man siya.
Hindi niya iyon kasalanan. Kasalanan iyon ng pinto na hindi kusang sumara kahit nagbibihis siya.
That was right.
Lumabas siya ng cubicle at pinormal ang sariling sistema. Hindi na sila ulit magkikita pa kaya wala ng dapat na ipangamba pa.
Basta hindi siya mawawalan ng trabaho, iyon ang mahalaga.