CHAPTER FIVE

1369 Words
This is it! bulong niya sa sarili. Unang araw ng pasok niya ngayon bilang assistant ni Mayor Alejandro. She was given orders by Mrs. Cruz that she has at least two to four hours as his assistant and in times that she does have exams or events in school, she need not work given that she would tell them ahead of time. Masuwerte siya kung tututusin because she will be well compensated by Alejandro aside from the allowance coming from the municipal budget. Sino ba naman ang tatanggi sa ganoong prebilihiyo di ba? Kaya kahit sungitan at asarin o kaya ay landiin siya ng Mayor na iyon ay hindi siya susuko. Wala siyang paki. Thirty minutes before eight ay nasa munisipyo na siya. Ayaw niyang sa unang araw pa lang ng pasok niya ay late na agad siya. Dumiretso siya sa assigned table niya. Ang sabi ni Mrs. Cruz ay nasa opisina din iyon ng binatang alkalde kaya hindi na siya nahirapang hanapin iyon. A bunch of flowers and a hot coffee welcomed her at the table. But she didn't expect to see him at his table.         "Good morning! And welcome, Miss Acosta!" bati ng binata sa kanya.         "Good morning din po, Mister Mayor!" matipid niyang sagot. Inabala niya ang sarili sa pag-aayos ng mga gamit niya sa lamesa. At kahit nakatalikod siya,alam niyang nakasunod sa bawat niyang galaw ang mata ng binata.         "BOOM!" bigla siyang sumigaw.         "Bullsh*t!" hiyaw ni Alejandro. Halos mag-isang linya ang kilay nito dahil sa ginawa niya. "Why did you do that?" Hindi siguro nito inaasahan ang ginawa niyang panggugulat kaya epic ang naging reaksiyon nito. Napatayo kasi ito bigla.             "Iyong mata niyo po kasi, Mayor. Dinaig pa ang microscope eh. Ano ako? Isang specimen na kailangan ninyong pag-aralan? Kung makatitig, wagas ah...." Naglakad ito palapit sa kanya. Umupo sa ibabaw ng lamesa niya. Tumayo siya upang makalayo rito. Na-suffocate siya bigla ng magkalapit sila ngunit sumunod pa rin ito.         "Ano ba! Lumayo ka nga....Paano ako makakapagtrabaho nito kung inaabala mo ako?" Itinulak niya ito ng sukulin siya sa isang tabi. Hindi siya makagalaw dahil nasa magkabila niyang gilid ang kamay nito at halos dumikit na ang labi nito sa labi niya.             "Sa tingin mo, hindi ko kayang magtrabaho ng mag-isa? I can do everything, baby girl. Even without you, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. It craves for you. It yearns for you. Kaya narito ako sa harap mo, trying to figure out what's happening to me," bulong nito sa kanyang tainga. Pilit niya itong itinutulak ngunit sadyang malakas ito. At kahit na may telang nakapagitan sa balat nila, ramdam niya ang singaw ng init na galing dito kaya natatakot siya na baka ipagkanulo siya ng traidor niyang katawan.             "Alejandro naman eh..." Ramdam niya ng masuyo nitong kagatin ang kanyang balikat. Alam niya, unti-unti na siyang nadadarang. Kaunti pang landi ng binata ay bibigay na siya.             "I love the sound of my name coming from your lips...it would be pretty much amazing when you moan my name either you under me or on top."         "Ano!" sigaw ng dalaga. Tila nahimasmasan siya sa narinig. Nagkamali talaga siya ng pagkakakilala rito. Akala niya suplado ito at masungit. You wouldn't really know a person not unless makasama mo siya. Itinulak niya ito ng ubod lakas. Kahit galit siya ay inisip niya ang maaaring kahihinatnan sakaling magalit ang binata sa kanya. "Alam ba nila na ganito ka landi?" Turo niya sa mga taong nasa labas.             "Hindi ko alam. Pero wala naman akong pakialam kung ano ang iniisip tungkol sa akin. I don't live there way, basta alam kung wala akong inaapakan na tao."             "What about your women? Huwag mong sabihing hindi mo sila naapakan?"             "Baby girl, sa una pa lang, alam na nila kung ano ang meron sa amin. No strings attached. Just fun. Clean fun. I don't do love. I don't do commitments, okay?"             "Then huwag ako dahil lahat ng ayaw mo, iyon ang gusto ko." Padabog niyang kinuha ang ipod na ibinigay ni Mrs. Cruz kanina. Doon nakalista at naka-save ang schedule ng binata for the whole month. Kailangan niya lang daw na i-update iyon sa binata from time to time. Ganoon daw kasi ito. Masyadong unpredictable dahil kapag marami itong oras at naisipang gawin ang isang bagay kahit wala sa schedule ay ginagawa nito. Kaya nawiwindang daw ito minsan.             "You should get ready. In less than thirty minutes, may meeting ka kasama ang lahat ng mga barangay captains," aniya habang nakatingin sa schedule nito. Sobrang hectic iyon.Kadalasan ay halos apat na oras lang ang tulog nito.             "I know, baby girl." Sinamaan niya ito ng tingin. "Stop calling me that....Hindi ka si Massimo para tawagin akong baby girl."             "Who the hell is Massimo? Is he your boyfriend?" Bigla naman siyang kinilig. Imagining Massimo as her boyfriend sounds pretty amazing. Oh my goodness...Kahit anong gawin niya ay hindi niya mapigil ang ngiting kusang kumawala sa kanyang mga labi. Nang tingnan niya ang alkalde, salubong ang kilay nito at mariing nakatitig sa kanya. Tumayo ito at naglakad palapit sa kanya. Huminto ito sa harapan niya, kaunting galaw na lang nito at masasagi na nito ang kanyang dibdib. Hinapit siya nito sa baywang.             "Break up with him."             "Baliw ka ba? Ni hindi nga niya alam na nag-eexist ako sa mundong ito eh." Puno ng pagtataka ang mukha nito. "Nag-iilusyon ka lang ka?" Itinulak niya ito. "Huwag ka nga! Basta siya ang gusto ko." Itinulak niya ulit ito palabas ng pinto dahil anumang oras ay mag-uumpisa na ang meeting nito. Naiinis siya at talagang nagpapatulak pa ito palabas. Mukhang enjoy na enjoy sa pangungulit at paglalandi sa kanya.             Alis na. May meeting ka pa eh," taboy niya rito.             "Then, tayo na,sabay hila sa kanya.             "Bakit kasama ako?"             "Hindi ba sinabi sayo ni Mrs. Cruz that you will be accompanying me whenever I have a meeting?" Nag-peace sign siya dito. "Ay! Oo nga pala..." Sabay silang naglakad palabas. "Time for work, Miss Acosta..." Nagulat siya sa biglang pagbabago ng awra nito. Kanina lang ay mukha itong abnoy sa paglalandi sa kanya. Mukhang fuckboy at easy go lucky. Ngunit base sa nakikita niya ngayon, he had that intimidating and powerful aura that would make you feel uneasy whenever he's around. The whole of his personality speaks authority. Sunod-sunuran naman siya kung saan ito magpunta. Lahat ay tumayo ng pumasok ito ng conference room but he just wave his hands telling everyone to sit. He motioned her to sit at the left side of his designated chair. The meeting was about the upcoming town fiesta where every barangay is expected to participate. Napakaganda ng ginawang plano dahil bawat lugar ay kinakailangang may representanteng grupo upang maghanda ng isang pagtatanghal. Isang milyon ang mapapanalunan ng unang pwesto. Kalahati ng makukuhang premyo ay ilalagak bilang pondo ng barangay at ang kalahati ay mapupunta sa nanalong grupo. Lahat ay nasasabik at talagang pinaghahandaan ang naturang patimpalak na taon taon nang ginaganap             "I'm expecting everyone's cooperation on this one." Pahuli nitong salita bago ito naupo. Mukhang nasiyahan at sumasang-ayon naman ang lahat. Naging atentibo naman ang lahat ng sumunod na ang next agenda ng meeting. Ang tumataas na bilang ng mga batang nagkakaroon ng degue sa bayan nila. Lubhang nakakabahala na dahil may isang barangay na may dalawa ng namatay dahil sa naturang sakit. Hindi niya maiwasang manlumo dahil sa balita. She knows the pain of losing someone at alam niya kung gaano iyon kasakit. Napasinghap siya ng maramdaman niya bigla ang kamay ni Alejandro sa kanang hita niya. Marahang humihimas at pumipisil. Manyakis talaga ang gago! Enjoy ka naman!  sigaw ng isang bahagi ng kanyang utak. Sinamaan niya ito ng tingin ngunit tila walang naririnig ang gago. Nagkukunwaring abala sa pakikinig sa meeting. Sinipa naman niya ang paa nito at mukhang nagtagumpay siya dahil nakita niya ang bahagya nitong pag-ngiwi. Nasaktan siguro.Iyong takong siguro ng sapatos niya ang tumama. Good for him. Abusado kasi eh. narinig niya ang pagtunog ng kanyang cellphone. Agad niya iyong kinuha only to find out that the message came from Alejandro. You'll gonna pay for what you did! In my office after the meeting! Bigla siyang kinabahan. Nang tingnan niya ito, a playful grin was on his face.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD