CHAPTER SIX

1549 Words
Naging sobrang abala nila ng araw na iyon dahil pagkatapos ng meeting nito kasama ang lahat ng mga kapitan ng bawat barangay ay nagsunod-sunod ang mga event at meetings nito. Kasalukuyan silang nasa panghuli nitong schedule for the day, ang pasinaya sa bagong patayo na ospital sa kanilang bayan. Labis ang katuwaan niya ng mabalitaan niya ang naturang proyekto dahil malapit iyon sa kanyang puso. Eversince she was a kid, she always dreamed of working in a hospital where she could serve as a doctor specializing on internal medicine. Pasimple niyang hinimas ang nananakit na binti sanhi ng matagal niyang pagkakatayo.             "Tired already?" She heard a voice coming from behind. A good-looking man was smiling at her. He looks neat and clean but he doesn't give her that vibe and "kilig" she had whenever Alejandro is around. Teka nga lang. Bakit napasok si Alejandro sa isip niya samantalang ibang lalake ang nasa kanyang harapan?            "A little bit, but I'm fine," matipid niyang sagot. Ayaw niya sana itong kausapin ngunit baka magmukha namang siyang bastos.             "I'm Antony by the way. And you are?" Inilahad nito ang kamay sa kanya. Atubili siyang tanggapin iyon dahil nasa trabaho siya. Nang sulyapan niya si Alejandro ay matiim ang pagkakatitig nito sa kanya. His eyes screams danger lalo na ang kamay nitong mahigpit ang pagkakahawak sa bote ng tubig. Maya-maya lang ay ito na mismo ang nag-iwas ng tingin sa kanya.             "Rosaline...Rosaline Acosta," sagot niya. Kinamayan na din niya ito. Ramdam niya ang pagpisil nito sa kanyang kamay kaya agad niyang binawi iyon. Nakita niya ang pagngiti ng kaharap. Humakbang ito palapit sa kanya. "You're so cute." Pa-simple siyang lumayo rito. Nayabangan siya agad dito at hindi niya maintindihan ang naramdaman ng pisilin nito ang kanyang kamay kanina. Parang kinilabutan siya.             "You're new here? Ngayon lang kasi kita nakita eh." Alumpihit siya sa kanyang tayo. Hindi niya gusto ang vibe ng lalakeng ito. Pakiwari ba niya ay may hindi ito gagawing maganda sa kanya.             "Miss Acosta...." Hindi man siya lumingon ay alam niyang si Alejandro ang tumawag sa kanya.             "Yes, Mister Mayor! May kailangan po ba kayo?" Bahagya siyang tumango kay Anthony bilang pamamaalam dito. Agad siyang sumunod sa tupakin niyang amo na malayo na agad ang narating. Kinakailangan niya tuloy lumakad-takbo upang makahabol dito. Sa iksi ng kanyang mga biyas, kinakailangan niyang bilisan upang makaagapay sa lakad nito. Lalo tuloy nanakit ang kanyang binti. Nagulat siya ng bigla itong huminto at humarap sa kanya. "Are flirting with Anthony? May I remind you Miss Acosta. It's still office hours at may trabaho kang dapat gampanan." Halos lumuwa ang kanyang mata dahil sa sinabi nito. "Paano ako makikipag-flirt sa lalakeng iyon?Mukhang manyakis 'yon ah! Mister Mayor, may taste naman ako no! My goodness, mukha lang malinis sa katawan pero 'yong mata, the way he talks and his body languages, nagsusumigaw ng kamanyakan! Hindi pa ako nasisiraan ng bait para patulan ang lalakeng 'yon. Alejandro burst out laughing. Kahit pa nga nasa loob na sila ng sasakyan nito ay hindi nito mapigil ang pagtawa. Kahit si Carlo ay halatang nagulat na nakitang tumawa ang amo nito ng ganoon. Na para bang isang malaking himala ang nangyari. Hawak-hawak nito ang panga ng tumingin sa kanya. Pigil pa rin ang pagtawa. "You are really something, Miss Acosta. Pati ba naman iyon ay napansin mo kay Anthony? Unang beses niyo pa lang na nagkita pero para bang kilalang-kilala mo na siya base sa naging description mo sa kanya." Nagkibit-balikat siya. "Alam ko ang likaw ng bituka ninyong mga lalake, Mister Mayor. Isa yata sa hidden talent ko ang bumasa ng pagkatao ng isang tao kaya sorry na lang siya, alam ko na agad ang hilatsa ng pagkatao ng Anthony na iyon. F*ck and run lang ang gusto noon."             "What?" gulat nitong tanong. Maski si Carlo na nagmamaneho ay nawindang yata at napa-preno bigla.             "Sorry, Mayor." Hinging paumanhin nito.Tumango lang ang binata.             "Bakit ganyan angbibig mo?" bulalas nito. Hindi makapaniwalang nagsalita siya ng ganoon.             "Totoo naman di ba?" tanong niya. Inayos niya ang upo at humarap dito. "Gano'n ka rin naman di ba? Huwag na huwag kang tatanggi at baka masapok kitang gago ka." Carlo burst out laughing. Mukhang hindi na talaga napigilan ang tawa nito. Kahit na ng tingnan ito ng masama ni Alejandro ay hindi talaga ito natigil sa pagtawa. Itinuro ngbinata ang sarili nito. "Ako? Gago? Did you just said na gago ako?" Tumango siya. Totoo naman kasi, eh. Nang tingnan niya ito ay masama ang tingin nito sa kanya ngunit ng mapansin nito na panay ang hilot niya sa kanyang binti ay lumambot ang expression ng mukha nito.             "Does it hurt?'" bulong nito. Hindi na siya nakaimik pa ng umusod ito palapit sa kanya at ito na ngayon ang naghihilot sa binti niya. Pili siyang lumalayo dito ngunit sadyang matigas din ang ulo nito. "Ako na. Kaya ko naman eh," bulong niya. Nahihiya siya, panay kasi ang sulyap ni Carlo sa kanila. He looked amused.             "Ako na nga, okey? Bakit hindi mo sinabi na masakit na pala ang binti mo? Next time, do tell me kapag hindi ka komportable ng magawan natin ng paraan." Banayad ang hagod ng kamay nito sa kanyang balat. Mukhang mas malambot pa yata ang balat ng kamay nito kaysa sa binti niya eh. Napayuko siya ng dumako ang kamay nito sa may sakong niya. Lihim niyang nakagat ang ibabang labi ng hagurin ng hinlalaki nito ang parteng iyon. Nando'n pa naman ang kiliti niya. Pigil-pigil niya ang sariling mapaungol dahil sa swabeng hagod ng mga daliri nito roon.             "Miss Acosta?"             "Huh? Bakit?" When she looked at him, wala siyang makitang emosyon sa mukha nito. Tanging ang pag-igting ng mga bagang nito ang napansin niya.             "Stop biting your lips." A deep and sensual voice came from him. Fire set through her when she stared at his eyes. He looked like a wolf ready to eat his prey. Nakakatakot. Nakakakaba ngunit nakakasabik.             "I'm sorry." That was all she could say. The situation became awkward between them. Mabuti na lang at naramdaman niyang tumigil ang sasakyan. Kahit paano ay doon nabaling ang pansin nilang dalawa. Tumikhim siya. Pilit inayos ang sarili. Nauna na siyang bumaba ng sasakyan dahil pakiramdam niya, hindi na siya makahinga sa loob.             "May ipagagawa ka pa ba,Mister Mayor?" Nalingunan niya itong nakatitig sa kanya.             "Just go home. Ako na ang bahala rito. You should rest. Pahatid ka na rin kay Carlo."             "No! I can manage. Kaya kong umuwing mag-isa." She protest. Ngunit alam niyang wala siyang magagawa sa kagustuhan nito lalo at nakita niya ang pagsenyas nito kay Carlo.             "What about my car?" bulong niya.             "Ako na ang bahala. Just go home and rest, baby girl." Naging pabulong ang huling dalawang salitang binanggit nito. Napanguso siya dahil sa sinabi nito. "Baby girl na naman! Hindi mo naman ako baby, eh."             "Umuwi ka na, Miss Acosta. At pwede ba, tantanan mo na iyang labi mo dahil kapag ako hindi na nakapagpigil pa, baka nahalikan na kita rito. I swear, kahit maraming tao ay hindi ako mangingiming halikan ka." Luminga siya sa paligid. Madami ngang tao. He wouldn't dare to do that!             "You won't do that....nakakahiya," sambit niya.             "Try me, baby girl....just do what I say, okay? Huwag mo nang alalahanin ang sasakyan mo. Ako na ang bahala. It would be at your doorstep this evening." Talagang hindi ito magpapatalo.             "I'll just get my things." Kasabay niya itong naglakad papasok ng munisipyo. Marami pa ring tao kahit mag-aalas singko. Bawat isa ay abala pa rin. Everyone greeted him and he just nods at them. Suplado mood na naman. Nauna siyang pumasok sa opisina nito.             "Ay malanding palaka!" sigaw niya ng malakas nitong isinara ang pinto. Nagulat na lang siya ng maramdaman ang pagyapos ng binata sa kanya.             "I'm tired baby girl," bulong nito. Hindi niya alam ang sasabihin dito. Pilit siyang kumakawala sa pagkakayakap dito.             "Stay still, baby girl." Hinila siya nito paupo sa swivel chair nito. Ang siste, nakaupo siya sa kandungan nito. Hindi naman siya makagalaw dahil nakikita niyang pagod nga ito.             "Umuwi ka na rin at magpahinga. Maraming nangyari ngayong araw na ito at alam kong pagod ka pero pakiusap naman, naaasiwa ako sa posisyon natin. Tsaka paano na lang kung may biglang pumasok at maabutan tayo sa ganitong sitwasyon? Nakakahiya."             "Walang pumapasok dito ng walang pahintulot ko. Kahit na si Mrs. Cruz." She could feel his warm breath fanning at the hollow of her neck.             "Uwi na tayo." she said. He stared at her. "You sounded like a wife asking her husband to go home." Matiim siyang tinitigan nito sa mga mata. Nananantiya. "Wanna go home with me?"             "Why should I?"             "Maybe you could cook for me? Marunong ka naman sigurong magluto."             "Anong akala mo sa akin, walang alam? Try me, Mister Mayor. Asahan mong hahanap-hanapin mo ang luto ko." Her eyes literally shine.               "Palagi naman kitang hinahanap-hanap eh," pabulong na sambit ng binata.             "Anong sabi mo?" tanong ng dalaga.             "Wala! Ang sabi ko, umuwi na tayo ng matikman ko ang luto mo." Ngingisi-ngisi nitong sagot. Kinuha nito ang coat nito na nakasabit sa upuan nito. Isang mabilisang halik ang iginawad nito sa kanya bago ito naunang lumabas ng opisina nito. Naiwan siyang tulala at hindi makagalaw sa kanyang kinatatayuan.         "Naisahan ako doon ah," bulong niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD