Chapter 4- I Saw You Again, Maria•

1559 Words
Third Person's POV Paglapag palang ng chopper na sinasakyan nila Brix ay nagkagulo na ang mga tao sa pagsalubong sa kanila. Ngayon ay siya at si Arthur lang ang bumalik sa Baryo Masingkay. Wala na ang mga doktor at mga volunteers na kasama nila noon dahil ang kanilang pakay ngayon ay i-turn over lang sa kapitan ang mga gamot at pagkain, ito na ang bahalang mag-distribute ng mga iyon sa kanyang mga kababaryo. "Isa po itong sorpresa na bumalik kayo sa lugar namin," tuwang sabi ni Kapitan Hector nang salubungin sila. Naroon sila ngayon sa maliit na tanggapan nito. "Ako man po ay natutuwa na nakabalik dito," tugon ni Brix habang naglilibot ang mga mata at nagpalinga-linga ng tingin sa labas ng bintana. Nagbabakasakali kasi siyang makita si Maria, ang babaeng laging bumabagabag sa kaniyang isipan. Napansin niya si Arthur buhat sa malayo. May kausap itong babae na may sunong-sunong na bilao, seryoso ang usapan nila at panay lang ang tango ng bodyguard niya rito. Laking dismaya niya, lagpas kalahating oras na silang naroroon ngunit ni anino ng babaeng hinahanap ay hindi pa niya nakikita. Napaka imposible namang hindi ito lumabas ng bahay. Napakaliit lang ng Baryo Masingkay para hindi niya ito masilayan. Biglang lumakas ang kabog ng kaniyang dibdib. Hindi kaya may sakit si Maria kaya hindi makalabas ng bahay? Nasagot ang mga katanungan niya nang lumapit si Arthur, sa itsura nito ngayon ay mukhang dismayado. "Sayang, akala ko pa naman makikita ko siya," sabi nito na para bang sarili lamang nito ang kinakausap. Napakunot ang noo ni Clark at hindi na mapigilan pa ang magtanong dito. "Who are you talking about?" aniya. Nagulat naman itong si Arthur nang marinig ang boses ng kanyang amo. Kamot-kamot ulong alumpihit na sumagot ito. "Si Maria, Sir. Wala na pala siya rito sa Baryo Masingkay," tugon nito. Huh! Di yata't... "Bakit saan siya nagpunta?" Ginawa niyang normal lang ang pagtatanong pero ang totoo ay gustong-gusto niyang malaman kung nasaan na nga ba si Maria ngayon? "Ang sabi sa akin ng tiyahin niya ay lumuwas daw ito ng Maynila dalawang araw na ang nakalipas. Nakikiusap nga ito sa akin na kung sakaling makita ko raw si Maria ay tulungan ko siya dahil first time raw nito sa Maynila at wala silang kamag-anak na malalapitan doon. Nag-aalala siya sa pamangkin niya na baka mapahamak ito sa siyudad." Sh*t! Ano ba kasi ang naisip ng babaeng iyon at lumuwas ng Maynila ng mag-isa? I need to see her right away. Iyon ang unang pumasok sa isipan niya at nagmamadali na siyang nagpaalam sa kapitan at sa mga tao roon para umalis. Hindi niya mapigilan na mag-isip ng masama at mag alala para rito. "F*ck!" Napahilamos siya sa sariling mukha sa matinding pagkadismaya. Ang inaasahan niyang mangyari na makitang muli si Maria ay hindi naganap. Bakit ba kasi ganito ang nararamdaman ko? Napaka weird ang hirap ipaliwanag. _ Parang umiikot na ang paningin ni Maria dahil sa matinding gutom. Ang huli niyang kain ay kahapon pa ng umaga bago siya umalis sa Baryo Masingkay at hindi na nasundan pa iyon. Tirik na ang araw at nakasilong lang siya sa isang tindahan tangan-tangan ang kaniyang bayong na naglalaman ng kaniyang mga gamit. Naubos na ang ibinigay na pera sa kaniya ng kaniyang Tiya Lupe. Napagtanto niya na napaka-mahal pala ng mga bilihin dito sa Maynila. Sinubukan na niyang magtanong-tanong sa mga tindahan na naroon ng pwede niyang mapasukan kahit pansamantala. Ang problema ay ni hindi man lang siya nakatapos ng high school kaya walang gustong tumanggap sa kaniya. "Ay naku, Miss, napakarami ngang college graduate diyan hirap makahanap ng trabaho ikaw pa kayang nakapag first year high school lang. Subukan mong sumadya sa palengke, baka doon ay may naghahanap ng mga tindera o kaya naman ay mamasukan kang kasambahay," suhestiyon sa kaniya ng may kapayatang babae na nagtatrabaho sa isang bakeshop. Lalo tuloy siyang pinanghinaan ng loob at nanliit sa kaniyang sarili dahil sa mga sinasabi nito. Hindi niya alam kung nasaan siya ngayon at saan siya napadpad. Ang sabi ng konduktor ng bus na nasakyan niya ay ito raw ang Makati at talaga namang napakaganda ng lugar na ito. Nagtataasan ang mga gusali at lahat ng makita niyang tao ay mga naka pormal na kasuotan. Karamihan sa nakasalubong niya ay nag uusap sa salitang Ingles. Ang linis-linis nilang tingnan at mukhang mababango. Tsk! Dalawang araw na akong hindi nakakaligo. Inilapit niya sa ilong ang suot na damit at hindi na maganda ang amoy niyon, pinaghalong amoy ng araw at asim ng pawis. Pinilit niyang muli na maglakad sa gitna ng tirik na araw. Magbabakasakali siyang makahanap ng makakainan dahil ang totoo niyan ay sampung piso na lang ang laman ng kaniyang bulsa. Ngunit, talagang hindi na maganda ang pakiramdam niya, marahil dala ng pagod at gutom, idagdag pang wala siyang magandang tulog. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad ng bigla na lang siyang natumba ngunit bago pa iyon ay may naramdaman siyang tila sumalo sa kaniya dahilan para hindi siya tuluyang bumagsak sa kalsada. Hindi na niya namalayan ang mga sumunod na pangyayari dahil nagdilim na ang kaniyang paningin. "Miss, are you alright?" narinig niya ang boses ng taong dumalo sa kaniya, bahagya pa siya nitong niyugyog. Sinikap niyang idilat ang mga mata, malabo pero nakita niya ang isang mala anghel na mukha ng isang lalaki. Saglit lang iyon dahil bigla na lang nagdilim ang paligid at para bang nilalamon siya niyon patungo sa kung saan. Hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng malay. _ Buhat sa kanilang kompanya ay pabalik na uli si Brix sa The Vander Suite. Kanina lang ay nagpatawag ng emergency meeting ang kaniyang ama at ang purpose ng meeting ay ipaalam sa kanilang magkakapatid sampu ng mga major stockholders ang turn over of position. Buhat sa pagiging President at CEO ay ibinigay na ni Sebastian Vander sa kaniyang panganay na anak na si Iñigo ang kaniyang posisyon. Matatapos na kasi ang termino ng kanilang ina bilang presidente ng bansa. Napag desisyunan ng kaniyang ama na ito naman ang tumakbo bilang presidente at nag file na ito ng kaniyang candidacy. Malaking hakbang iyon para sa ama ni Brix, kinakailangan na rin niyang i-turn over ang kaniyang posisyon bilang presidente ng business community sa vice president nito na si Gener Montoya. Wala namang kumontra sa naging desisyon nito buhat sa mga taong naroroon. Walang anumang pagdududa kay Brix na ang kaniyang kapatid na si Iñigo ay magiging magaling at mabuting lider. Talaga namang malaki ang tiwala niya sa kanilang panganay na pangangalagaan nito ng maayos ang kanilang kumpanya. Natigil siya sa malalim na pag iisip ng mabaling ang tingin niya sa isang babaeng naglalakad sa gilid ng kalsada sa gitna ng initan, sa kilos nito ay mukhang pagod na pagod. Hindi naalis ang tingin niya rito. "Stop the car!" makapangyarihang utos niya sa kaniyang driver. "Pero, Sir, nasa gitna tayo ng kalsada!" protesta ni Arthur na nakaupo sa may passenger seat. "I said stop the f*cking car!" Hindi niya pinapansin ang sinasabi nito pinilit pa rin niya ang gusto niyang mangyari. Sumunod naman si Mang Ambo at itinigil ang sasakyan kaya dali-dali siyang bumaba buhat dito. Mabibilis ang mga hakbang na ginawa niya, importante ang bawat segundo. "Sir Brix, sa'n kayo pupunta?" Narinig niyang pasigaw na tanong ni Arthur pero hindi na niya ito pinansin, dire-diretso lang siya nang lakad. Sakto naman ng matutumba na ng babae ay maagap niya itong nasalo. "Miss are you alright?" tanong niya rito. Saglit lang itong dumilat at pagkatapos ay ipinikit muli ang mga mata. Sa pagkakapangko niya rito ay nasilayan niyang maigi ang itsura ng walang malay na babae. Sh*t! Hindi ako maaaring magkamali siya ito. Ang babaeng hindi nagpapatahimik sa isipan ko. Nangilo siya sa malakas na sa sagitsit ng gulong. Ang kaniyang sasakyan pala iyon na tumigil sa kaniyang harapan. "Sir, an__" Natigil sa pagsasalita si Arthur, palabas ito ng kotse at nang mapag sino ang pangko ni Brix ay gulat na gulat ang reaksyon nito. "Sir, si Maria 'yan 'di ba?" pagkukumpirma nito. Tumingin lang si Brix sa kaniyang alalay at hindi na sumagot. "Ano'ng nangyari sa kaniya?" tarantang tanong pa nito. "Stop asking! Kunin mo ang mga gamit niya. We need to bring her to the nearest hospital," utos ni Brix, habang inaayos ang kaniyang sarili para bumwelo ng sa gayon ay maiangat niya ito at madala papunta sa loob ng kotse. Mabilis namang tumalima si Arthur at ipinasok ang bayong ni Maria sa loob ng sasakyan. "Sir, ako na po ang magbubuhat sa kaniya," presinta nito. Hindi namalayan ni Brix na nakabalik na pala ito sa kinaroroonan niya. Inunat pa nito ang dalawang kamay para saluhin ang pobreng babae. "Dont...!" pabulyaw na sabi ni Brix sabay iwas ng mga kamay niya kay Arthur na ikinagulat naman nito ng husto. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang napasigaw ng gano'n? Ang tanging alam lang niya ay ayaw niyang madampian ng kahit sino mang lalaki ni dulo man lang ng daliri ni Maria. "F*ck! Are you damn crazy? You're acting like a possessive boyfriend," sabi ng subconscious niya. Kung pwede lang talaga na makapanakit ng tao ay kanina pa niya nagawang masapak si Arthur dahil masyado itong atribido. Pilit niyang isiniksik sa utak niya na concern lang siya sa dalaga at wala ng iba pang kahulugan ang pag aalala niya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD