Chapter 5- I Need Your Help•

1611 Words
Third Person's POV Nagising si Maria sa hindi pamilyar na lugar. Nang ilinga niya ang kaniyang mga mata sa paligid ay puro kulay puti lang ang nakikita ng kaniyang mga mata. Huh! Nasa langit na ba ako? Grabe! kinuha agad ako ni Apo Ibyang, hindi ko pa man nalalaman kung sino talaga ako. Ang nakakalungkot pa do'n at hindi ko matanggap ay namatay ako nang dahil sa gutom. Minsan gusto niyang sisihin ang kaniyang lola kung bakit inilihim nito sa kanya ang tunay niyang pagkatao? Hanggang sa mamatay ito ay hindi man lang nabanggit nito kung sino talaga ang tunay niyang mga magulang? Nakaramdam na naman siya ng lungkot kapag naaalala niya si Apo Ibyang. Ito na ang nag alaga sa kaniya simula pa ng mamatay ang mga kinilala niyang mga magulang. Ngayong wala na ito pakiramdam niya ay mag isa na lang siya sa mundo. Kahit hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kaniya sa pagluwas niya sa Maynila ay nakipagsapalaran pa rin siya dahil sa pinanghahawakan niyang kwintas. Hindi niya alam kung bakit wala siyang alala noong siya ay bata pa. Ang mga alaalang nasa isip lamang niya ay noong siya ay walong taong gulang na. "Oh… I'm so glad that you're awake now!" Napakislot siya nang may bigla nalang magsalita sa gawing kanan niya at ng lingunin niya kung sino ang nagmamay ari ng tinig na iyon ay lalo lang niyang napatunayan na tama nga ang kaniyang hinala. Patay na nga talaga siya dahil ang kaharap niya ngayon ay napakagwapong lalaki na nakasuot ng puti. Nakangiti ito sa kaniya na lalong nagpatingkad ng kagwapuhan nito. Sa tingin niya ay isa itong anghel o di kaya ay isa sa mga alalay ni San Pedro. Napa kurap-kurap ang mga mata niya. Siguro ito ang anghel na susundo sa akin. "I will call my brother, he need to know about this!" sabi nito sabay labas ng aparato buhat sa bulsa ng mahabang puting damit na suot nito. Pinag pipindot ang kwadradong hindi kalakihan na bagay na iyon at maya'y itinapat sa kaniyang tenga. "As you told me, she's awake now, you can pick her up," pagbabalita nito sa kausap, walang ideya si Maria kung sino ang kinakausap nito. "Yeah... sure! Okay bye!" sabi na naman at pagkatapos ay ibinulsa na uli ang kwadradong bagay na iyon. Hmm... Si San Pedro siguro ang kausap niya at ipina paalam na nandito na ako sa langit. Hindi rin naman pala masama dahil sa langit naman pala ako napunta. Nandito rin kaya si Apo Ibyang? Kahit madalas akong kagalitan nun ay mabait naman ang lola kong 'yon kaya sigurado akong nandito rin siya. "Hi! By the way, I am Dr. Clark Vander," pagpapakilala nito. "Hinimatay ka kanina sa daan at dinala ka rito ng kapatid ko," dagdag na sabi pa nito. Waaahh... Doktor daw... Ibig sabihin lang no'n hindi pa talaga ako patay. Baka naman ito 'yung tinatawag nilang ospital? "So what's your name?" tanong ni Clark kay Maria. Napansin niyang parang maraming iniisip ito at hindi pamilyar sa kaniyang mga nakikita. Hindi niya alam kung saang lugar nanggaling ang babae at kung bakit parang napaka inosente nito sa mga bagay-bagay? Ano raw? Nag- Ingles siya, ito ang unang pagkakataon na may kumausap sa akin ng ingles. Paano ko ba sasagutin ang tanong niya? Natataranta na napatingin si Maria sa batang doktor. Isip-isip, balikan mo ang mga napag aralan mo sa eskwelahan, Maria. Bigla na lang may nagliwanag sa utak niya. "Tama! Oo tama... Ma-Maria ang pangalan ko," tuwang sabi niya. "Oh... Maria, what a beautiful name?!" bulalas ni Clark. "Any moment darating na ang kapatid ko, hintayin mo na lang at siya na ang bahala sa'yo. Maiwan muna kita rito may mga rounds pa akong gagawin, marami akong pasyente ngayong araw. Huwag kang mag-alala mag papunta ako ng nurse rito para may makasama ka." Kiming napangiti si Maria, bukod sa gwapo na ang doktor na ito ay mabait pa. _ Nang makatanggap ng tawag si Brix buhat sa kaniyang kapatid na si Clark ay nagmamadali na siyang lumabas ng kanyang opisina. Hindi niya sigurado kung ilang minuto na siyang nakatayo sa harapan ng saradong pinto. Nag aalangan siyang kumatok. Nagulat siya. Nang ia-angat na kasi niya ang kaniyang kamay ay bigla na lang bumukas ang pinto. "Si-sir Brix!" gulat na sabi ng nurse. Hindi nito inaasahan na mabubungaran niya si Brix Vander, ang isa sa anak ng may ari ng ospital na kaniyang pinagtatrabahuhan. Ngumiti ang binata rito na gusto sana niyang pagsisihan dahil hindi na napigilan ng nurse ang sarili na mapatili. Tingin niya ay sobrang kinilig ito sa simpleng ngiti lang na ibinigay niya rito. Gusto niyang matawa ngunit pinigilan niya ang sarili. Umakto siyang pormal sa harap nito. "How's the patient?" tanong niya ng maalala ang kaniyang pakay. "Yung nasa loob po ba, Sir?" nag-aalangan na tanong din nito sa kaniya. "Yes!" matipid namang sagot niya sabay tango. "Okay napo siya, Sir." "Good! Please settle her bills now and charge it to my account. Dr. Vander told me that she can be discharged at any moment." "Girlfriend niyo po ba siya, Sir?" Biglang natigilan ang binata, hindi niya inaasahan ang tanong ng kaharap kaya naman nangunot ang noo niya. Why is she so careless? She's not thinking before speaking. "I think it's too personal for you to ask! But to satisfy your curiosity I will answer your question." Huminga muna siya nang malalim bago muling nagsalita. "She's not my girlfriend. I'm just here to help her, okay? So please do what I've told you or else I will report you to your superior for being so unprofessional," banta niya rito. Shit... why am I doing this? I don't owe her an explanation anyway. "I'm so sorry, Sir!" yuko ang ulo at hiyang- hiyang paumanhin ng nurse kay Brix. Hindi kasi niya napigilan ang kuryosidad. Nakita niya kanina si Brix ng dalhin nito ang babaeng walang malay dito sa ospital, sobrang alala ang itsura nito. "It's okay! But next time, know your job. Be professional when it comes to work. I don't want you to talk about my personal matters here, okay? Now, tell my brother that we're leaving." Hindi na niya hinintay na makasagot ito, agad na siyang pumasok sa loob ng silid at lumabas naman ang nurse. ~ Hindi maiwasan ni Brix na humanga sa maamong mukha ng babaeng nasa kaniyang harapan. Namangha ito at napatutop sa bibig ng makita siya na pumasok ng silid. "Pamilyar ang mukha mo, mister, parang nakita na kita," napapaisip na sabi ni Maria. "Yes! Remember the medical mission sa Baryo Masingkay? Kami ang nag-facilitate non," pagpapaalala ni Brix. Natampal ni Maria ang sariling noo. "Ay oo nga ikaw nga iyon!" bulalas nito. "Ano'ng ginagawa mo rito, doktor karin ba kagaya nung gwapong tumingin sa akin kanina?" tanong niya sa binata. F*ck sinabi ba niyang gwapo si Clark? Tsh! Di hamak na mas gwapo ako dun, eh! Baka naman binigyan siya ng killer smile ng magaling kong kapatid. Tsk! Yari talaga siya sa akin mamaya! "No… I'm not, pero yung tinutukoy mong gwapong doktor ay kapatid ko," may diin sa salitang sabi niya. Ewan ba niya kung bakit bigla nalang siyang nakaramdam ng inis? "Ah! Ikaw pala yung sinabi niyang kapatid niya na tumulong sa akin. Naku... maraming salamat sa' yo, mister." Bahagya pa itong yumuko ng may paggalang. Sa ginawing iyon ni Maria ay nabawasan ng konti ang inis ni Brix pero hindi parin niya matanggap na mas gwapo si Clark sa paningin nito. Parang gusto niyang umapela. "So, saan ka nga pala nakatira ngayon para maihatid na kita sa inyo?" Biglang natigilan si Maria sa tanong na iyon, buhat sa pagkakaupo sa kama ay tumayo ito at tumungo sa mahabang sofa kung saan nakapatong ang dala niyang bayong na naglalaman ng mga importanteng gamit niya. Lumapit naman si Brix dito. Nang wala siyang matanggap na sagot buhat sa dalaga ay pinanood na lamang niya ang ginagawa nito. Binuksan nito ang bayong at para bang may hinahanap sa loob niyon. Isang puting sobre ang inilabas nito buhat doon at tuwang dinala sa kaniyang dibdib. "Ang totoo po niyan, Sir, wala po akong matitirhan. Dalawang araw na akong pagala-gala rito sa siyudad at wala na rin akong sapat na pera para makabalik pa sa amin," kiming sabi nito. May isang bahagi ng puso ng binata ang nakaramdam ng awa para sa dalaga ng marinig ang sinabi nito. Ang hirap naman pala ng pinagdadaanan niya ngayon, kung wala itong tirahan ay siguradong wala rin itong matinong kain. "Gusto mo bang tulungan kita para makabalik sa Baryo Masingkay?" alok niya. Pilit niyang sinasalubong ang tingin ng dalaga ngunit sadyang mailap ang mga mata nito. May halong hiya at takot ang mga kilos nito at hindi naman niya ito masisisi. Sa panahon ngayon ay mahirap magtiwala lalo na't hindi mo pa lubusang nakikilala ang taong nag aalok sa'yo ng tulong. "Hindi na po ako babalik dun, Sir!" "Huh! Bakit?" nagtatakang tanong niya. "Dahil may gusto po akong hanapin dito sa siyudad. Bago namatay ang Apo Ibyang ko ay kabilin-bilinan niya sa aking lumuwas ako rito sa Maynila at hanapin ko raw ang tunay kong pamilya." Natigilan si Brix. Kaya pala ibang-iba ang itsura nito sa mga tao doon dahil hindi naman pala siya lehitimong taga Baryo Masingkay. "Ganu'n ba? So, ano ang plano mo ngayon?" interesadong tanong niya. "Pu-pwede po ba akong magtrabaho sa inyo, Sir? Kailangan ko lang ng libreng tirahan at pagkain. Pansamantala lang naman hangga't hindi ko pa nakikita ang totoo kong pamilya," nakikiusap ang mga mata nito. Saglit na natahimik ang binata at hindi nakaimik. Maibibigay ba niya ang kahilingan ng dalaga?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD