Chapter 9- Uninvited Vistor•

1949 Words
Third Person's POV Sa Japanese restaurant na pag aari ng mga Vander sa loob din ng GAV Supermalls napiling kumain ni Brix. "You can use fork and spoon, Maria. Huwag mong pilitin gamitin ang chopsticks kung hindi mo kaya," natatawa na napapa-iling na sabi ng binata. Paano ba naman ang California Maki ay tinusok nito ng chopsticks na akala mo fishball. Ngumiti si Maria rito sabay nanulis ang nguso. "Okay lang, Sir, kaya ko 'to," tugon ng dalaga na ngayon ay namumutok na ang pisngi dahil sa pagsalaksak ng tatlong rolls ng sushi sa kaniyang bibig. Nangingitim na rin ang nguso nito dahil kumalat na ang pinagsawsawan nitong sauce sa labi niya. "Hahaha! Ang cute napaka inosenteng tingnan," sabi ng isip ni Brix. Tuwang-tuwa siya sa mga kinikilos ni Maria. Saglit siyang nawala sa sarili dahil parang may magnet na humigop sa kaniya sa kung saan, dahil sa pagkakatitig niya sa dalaga. "Sir! Ano 'tong kulay berde na 'to? Masarap po ba ito?" tanong ni Maria ng maubos ang laman sa bibig. Hindi kaagad nakasagot si Brix dahil abala ang utak niya sa pag iisip ng ibang bagay. Huli na nang marinig niya ang tanong ng dalaga. Nang lingunin niya ito ay nanlaki ang kaniyang mga mata. Ughhh! "Maria, noooo...!" tarantang sabi niya. Pinigilan niya ang dalaga ngunit huli na ang lahat, na-isubo na nito ang wasabi. Ang buong akala ng dalaga ay panghimagas iyon na may matamis na lasa. Ngunit sa malas ay nagkamali pala siya. "Wahhhh... Ang anghang! Woooooo! Awoooooo!" Tarantang pinaypay nito ang sariling kamay sa kaniyang bibig. Naagaw ang atensyon ng mga customer sa dalawa. Karamihan ay natatawa sa naging reaksyon ni Maria. Kahit si Brix ay hindi maiwasan na matawa. Agad niyang binigyan ng isang basong iced tea ang dalaga para kahit papaano ay mabawasan ang nararamdaman nitong init sa kaniyang bibig. Halos ipaligo na ni Maria ang inumin sa pagkataranta. "Huh! Bakit ba hindi ko magawang ikahiya na siya ang kasama ko?" tanong ng binata sa kaniyang sarili. Para sa kaniya ay ibang-iba si Maria sa mga babaeng kilala niya. Wala itong kaarte-arte sa katawan. Hindi ito natatakot na kumain ng marami dahil hindi ito conscious sa kaniyang sarili at higit sa lahat wala itong pakialam kahit pumangit pa ang kaniyang mukha basta kain lang ito nang kain. Napaka natural niyang talaga. At bawat araw na nakikilala niya ang ugali nito ay lalo lang siyang humahanga rito. _ "Oh, another girl!" Napaawang ang bibig ni Ms. Nuñez nang makita si Maria. Ibinaba pa nito ang suot na salamin para masilayan ng husto ang kabuuan ng dalagang kasama ni Brix. Sinadya ng dalawa ang opisina nito. "What can I do for her, Brix?" tanong nito habang ang tingin naman ay hindi inaalis kay Maria. "I want you to help her para makapasok sa university," sagot ni Brix na ngayon ay naka de kwatro ng upo sa mahabang itim na leather sofa. "As you were saying a while ago, she's an undergraduate from high school. Let me see what I can do, Brix. I will consult this to Alekzander High first." Nginitian nito si Maria at agad na naging komportable ang dalaga. Pakiramdam niya ay mabait si Ms. Nuñez at magaan naman agad ang loob nito sa kaniya. "Thanks for the help, Miss Nuñez," sabi ni Brix, bigla na lang itong tumayo buhat sa kinauupuan dahilan para tingalain ito ni Maria. "Will you please stay here for a while, Maria? I'll visit Dad at his office. I'll be back, just give me a minutes," paalam niya sa dalaga na tinanguan naman nito. Malalaking hakbang ang ginawa niya para makalabas agad ng silid na iyon. "The same feeling that I felt when I first met the two ladies, Jilliane and Isabela," sabi ni Ms. Nuñez na kanina pa pala pinagmamasdan si Maria. Napakunot ang noo ng dalaga, hindi niya alam kung sino ang tinutukoy nito. May binanggit itong mga pangalan ng babae ngunit hindi naman pamilyar sa kaniya. "Po! Sino po si Jilliane at Isabela?" tanong niya. Umayos muna ng upo ang kausap bago sumagot. "You will know them in time," makahulugang tugon nito. Nadismaya si Maria sa sagot nito ngunit hindi na siya nagpumilit na magtanong pang muli tungkol doon. _ Alas tres ng hapon ng makabalik sila sa The Vander Suite. "Papasok na ako sa kwarto ko, ikaw rin. Take a rest, I know you're tired," sabi ni Brix sa dalaga. Inabot nito sa kaniya ang mga paper bag na naglalaman ng mga pinamili nila kanina sa GAV Supermalls. "Thank you, Sir! Maraming salamat sa lahat," seryosong sabi niya sa binata. Nag uumapaw ang kasiyahan sa puso niya. Napatunayan niya sa kaniyang sarili na talaga palang mabait si Brix at lalong tumataas ang respeto niya rito. Manghang napatingin si Brix kay Maria. "Don't thank me yet, wala pa naman akong ginagawa," sabi nito at saka lumakad palayo sa dalaga at patalikod na kumaway pa ito sa hangin. Naiwang tulala si Maria. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang may ibang taong nagpapahalaga sa kaniya ng ganito bukod sa kaniyang kinamulatan na pamilya. Pakiramdam tuloy niya ay isang anghel si Brix na ipinadala ng langit para tumulong sa kaniya. Nakakataba ng puso na ang isang Brix Vander, anak ng presidente ng bansa, hotelier, top caliber prosecutor, sikat na modelo at young billionaire ay nag aaksaya ng kaniyang oras para lang sa isang hamak na babaeng lumaki sa bundok na kagaya niya. Dahil sa pagod ay nakatulugan na niya ang pag iisip sa binata. _ Naalimpungatan si Maria sa sunod-sunod na tunog ng doorbell. "Huh! Alas siyete na pala ng gabi!" gulat na sabi niya nang makita ang oras sa orasan na nakapatong sa side table ng kaniyang kamang kinahihigaan. Napabalikwas siya nang bangon at lumabas ng kwarto para bumaba ng mapag sino ang istorbong walang tigil sa kapipindot ng doorbell. Pagbukas niya ng pinto ay isang napakaganda at mala-dyosang babae ang bumungad sa kaniya. Kumikinang sa puti at kinis ang mala porselanang kutis nito na kahit yata ang lamok ay mahihiyang dumapo. "Are you done scanning me?" mataray at taas ang kilay na tanong nito kay Maria. Halata ang iritasyon sa mukha nito. Bahagya pang nalukot ang mukha pero hindi naman naging dahilan iyon para mabawasan ang papunta na sa pagiging perpektong itsura nito. Para siyang isang buhay na manika. Ang damit ay halatang mamahalin, napaka-sosyal niyang tingnan sa suot na black tube dress na binagayan ng kahali-halinang mga alahas sa katawan kagaya ng kwintas, purselas at iba pang mga burloloy. Hindi niya lubos na maipaliwanag kung gaano ito ka-ganda at para bang sa kaniya lang talaga babagay ang mga suot niya ngayon. "Ha… ah-eh!" nagkandautal-utal na tanging nasabi ni Maria. Na-starstruck siya sa kagandahang taglay ng kaniyang kaharap. "Who are you? What are you doing here?" iritadong tanong nito kay Maria, habang itinutulak ang pinto upang lumaki ang awang at siya'y makapasok. "Huh! Ang ganda niya talaga at ang seksi pa!" humahangang bulong ni Maria sa kaniyang sarili. Inikot-ikot naman ng estrangherong babae ang tingin sa paligid na wari bang may hinahanap. "Sisa!" Sabay napatingala ang dalawang dalaga sa hagdan ng marinig ang boses na nanggaling sa itaas. Si Brix ay hindi nila namalayan na pababa na pala. Madilim ang mukha nito at walang kangiti-ngiting nakatitig lang sa magandang babae. "Huh! Tinawag siya ni Sir Brix na Sisa? Ang gandang babae tapos Sisa ang pangalan!" bulong na naman ni Maria sa sarili. "Brixton!" tuwang sabi ng babae pagkakita sa binata. Nagniningning ang mga mata nitong sinugod ng yakap si Brix. Sa pagkabigla naman ng binata ay nag aalangang napayakap na rin siya rito. Medyo nagliwanag na ang kanina ay madilim nitong mukha at kalmado na siyang tingnan ngayon. "What made you here?" tanong ni Brix dito matapos kumawala sa pagkakayakap nito. "Aren' t you happy to see me? I'm back for good, Brixton. I miss you so much!" masaya ngunit mangiyak-ngiyak na sabi nito. "You've changed a lot, Criselle!" walang ganang sabi ni Brix na hindi man lang pinansin ang sinabi ng magandang niyang bisita. "Come' on sweety! Please, don't get mad at me! I'm here because I love you and I can't live without you!" seryosong sabi nito na yumapos pa sa braso ng binata. Ngunit pinalis lang ni Brix ang kamay nito. Sa gulat ni Maria ay bigla nalang pumihit si Brix paharap sa kaniya. Hindi niya inaasahan iyon at sobrang nataranta siya, hindi niya malaman kung ano ang gagawin? Parang gusto na lang niya na maglaho dahil sa kahihiyan. Ano ba naman kasi ang ginagawa ko rito? Bakit pinanunuod ko sila? Dapat talaga kanina pa ako umalis at iniwan sila. Nagawa ko pa talagang manatili ng matagal, na para bang nanonood ako ng shooting sa pelikula. Tsk! Ang ganda at gwapo naman kasi ng dalawang 'to, dinaig pa ang mga sikat na artista. Hindi niya gawain na makiusyoso sa buhay ng iba. Kaya lang ay hindi niya napigilan na pagmasdan ang mga ito, napakaganda kasi nilang tingnan, bagay na bagay sila. Hindi niya maipaliwanag kung bakit parang may kumikirot sa puso niya at nakaramdam siya ng kalungkutan. Sa isip niya sa ganun ka-gwapong si Brix ay natural lang na magandang babae ang magugustuhan nito. "Naku, pasensya na po kayo, Sir! Sige po pupunta lang ako sa kusina." Yuko ulong lumakad siya palayo sa dalawa, hindi na niya hinintay na magsalita pa si Brix dahil baka pagalitan lang siya nito. Alam naman niya na masama ang nakikinig sa usapan ng may usapan. Nang makarating siya sa kusina ay diretso agad siya sa parang kabinet sa laking ref at kumuha ng isang bote ng mineral water. Bigla siyang inuhaw sa nerbiyos. Akala niya ay hindi na niya malulusutan ang sitwasyong iyon. Mabuti na lang ay pinalampas lang ni Brix ang kagagahan niya. Sa sobrang uhaw niya ay naubos niyang lahat ang laman ng plastik na bote. "Inuhaw ka, ah!" Napalundag siya sa sobrang gulat nang bigla na lang may magsalita kung saan. Ang hawak niyang basyo ng mineral water ay naihagis niya. Pinilit pa niya itong habulin para saluhin ngunit tuluyan na itong bumagsak sa sahig. Sa pagkakaalam niya ay mag isa lang siya sa kusina kaya nagulat siya nang bigla na lang siyang may narinig na boses. Inilinga niya ang mga mata sa paligid at napaawang ang kaniyang bibig ng makita si Arthur na maganang kumakain sa lamesa. Namumutok ang mga pisngi nito sa dami ng nakasaksak na pagkain sa bibig. "Huh! Ano'ng ginagawa mo rito?" takang tanong niya. Uminom muna ito ng isang basong tubig bago sumagot. "Aahhh... ang sarap talaga kumain!" sabi pa nito sabay himas ng tiyan. Ang pagkain na galing sa sikat na restaurant na nasa loob din ng The Vander Suite na para sana kay Brix ang nilantakan nito. "Hala! Kay Sir Brix 'yan, bakit mo kinain?" "Tsh! Hindi 'yon kakain dito, nandyan si Miss Criselle, eh!" balewalang sagot nito. Napamaang siya habang nakatingin sa kausap. "Nakita mo na ba ang girlfriend ni boss?" tanong nito. Girlfriend? Huh! Nobya pala ni Sir Brix ang babaeng iyon kaya naman pala ganun nalang kung makayakap ito sa kaniya. Bigla nakaramdam ng panghihinayang ang dalaga. Sa una palang nilang pagkikita ni Brix ay humanga na siya ng lubos dito pero hanggang paghanga lang iyon. Sino ba naman siya para magustuhan nito at ang isiping pareho sila ng nararamdaman para isa't -isa ay malaking kahibangan. Suntok sa buwan na magustuhan siya ni Brix Vander. Lalo pang nawalan na siya ng pag asa ng malaman niya na nobya pala nito ang napakagandang babaeng iyon at hindi basta bastang babae dahil ang sabi ni Arthur ay isa raw itong International Supermodel. Tsh! Ano nga ba ang panama niya sa kagaya ni Criselle Limtuangco?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD