Brix's POV
I heard a rustling sound coming from nowhere and when I spotted the time on the wall clock, it's already seven o' clock in the evening. I can't believe that I slept for almost four hours. I got curious about what was going on outside so I grabbed my shirt and walked out of my room.
Pagbaba ko ng hagdan ay bahagya akong nagulat ng makita ang hindi inaasahang bisita.
"Sisa!" I utter an exasperated snort.
I was surprised. What the heck is she doing here? It's been two years… two long years that I haven't seen her.
Brixton!" Masayang yumakap ito sa akin. Nabigla ako at hindi ko inaasahan iyon. Alanganing napayakap na rin ako sa kaniya. My agitated feelings calmed down a little.
"What are you doing here?" I asked, pinilit kong kumawala sa pagkakayakap nito.
"Aren't you happy that I'm back?" tanong nito na hindi naalis ang mga ngiti sa mapupula niyang labi.
"I miss you so much, sweety!" bulalas nito.
"You shouldn't be here, Criselle!" Walang ganang sagot ko na hindi man lang pinansin ang mga pinagsasabi nito.
"Oh, sweety! I know you're mad at me. I know that it's my fault and I'm here to fix things between us. I love you so much, sweety!" seryosong sabi niya na yumapos pa akin at humilig pa sa dibdib ko.
Iniwas ko ang sarili ko rito.
Ano ang mga narinig ko? Gano'n lang ba kadali sa kaniya 'yon? She left without me knowing. She didn't even say anything and just left me. Then, I would just find out from others that she accepted a contract in another country to become an international model. Dalawang taon na hindi siya nagpaparamdam sa akin. She took me for granted and didn't even consider my feelings before making a decision. We've been in a relationship for four years. Tapos wala lang pala ako sa kaniya. Napakasakit nun para sa akin. I've been betrayed by the woman I love.
Bigla ay naalala kong bukod sa aming dalawa ay naroon din si Maria. Nang pumihit ako sa direksyon nito ay nakakita ako ng parang tulirong pusa na hindi malaman ang gagawin. Nagpaalam itong may kukunin sa kusina kaya sinundan ko lang ito ng tingin hanggang sa makalayo.
Tsk! Bakit ngayon ko lang naalala na naroon nga rin pala siya?
I heaved a long sigh at pagkatapos ay
bumaling ako kay Criselle na hindi ko namalayan na nakatitig pala sa akin na para bang pinag aaralan ang mga kinikilos ko.
"Who is she?" she curiously asked.
"We need to talk!" Again hindi ko na naman pinansin ang tanong niya.
I don't owe her an explanation anyway. Sa tagal niyang nawala sa buhay ko, I don't think she deserve to question me of what I am doing.
_
"I don't know what you are up to, but let me clear things here. I have nothing to do with you anymore and you have nothing to do with me either. It all started the very first day that you left me. You know how hard it is for me, Criselle?" Ayoko siyang sumbatan pero parang ganun narin ang nangyayari.
"Ang sakit dahil para akong tangang araw-araw naghihintay sa'yo, umaasang babalik ka pa. I accepted the fact that you chose your career over me. So, what's the point of coming back? Para muli na naman akong saktan, ganun ba?" Puno ng hinanakit na napahilamos ako sa sarili kong mukha.
"Sweety, please listen to me! Oo, malaking pagkakamali na hindi ako nagpaalam sa 'yo. Natatakot kasi akong baka hindi ka pumayag. Nasilaw ako sa kasikatan. Nang may mag offer sa akin ng contract coming from a prestigious fashion magazine, I grabbed it. I'm so sorry pero hindi ko magawang tanggihan ang once in a lifetime opportunity na iyon. It opened many doors for me. Lunod na lunod na ko sa kasikatan and that time, I must admit that I have forgotten you. Please! give me another chance to prove to you how sorry I am, I'm begging you!" she said while crying.
F*ck! What I hate the most is to see her crying in front of me. It made me weak.
"I love you... mahal na mahal kita!" Patuloy parin ang pag iyak niya.
Napa buntong hininga ako nang malalim.
"Will you please stop crying? Okay... let's see what will happen next," wala sa sariling nasabi ko.
Biglang nagnining ang mga mata niya sa narinig buhat sa akin.
"Does that mean that I'm forgiven?"
Sunod-sunod ang aking naging pag-iling.
Pinapatawad ko na nga ba siya sa mga ginawa niya sa akin? Ganun na lang ba kadali 'yon?
"Do you still love me?" tanong niya.
Huh!
I swallow a lamp on my throat. I don't know the answer to her question.
Mahal ko pa nga ba siya? Hindi ko alam, naguguluhan ako.
"Ye-yes!" tulirong sagot ko.
"Really! I love you too, sweety! I love you so much!" Pagkatapos sabihin iyon ay ginawaran ako ng banayad na halik sa aking labi. I can't help it, gumanti rin ako ng halik dito.
Damn! Why am I doing this?
Susugal na naman ba ako para muling masaktan?
_
"I heard she's here."
Napalingon ako sa aking kapatid na si Clark. Nasa isang sikat na coffee shop kami ngayon.
"Who?" maang na tanong ko.
"Tsh! You know what I'm talking about, Brix."
Ngumisi ito at tinaasan pa ako ng kilay.
"Oh, you're referring to Criselle," walang ganang sabi ko.
"I'm glad you're back together!" anito.
As in, really? Nang tingnan ko ang aking kapatid ay mukhang seryoso naman siya sa kaniyang sinabi. He really mean it.
"Hindi ko alam kung tama nga bang ginawa kong makipagbalikan sa kaniya?"
"Why? Hindi mo na ba siya mahal?"
"I don't know, I'm so confused!"
"Tsk! Mahirap 'yan, bro. Dapat sigurado ka sa nararamdaman mo. Baka ginawa mo lang 'yan dahil naawa ka sa kaniya."
Bigla akong natigilan.
Hindi kaya tama ang kapatid ko? Naawa lang ba ako kay Criselle, kaya hinayaan ko na lang na magkabalikan ulit kami?
"Nasan na nga pala yung girl na dinala mo sa Vander Hospital three months ago?" pag iiba nito ng usapan.
"Huh! Bakit mo tinatanong?" I asked in pure confusion.
"Wala lang!" sagot naman nito sabay kibit balikat.
"She badly need help. I hope tinulungan mo siya after niyang makalabas ng hospital." He sighed
"She's in my penthouse."
Nanlaki ang mga mata nito sa pagkabigla, gulat na gulat sa sinabi ko.
"You're living together? Is she the reason why you're doubting your feelings for Criselle?" sunod-sunod na tanong niya.
Parang gusto kong matawa sa reaksyon nito.
"Tsh! Live-in? Baliw! What made you think that I will do that? She's working for me, bro! She takes care of my pad. She's my personal maid," pagkaklaro ko.
"Oh, okay! I believe you, sinabi mo, eh! Anyway she's pretty. I'm sure you already notice it before me," pilyong sabi sabay makahulugang ngumiti.
Tsk! Ang weird niya!
_
"Sir Brix!" Napatigil ako sa pag-akyat ng hagdan ng marinig ko ang tawag na iyon ni Maria kaya naman pumihit ako paharap dito.
"Yes?" nakangiting sabi ko.
Parang nahihiyang lumapit ito sa akin. Dahil nasa ikalimang baitang na ako ng hagdan ay ginawa nitong umakyat para tuluyang makalapit sa kinaroroonan ko. Ngunit, nang nasa ikaapat na baitang na siya ay bigla siyang na out of balance. Mabuti na lang at naging maagap ako, nasalo ko siya dahilan para hindi siya tuluyang mahulog.
Pe-pero ano itong nangyayari?
Nagtagpo ang aming mga mata habang yakap ko ang kaniyang bewang. Siya naman ay nagulat at bahagya pang naka awang ang bibig habang nakatingin sa akin.
Ewan ko ba, pero totoo palang nangyayari 'yong nabasa ko sa mga libro at napapanood sa tv yung parang tumitigil ang mundo kapag may kaharap kang tao na may espesyal na bahagi sa puso mo. Hindi ko tuloy magawang alisin ang mga mata ko sa maamo niyang mukha.
"Ehem!"
Sabay kaming napalingon ng biglang may tumikhim.
Inayos ni Maria ang sarili at diretsong tumayo ngunit bahagyang iniyuko ang ulo. Parang bigla itong nahiya kay Arthur dahil sa inabutan nitong sitwasyon namin.
"Oops! Pasensya na, boss. Saan ko ba ilalagay ito?" tanong nito sabay taas ng kamay na ipinapakita sa akin ang kaniyang dala.
Oo nga pala. Naalala ko, binilhan ko nga pala ng bagong laptop si Maria para makapag simula na siya sa online class niya.
Kumilos lang ako ng normal na para bang walang nangyari. Hindi ako nagpahalata na masyado akong naapektuhan sa naganap na iyon sa amin kanina.
"Give it to Maria, sa kaniya 'yan," tugon ko.
"Hoh!" bulalas ni Maria, hindi makapaniwala ang itsura niya.
"Magagamit mo 'yan para sa pag-aaral mo. Don't worry, tuturuan ka ni Arthur kung paano gamitin 'yan."
"I se-set up ko na 'to sa sala, Maria. Ituloy n'yo lang ang ginagawa n'yo ni boss. Isipin n'yo na lang na wala ako rito," may himig panunudyo na wika nito.
Tsh! Ang sarap talagang kutusan nitong si Arthur. Wala naman kaming ginagawang masama, ah!
Nang mapabaling ang tingin ko kay Maria ay pulang-pula ang pisngi nito.
Lihim akong napangiti.
Lalo siyang gumaganda kapag nagba-blush siya.
Huh! Bakit ko ba naisip 'yon?
Tsh! Hindi naman siguro masama ang humanga?