Maagang bumangon sa kaniyang higaan si Brix hindi ito ang normal na gising niya. Dala iyon marahil ng maaga siyang natapos sa trabaho kagabi kaya maaga rin siyang nakatulog. He even had time to read news on the internet while drinking coffee.
His attention was caught by an article coming from the business community about him and his brothers Iñigo and Clark. The news tackled about the achievements they have made individually.
Proud siya sa mga kapatid niya at sa mga achievements ng mga ito. They are making names by themselves hindi lang dahil sila ay mga Vander kundi dahil may kani-kanya silang mga talento at kakayahan.
Nang maubos na niya ang iniinom na kape ay agad na siyang tumayo, maghahanda pa siya para sa pagpasok sa opisina.
He was walking out of the dining room when his eyes caught by the open sliding door that connected to the balcony of his penthouse.
He was enticed to come to the open door. He peeked slightly and saw Maria, sitting on the stool while leaning down on the ledge, looking like she was in a deep thought.
Mula sa balcony ay tanaw na tanaw ni Maria ang mga nagtataasang gusali sa paligid. Kitang kita mula sa itaas ang kabuuan ng siyudad.
Napansin ni Brix na mukhang malungkot ang dalaga. Halos isang buwan na rin kasing hindi ito nakakalabas at hindi niya ito masisisi kung ganun ang nararamdaman nito.
Nasanay si Maria sa kanilang lugar na malaya siyang gumagala at ginagawa ang lahat nang gusto niya. Sa bahay ni Brix, pakiramdam niya ay para siyang nakakulong sa mataas na tore.
Brix clears his throat to get her attention.
"Ahemmm!" he said.
Maria immediately turned around to face him.
"Si-sir Brix!" Mula sa pagkakaupo ay mabilis itong napatayo. Ngunit maagap siyang nasenyasan ni Brix na manatili lang na nakaupo.
"Mukhang malalim ang iniisip mo. Would you mind telling me what's bothering you?" tanong ng binata.
"Huh! Wala naman po, sir," maagap na sagot nito kasabay ng sunod-sunod na pag iling.
Hindi na siya nagtanong pang muli. Sa tingin naman niya ay ayaw nitong mag-kwento sa kaniya kaya hindi na niya ito pinilit.
"Magbihis ka, you will come with me," utos niya rito.
"Ho! Saan po tayo pupunta?" takang tanong naman ni Maria.
"Gawin mo na lang ang inuutos ko. You will know later. I'll give you twenty minutes to prepare yourself," may pagmamadali na sabi nito, hindi hinintay na makasagot pa si Maria. Agad ng iniwan ito at pumasok sa loob dahil marami pa siyang kailangan asikasuhin bago sila umalis.
_
Brix called his secretary, telling her to cancel all his appointments for today.
"Pe-pero, Sir! Those people have been reaching you since last two weeks pa and today lang na-schedule ang appointment nila with you. All is settled para sa general meeting mamaya," mahabang paliwanag nito.
"Do you heard me right, Grace? Do I make myself clear to you?" Bakas na ang iritasyon sa tono ng boses ni Brix.
Napa buntong hininga naman ang nasa kabilang linya.
"Si-sir!" tanging nasabi na lang nito dahil hindi nito alam kung ano ang gagawin sa mga natanguan na nilang mga importanteng tao.
"Ang sabi ko cancel all my appointments for today. I know it's too much to ask at naiipit ka sa sitwasyon, but please, just give this day to me! Just this day, Grace!" pakiusap niya sa kaniyang sekretarya.
Napakahalaga ng bawat oras niya at napaka-hectic ng schedule niya sa araw-araw. Pero para sa kaniya ay mas importante ang araw na ito. He wants to spend the day pampering Maria. She needs it so badly and he can't deprive her of what she truly deserves. Kung hindi pa ngayon ay kailan pa niya gagawin na ipasyal ito?
There wasn't a time that he wasn't busy, so he thought of sacrificing an entire day for her.
-
Walang ideya si Maria kung saan sila pupunta ni Brix, gaya ng dati ay naka-hoody jacket ito at shades.
Their car stopped in front of a huge shopping mall and when Maria read what was written in the very center of the building, she found out that they are now in GAV Supermall.
"Let's go!" Bahagya siyang napakislot ng marinig ang boses ni Brix.
Maya lang ay bumukas ang pinto sa backseat at lumabas buhat doon ang binata.
Namomroblema si Maria, ito ang pangalawang beses na makasakay siya sa mamahaling sasakyan ni Brix at hindi niya alam kung paano bubuksan ang pintuan nito.
Kamot-kamot ulo na lumingon siya sa driver na si Mang Ambo para manghingi ng saklolo. Agad naman siyang naintindihan nito kaya ito na ang nagbukas niyon para sa kaniya.
"What took you so long?" may halong pagkainip na tanong ni Brix.
Kiming ngiti lang ang isinagot ni Maria sa tanong nito sabay yuko.
Sa isip niya ay kailangan pa bang sabihin niya rito ang totoo na natagalan siya dahil hindi niya alam kung paano makakalabas sa mamahalin nitong sasakyan na mas mahal pa sa buhay niya?
Sa bandang huli ay napagdesisyunan niyang huwag ng ipaalam dito dahil isa na naman iyong katangahan at nakakahiya na sa kaniyang amo. Minabuti na lamang niyang manahimik.
Dire-diretsong lumakad si Brix papasok ng mall habang siya ay nakasunod lang sa likuran nito.
"Tsh! Could you walk faster so you can keep up with me? You're like a tail in my back," sabi ni Brix matapos pumihit paharap kay Maria. Napansin kasi nito na para bang naglalakad siya na walang kasama.
Nataranta ang dalaga, lakad takbo siyang humabol kay Brix para makasabay siya sa paglalakad nito.
"Wala ka na bang ibang damit? Bakit parang napaka-out of fashion naman ng suot mo?" tanong nito habang pinapasadahan ng tingin ang dalaga mula ulo hanggang paa.
Napanganga na lang tuloy si Maria sa kaprangkahan ng kaniyang amo.
"Okay lang ba siya? Saan naman ako makakabili ng magandang damit sa bundok?" tanong ng dalaga na sarili lang ang kinakausap.
Nang sipatin niya ang kanyang kasuotan ay hindi niya maiwasan ang madismaya. Napagtanto niya na nakakahiya nga ang suot niya.
Nanliliit na dumistansya siya kay Brix.
Napaka ganda ng shopping mall na ito at lahat nang tao sa loob ay talaga namang mukhang may sinasabi sa buhay at ang suot niyang blusang asul at paldang bulaklakin na nangungupas na sa kalalaba ay talaga namang nag mukhang basahan.
Hindi niya masisisi si Brix kung ikahiya nito na kasama siya. Dinaig pa kasi niya ang taong grasa sa suot niya na lumang-luma na sa lahat ng pinaglumaan.
Buti na lang nakapag suklay siya kahit paano dahil kung hindi ay mapagkakamalan na talaga siyang taong grasa.
_
"I like that! that and that!"
"Those stiletto shoes, give her five pairs of it in different colors."
"Those bags on display, I think it will suit her. We'll buy all of it, just give us your new stocks."
"The accessories, I want the latest fashion and those make up give her the most expensive brand you have here."
Hindi magkandaugaga ang mga staff ng high end store sa pag a-assist sa kanila habang nakaupo lang si Brix at nagmamando sa mga ito. Halos bilhin na nito ang lahat ng paninda sa boutique na iyon.
He can do that if I he wants too. They are their tenants and they are just renting space from them dahil ang GAV Supermall na kinalalagyan ng high end store na iyon ay pag aari ng mga Vander.
He wants the best for Maria.
She looks so dull and boring but he can't deny the fact that she is no doubt a beautiful young woman. He thinks that it will enhance more if she will add some colors and change her fashion style. He can't bear to see her looks right now, so disgusting!
Habang abala ang mga mata niya sa pagtingin sa mga display sa loob ng store ay hindi niya namalayang abala rin si Maria sa pag-kausap sa mga staff doon.
Nang mapabaling ang tingin niya sa gawi nito ay laking gulat niya nang makitang ipinababalik lahat nito sa display ang mga bagay na napili na niya para rito.
"Hey, Maria! What do you think you're doing?" gimbal na tanong niya rito.
_
Hindi lubos mapaniwalaan ni Maria ang nakikita ng kaniyang mga mata. Halos malaglag ang panga niya ng sipatin ang presyo ng dalawa sa limang bag na gustong bilhin ni Brix para sa kaniya.
Sabi ng staff ng boutique na nakausap niya ay mamahaling brand daw talaga ang mga iyon at gawa sa ibang bansa.
Napalunok siya ng sariling laway. Hindi niya akalaing ganun pala kamahal ang napakaliit na bag na iyon na parang wala namang gamit na pwedeng mailagay sa sobrang liit.
Nang mahismasmasan siya sa pagkabigla ay dalidali siyang lumapit sa isang staff na bitbit ang mga damit na napili ni Brix para sa kaniya. Alam niyang mayaman ito ngunit hindi naman pumasok sa isip niya na gagastusan siya nito ng todo para lang sa mga bagay na hindi naman niya talaga kailangan.
Parang gusto niyang himatayin, para sa kakapirot na mga telang iyon ay 45,000 pesos na ang halaga ng bawat isa. Parang hindi naman makatarungan.
"Miss, sandali lang! Huwag ka munang kumuha ng mga stocks n'yan. Hindi namin bibilhin ang mga iyan," pigil niya sa babaeng papasok na sana sa stock room.
Para kay Maria ay hindi siya nararapat na magsuot ng mga ganun kamahal na bagay. Isa lang luho ang mga iyon at hindi naman siya mayaman. Nakikitira lamang siya sa bahay ni Brix at hindi nga niya alam kung ano ba talaga ang trabaho niya roon dahil ang totoo ay wala naman siyang ginagawa sa bahay nito. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nakakita ng ganun kamahal na bilihin na kayamanan na para sa kanila iyon.
Natigilan siya nang bigla na lang magsalita si Brix, muntik na siyang mapalundag sa gulat.
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo, Maria?" kunot noo na tanong nito na tinagalog lang ang sinabi kanina. Para kasing hindi siya narinig ng dalaga.
Dali-daling lumapit si Maria rito para magpaliwanag.
"Eh, kasi, Sir, hindi po naman makatarungan ang mga gusto ninyong bilihin para sa akin. Maari po bang lumipat na lang tayo sa ibang tindahan 'yung mura lang?" Nahihiya man ay lakas loob na nagsabi na siya nang gusto niyang mangyari.
'What? Why?" tanging nanulas sa bibig ni Brix. Hindi niya maintindihan kung bakit nasabi iyon ni Maria.
"Kasi po, Sir, kung susumahin ninyo ang lahat ng mga napili niyong bilhin para sa akin ay tiyak na aabot na ng ilang milyong piso iyon. Kung ang pera na magagastos niyo para rito ay ibigay niyo na lang sa mga foundation o kaya sa mga charity na tumutulong sa pagpapagamot sa mga may malubhang karamdaman ay nakakapagpasaya pa kayo ng maraming tao at higit sa lahat may na dugtungan pa kayong buhay," mahabang paliwanag niya.
"At saka hindi ko naman kakailanganin ang mga iyan, wala naman po akong paggagamitan ng mga mamahaling damit, bag at sapatos na 'yan," dugtong pa niya.
Saglit na napaisip si Brix, na-realized niya na sa kabilang banda ay may katwiran naman ang mga sinabi ni Maria.
"Okay! So where do you prefer to buy your things?" Kalmado na ito ngayon at para namang nabunutan ng tinik sa dibdib si Maria.
Habang buhay siyang makokonsensya kung hahayaan lang niya ang binata na magsayang ng pera.
_
Lihim na humanga si Brix sa disposisyon ni Maria.
Ngayon nga ay nasa department store sila at hinayaan na lamang niya ito na mamili ng gusto nito, tutal ay siya naman ang magsusuot kaya mabuti pa ngang huwag na lamang siyang makialam.
Sa nakikita niya ay mga simpleng bagay lang ang nagpapasaya rito and he likes her attitude. She's one of a kind.
"Sir, ito na po'ng lahat," sabi ni Maria na hindi niya na malayang nakalapit na pala sa kaniya. Bitbit nito ang ilang pirasong blusa at palda kasunod niya ang sales clerk na may dalang dalawang box ng sapatos at dalawang mumurahing shoulder bag.
Kung komportable ito sa mga napili niya para sa kaniyang sarili ay hindi na lang kinontra pa si Brix. Gamit ang kaniyang gold card ay binayaran niya ang mga pinamili nito.
"Please do me a favor, Maria!" maya'y sabi ni Brix ng makalabas na sila sa department store.
"Huh! Ano po 'yun, Sir?" may pag aalala na tanong ng dalaga.
Bumaling muna ang binata ng tingin dito.
"Pumili ka sa mga pinamili mo ng damit na pamalit d'yan sa suot mo. Masyado na 'yang luma. Pagkatapos mong magbihis ay itapon mo na sa basurahan ang mga pinagpalitan mo, huwag mo nang iuwi pa sa bahay," utos nito.
Tumango na lang siya at hindi na tinutulan pa ang gustong mangyari ng binata.
"After taking our lunch, I'll introduce you to Ms.Nuñez," dagdag pa nito sa sinabi kanina.
"Ms.Nuñez?" pag uulit niya. Hindi niya alam kung sino ang tinutukoy na iyon ni Brix.
"Yes! I'll ask her to help you para makapag patuloy ka sa pag aaral," anito.
Biglang nagningning ang mga mata ni Maria sa tuwa.
"Talaga po, sir?" naninigurado na tanong niya.
"Yes!" matipid na tugon ni Brix.
"Naku, Sir, maraming salamat! Hindi mo lang alam kung gaano ko kagustong makapag aral uli," tuwang sabi niya.
Ang kasiyahan na nakikita ni Brix sa mukha ni Maria ay nakakapag pagaan ng husto sa kaniyang kalooban.
Habang naglalakad sila ay kitang-kita sa kilos ng dalaga ang labis na kagalakan. She's full of energy habang abala sa pag tingin-tingin sa paligid.